Chapter 11

559 9 0
                                    

Chapter 11

Leslie Point of View

"Ms. Stacey coffee po." Nilapag ko sa harap nya ang isang tasa na may laman na kape.

"Thanks." Cold nitong sambit.

Tumango lang ako at bumalik na sa pwesto ko. Maya't-maya may kumatok kaya't napatingin ako sa pinto.

Pumasok si Cacee at may dala-dala itong folder. "Ms. Stacey nasa lobby po si mr. Reyes."

Tinignan ko si Boss at nakita kong kumunot ang noo nya. "Anong gusto nya?"

"Gusto po nya maka-usap ang personal assistant nyo." Sabi ni Cacee. Bahagya akong nagulat. Bat nya ko gusto makausap?





Stacey Point of View

Napatayo ako dahil sa galit. Bwiset na matanda yun! Pumunta pa talaga sya sa company ko para maka-usap ang P.A ko.

"No! Ipakaladkad mo palabas si mr. Reyes ngayon din." Madiin kong pahayag.

Bigla nalang ako kumalma ng maramdaman kong hinawakan ako sa braso ni Leslie.

"O-opo ms. S-stacey." Utal na sabi ni Cacee at agad-agad lumabas ng office.

"Boss kalma lang po." Sabi ni Leslie habang hinihimas ang aking braso.

Umupo ako sa swivel chair ko at napahawak sa sentido. "Bwiset na matanda." Bulong ko at hinilot-hilot ang aking sentido.

Hinihimas parin ni Leslie ang aking braso. Ewan ko pero parang may nagtulak sakin na hawakan ang kamay nyang humihimas sa braso ko.

Tumingala ako para makita ko sya. "Leslie?"

"Po?"

"Samahan mo ko mamaya sa bar."

"Huh? Magba-bar po tayo?"

"Oo, please samahan mo ko."

"O-opo."

"Cge na, bumalik kana sa pwesto mo."

Bumalik na sya at ako naman ay pinagpatuloy na ang aking ginagawa.

→Fast Forward←

Dinala ko si Leslie sa bar kung saan puro mayayaman lang ang nakakapasok at dapat may ID ka. Kung wala kang ID, hindi ka makakapasok.

Actually isa 'toh sa mga pagmamay-ari ni kuya Anthony kaya naman kahit wala akong ID, makakapasok ako.

Or should i say kami. "Let's go."

Hinila ko na si Leslie papasok, hindi naman kami sinita ng guard dahil hawak ko sa kamay si Leslie habang naglalakad.

Sumalubong samin ang sari't-saring amoy ng alak at usok. Ang dami naman ng tao.

"Boss pwede po ba na sa labas nalang ako? Hindi po kasi ako sanay eh, first time ko po maka-pasok sa bar." Bulong nito sakin.

"No, sa VIP room nalang tayo para hindi maingay." Sabi ko at hinila na sya paakyat.

Sa third floor pa kasi yung exclusive VIP room, habang sa second floor ay mga simple VIP room lang. Tas sa fouth and fifth floor may nga room din at para naman yun sa mga taong nagse-sex.

Pumasok kami sa exclusive VIP room kung saan walang tao. Pinaupo ko sya sa couch at naupo rin ako.

"Anong gusto mo?" Tanong ko kay Leslie.

"Huh? Wala po." Nahihiya nitong sabi.

"Don't worry hindi ko ibabawas sa pangalawang sahod mo." Sabi ko at binuksan ang TV gamit ang remote na nakalapag sa center table.

"Juice nalang po." Sabi nya.

Pinindot ko yung intercom sa gilid. "Pakidalan kami ng makakain, yung special and margarita narin."

Maya't-maya may kumatok sa pinto then bumukas. Pumasok ang isang waiter na may dalang pagkain.

Nilapag nya lahat ng dala nya sa center table. Bumunot ako ng pera sa wallet ko. "Here's your tip."

Nagpasalamat muna ito sakin bago lumabas at sinara ang pinto. "Inom tayo."

Sinalinan ko ng alak ang baso. "Hindi po ako umiinom."

"Okay, ayan na juice mo." Sabi ko at nilagay sa harap nya ang juice.

Tumayo ako at nahiga sa kama. Yes may kama dito. May isang king size bed, meron din TV at videoke, meron din dalawang couch na mahaba at dalawang aircon.

Kaya sya tinawag na exclusive VIP room. Dun kasi sa simple room, walang kama.



End of Chapter



Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

One Mistake || #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon