Chapter 07

596 8 0
                                    

Chapter 07

Leslie Point of View

Two am na ako nakarating sa condo ko. Hinatid ako nung driver ni boss. Two am na kami nakauwi dahil ang daming pinag-usapan ni Boss at yung ka-meeting nya.

Pagpasok ko sa loob ng condo agad akong nakatulog at hindi na nakapag-bihis pa.

→Fast Forward←

Nagising ako at sobrang sakit ng ulo ko. Hyst! Sumasakit kasi ulo ko kapag puyat ako o kaya kapag malapit na ko magkaron.

Buti nalang wala akong pasok . . . Pahinga day ko ngayon kaya dapat magpahinga ako nang magpahinga.

Baby i like your style . . .

Kinuha ko yung cellphone ko at hindi na tinignan kung sino ang tumatawag. "Hello?"

"Hi Leslie!" Si Mae pala.

"Oh Mae? Bat napatawag ka?"

"Papasama kasi ako ngayon sa mall, pwede kaba?"

"Cge, ngayon naba?"

"Oo, papunta na ko sa condo mo."

"Excited lang?"

"Heheheh! Cge na maligo kana."

Binaba nya na yung tawag. Tinabi ko yung cellphone ko at pumasok nasa CR para makaligo.

→Fast Forward←

Saktong paglabas ko ng CR, biglang may nagdoor bell. Hinigpitan ko ang pagkabuhol ng bathrobe ko at pumunta sa main door para buksan ang pinto.

"Hi bessywap!"

Niyakap ako ni Mae. Pag-tapos nya kong yakapin, dire-diretso syang pumasok sa condo unit ko.

Sumunod ako sa kanya at umupo ito sa couch. Pumunta ako sa harap nito. "Ang aga mo naman ata pumunta."

"Duh! Thirty minutes na kaya yung nakaraan mula nung tawagan kita."

Sumulyap ako sa orasan. "Sorry, cge magbibihis muna ako."

Pumasok ako sa kwarto ko at naghanap ng maisusuot. Nang makahanap ako, agad akong nagpalit tas nag-ayos ng itsura.

Kinuha ko yung wallet ko at tanging five hundred pesos nalang ang laman. Hyst! Sasusunod na araw pa ang sahod ko. Paktay! Wala akong maibabayad bukas ng kuryente.





Stacey Point of View

Nandito lang ako sa condo unit ko at tahimik na nanonood ng cartoons. Hyst! Kaboring naman, walang magawa.

Matawagan nga si Dianna.

Dinial ko ang number ni Dianna at naghintay pa ko ng ilang segundo bago nito sinagot ang tawag.

"Hi babe!"

"Lower you voice, Dianna."

"Sorry babe."

"Tsk! Pumunta ka sa condo ko ngayon din." Madiin kong sabi at pinatay na ang tawag para hindi sya makatanggi.

Si Dianna ay matalik kong bestfriend, nagkakaibigan kaming tatlo nila Amy. Bata pa lamang kami ay mag-bestfriend na kami dahil mag-business partner dati ang mga magulang namin.

Si Dianna ang pinaka-maingay at magulo samin. Nung nag-high school kami halos punuin nya na yung log book ng guidance dahil lagi syang nakikipag-away.

Ako naman ang pinaka-tahimik at laging walang imik, ako rin ang pinaka-masungit samin at wala akong pakelam sa mga taong nasa paligid ko.

Si Amy naman ay napaka-playgirl. Nung collage kami halos iba't-ibang babae at lalaki ang kasama nya araw-araw.

Kaming tatlo ay bisexual at high school pa lang kami ay alam na namin sa sarili namin yun. Pero ako ay walang pakelam sa mga lalaki, lalong-lalo na sa mga babae.

Wala akong naging ex ni isa, crush lang pero nung elementary pa ko nun. Tsaka pag-hanga lang yun at dahil bata pa ako nun, kahit simpleng magadang gawin lang ay hinahangaan ko na

*DING!*DONG!*DING*DONG!*

Binuksan ko ang main door at pawis na pawis ang mukha ni Dianna ng makita ko ito.

"Anong nangyari sayo?"

Imbes na sagutin ako nito, bigla syang pumasok sa loob kaya't sinundan ko ito at nakarating kami sa kitchen.

Nakita ko syang uminom ng tubig kaya bumalik ako sa main door at sinara. Binalikan ko si Dianna at nakita kong nakaupo ito sa upuan.

"Ano bang nangyari sayo?"

Umupo ako sa harap nya.

"Hinabol ako ng aso."

"Huh? Diba naka-kotse ka?"

"Nag-jogging lang ako papunta rito, hinayupak ka!"

"Ikaw ang hinayupak at sino ba nagsabi sayo na mag-jogging ka papunta rito?"

"Wow! Grabe ka! Magpasalamat kana lang, imbes na mag-sungit ka."

"Tsk! Tara alis tayo, maliligo lang ako. Kung gusto mo maligo, dun ka sa kabilang kwarto at meron kang damit dun sa loob ng closet."

Pumunta na ko sa kwarto ko at naghubad ng damit, as in lahat hinubad ko. Pumasok na ko sa CR at nagsimula maligo.


End of Chapter


Don't Forget to VOTE And Leave COMMENT If You Like This Chapter

One Mistake || #wattys2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon