100D C-3

1.6K 33 1
                                    

____________


Tapos na ang exam namin, sabi ni Ma'am ngayon daw niya i-a-announce kung sino ang nag-top. Syempre, may idea na ako kung sino 'yon. 

Nasa harapan si Ma'am. Ang mga klasmeyt ko naman ay naghahantay ng announcement niya. Mas kabado sila sa nakakuha ng low grade kesa sa nag-top.

"Our top of the class is Charlotte Salvador," sabi niya sabay palakplakan ng mg klasmeyt ko.

"Congrats, Char!" nakangiting sabi ni Bianca.

Isa-isang sinabi ni Ma'am ang grades ng mga klasmeyt ko. Ngayon i-a-announce naman niya ang pinaka nakakuha ng low grades.

"The student that got a low grades is Sky Claude," sabi ni Ma'am sabay lingon ng klasmeyt ko sa pwesto ni Sky.

Nakangiti lang si Sky. Tumayo pa siya para mag-bow. "Thank you, Ma'am," aniya at umupo na. 

Proud pa siya, wika ko sa isip.

Nakita kong parang nagsalubong ang kilay ni Ma'am. "Charlotte, I give you a task. Tulungan mo si Sky na mag-aral," ani nito at lumabas na ng classroom.

Paismid ko siyang tinignan. Ngumiti naman siya ng nakakaloko. Mukang magkakasakit ako ngayong araw, isip ko sabay hilot ko sa sentido.

Oo nga pala kasama ito sa memory ko. Kaya pala na-bully niya ako dahil sa pagtuturo ko sa kanya. Palihim akong ngumiti.

"Now is my chance to revenge," sabi ko.

_________

Sabado ng umaga ang schedule ko para turuan si Sky the Hell. Oo, hell, impyerno kasi ang ugali niya. Sa mga araw na tinuturuan ko siya ay puro kalokohan ang ginagawa niya. Minsan yung libro ko nilalagyan niya ng bubble gum. Minsan imbis na mag-aral kami ay panay tablet ang hawak niya. Hindi ko magawang sigawan siya dahil nasa bahay nila ako.

Alam ni Papa at Mama na nagtuturo ako sa kanya tuwing sabado. Unti-unti na ring natatanggap ng mga magulang ko ang ugali ko ngayon.

"Hoy! Sagutan mo nga 'to!" mataray na sabi ko. Binagsak ko sa harap niya ang libro.

"Eto? Ang dali lang nito!" aniya sabay ngisi.

"Madali pala, edi, sagutan mo!"

Kinuha niya ang libro at sinagutan ang mga tanong. Ilang minuto lang ay tapos na niya. Tinignan ko ang libro. Nagsalubong na ang kilay ko. Puro drawing ang nilagay niya at may nakasulat na BRUHA KA CHARLOTTE! :D

Sa inis ko hinatak ko ang buhok niya. Napa-aray siya kaya binitawan ko.

"Umayos ka, kung hindi isusumbong ko kay Ma'am 'yang ginagawa mo."

Inayos niya ang buhok at lumuhod sa harap ko. "Charlotte, I'm sorry," sinserong sabi niya. Parang totoo, maniniwala na sana ako pero bigla siyang tumawa. "Joke lang, bruha," natatawang sabi niya. 

Hahampasin ko sana siya pero napigilan ko pa sarili ko. Pinabasa ko siya ng mga tula kaya ilang minuto din kaming natahimik. Mayamaya ay kinalabit niya ako sa balikat.

"Char, masakit yung likod ko, pwede mo bang hilutin?" tanong niya. Parang seryoso siya pero ayaw kong maniwala.

"Pahilot mo sa Yaya mo," ismid ko.

"Aray! Ang sakit ng likod ko, huhuhu," aniya sabay higa sa kama niya. Nasa kwarto niya kami nag-aaral.

Napailing na lang ako. Nakita ko na parang iiyak na siya. Dahil mabait ako lumapit ako sa kanya at hinilot ang likod niya.

"Oh! My ghad! Charlotte!"

"Masakit ba?" tanong ko na medyo hininaan ko ang paghilot.

"Uh! Ah...my ghad...Char," aniya na tila umuungol. Mukang pinagti-tripan na naman ako. Kaya ang ginawa ko kiniliti ko siya. 

Tawa siya ng tawa. "Hahahaha! Charlotte, tama na! Tama na! Hahaha, nakikiliti ako!"

"Eto gusto mo di ba?!" sabi ko at lalo siyang kiniliti. Humarap na siya. 

Napayuko ako dahil sa pagkilos niya. Nagtama ang aming mukha. Isang dipa na lang ang pagitan ng mukha namin sa isat-isa. Natigilan ako, ganoon din siya. Iniwas ko ang tingin sa kanya at bumalik sa mesa kung saan kami nag-aaral.

"Bumangon ka dyan, mag-aral kana," sabi ko sabay harang ng libro sa mukha ko. Naramdaman ko kasing namumula ang pisngi ko.

"Charlotte," malambing na sabi niya. "Char--lotte," aniya ulit.

Hindi ko siya pinansin. 

"Sweetie pie, Come here," sabi niya ulit.

Naasar na ako kaya binagsak ko ang libro. "Uuwi na ako! Mukang wala ka talagang balak mag-aral."

Kinuha ko ang lahat ng gamit ko at isinuksuk lahat sa bag ko. Hindi ko na siya nilingon. Padabog kong sinara ang pinto niya. Mabuti na lang wala ang parents niya. Iniwan ko siya at nagmadaling umuwi ng bahay.

Hindi ako madalaw ng antok kinagabihan, panay kasi sagi sa isip ko ang nangyari sa'min ni Sky kanina. Doon ko lang napansin ang mukha niyang parang anghel.

"Pero ang ugali sagad pa sa demonyo!" sabi ko sabay tapon ng unan. Saktong bumukas ang pinto kaya tumama sa mukha ni Papa.

"Charlotte!"

__________________



100 Days back in High school. COMPLETED SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon