100D C-5

1.4K 25 0
                                    

JS PROM


Eto ang hindi ko naranasan dati at dahil nandito na ko ulit ay pipilitin ko si Mama at Papa na payagan ako. Kung hindi man nila ako payagan ay tatakas talaga ako.

"Pa, Ma, payagan niyo na ako," naiiyak na sabi ko. Idadaan ko sa drama para pumayag sila.

"Anak, gabing-gabi na. Paano kung pag uwi mo may mang-rape sayo o kaya saksakin ka o kaya dukutin ka? Hindi namin kaya ni Papa mo na mawala ka, nag-iisang anak ka namin," sagot ni Mama.

Kabisado ko na ang linya ni mama, Eto rin ang sinabi niya sa akin dati nung nagpaalam ako na aatend ng JS prom dahil mabait ako dati sinunod ko sila. Pero ngayon moment ko na kaya wala akong balak na sundin sila.



"Ok" sabi ko na lang sabay akyat ng kwarto.



Kinuha ko agad yung box ng gown na nakatago sa ilalim ng bed ko. Mabuti na lang malaki ang savings ko. Nakabili ako ng gown na babagay sa kulay at height ko. Hindi kasi ako masyadong katangkaran.



Tapos kinuha ko din ang isang supot na laman ay lubid.



7pm ang umpisa ng JS Prom. Nasilip ko kanina si Bianca na nakabihis at nakaayos na. Sinundo siya ni Joey yung klasmyt namin na magiging ka date niya sa JS Prom. Wala akong ka date, mas ok na yun para masulit ko ang gabi.



Bago ako umalis dapat planado lahat. Pagpatay ni mama ng ilaw sa sala ay pumasok na siya sa kwarto kasama si papa. Maaga sila natutulog. 8pm pa lang tulog na sila.



Ako ang nag-ayos sa sarili ko syempre expert na ako pagdating sa make-up. Sa tagal ko ba namang nagtrabaho nakabisado ko na ang shade at kulay ng make up na babagay sa mukha ko.Pagkatapos kong mag make-up ay sinuot ko naman ang gown ko na kapartner ay de takong na sandals. Siguro mga 5 inches ang taas.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Binuksan ko ang bintana at nilaglag ang lubid. Dahan dahan akong bumaba. Nakita ko si Brownie na parang tatahol. Yung malaking aso namin na malapit sa gate.kaya sumenyas ako sa kanya na wag maingay. Mabuti na lang matalino si Brownie na gets na agad ang gusto kong sabihin.



May susi ako ng gate. May duplicate key ako kaya naa-ayon lahat ng plano ko.Paglabas ng gate ay nakahinga na ako ng maluwag. Tinignan ko ang relo ko 9pm na. Hanggang 11pm lang ang JS Prom namin.

100 Days back in High school. COMPLETED SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon