100D C-7

1.4K 24 0
                                    

---------------------



Date



Kanina pa ako di mapakali dahil kaharap ko ngayon si Sky. Sabado ngayon kaya nandito na naman ako sa kanila.



Yung mga ngiti niya parang may ibig sabihin. Di ko matapos ang pag-checheck na papel niya. Panay kasi ang tingin niya sa akin. Naiirita na rin ako.



"Ano bang tinitingin mo? tanong ko at padabog na binagsak ang ballpen na hawak ko. Mukang may kalokohan na namang naiisip ang lokong ito.



"Char, pwede ba kitang....." hindi niya tinuloy ang pagsasalita.



"Ano nga!!!!??" napalakas na ang boses ko.



Napahawak siya sa batok at yumuko. " Char date tayo mamaya after nito". sabi niya.



Ha? ano bang iniisip nito. Wala naman sa alaala ko na niyaya niya akong lumabas. Hindi agad ako nakasagot.



Kita ko sa mukha niya na parang nag-mamakaawa.Tutal date lang naman. Pagbibigyan ko na, expert na kasi ako pagdating sa ganyang bagay.huminga ako ng malalim at seryoso siyang tinignan.



"Ok" yun lang sinagot ko.



Ngumiti siya at tinapos ang librong pinapabasa ko.



Pagkatapos naming mag aral ay nagpahatid siya sa kanyang driver. Sabi niyakasi siya na daw bahala sa date namin, so ako go to the flow lang. Pumunta kame sa enchanted kingdom. Sa totoo lang natatawa ako nung dun kame pumunta. Sa mga date ko kasi dati ay sinehan, restaurant at mall ang usually na pinupuntahan namin.



At dahil first time ko din sa enchanted kingdom ay hinatak ko agad siya dun sa roller coster. Pag-upo palang namin ay halata ko na na parang namumutla siya. Pati din naman ako ay kinakabahan pero mas excited akong ma try itong roller coaster. :).



"Char, ikaw na lang sumakay" sabi niya, namumutla na siya Hahahaha.Hinawakan ko ang braso niya para di siya tumayo.



"Masaya ito, wag kang kabahan, kaya mo yan!!. natatawang sabi ko.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
100 Days back in High school. COMPLETED SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon