100D C-6

1.4K 26 0
                                    

------------------



Beauty contest



May beauty contest sa school, kasali si lilac dahil siya ang muse namin.



Pati pala ako kasali. Si bianca ang naglagay ng pangalan ko hindi ko alam na ginawa niya iyon. Nalaman ko na lang ng kausapin ako ng isang coordinator ng pageant. Sa pagkakaalala ko sa memory ko ay sinali talaga ako ni bianca yun nga lang nag back out ako nung mismong araw ng pageant. Sobrang mahiyain kasi ako dati at wala sa isip ko ang sumali ng pageant.



Sinabi ko kila mama ang tungkol sa pageant. Nagulat ako dahil sinuportahan nila ako. Sa mismong gabi ng coronation night ay kasama ko sila. Sa talent portion pa lang ay binigay ko na ang pinaka the best kong performance. Kumanta at sumayaw ako, kahit hindi kagandahan ang boses ko at di ako magaling sumayaw ay na keri ko. 



Pagkatapos ko mag perform ay walang imik ang lahat ng tao tulala lang sila. Narindi siguro sa boses kong makabasag pinggan :)


Sa awarding ay nakuha ko ang Photogenic award. Maganda ako sa harap ng camera pero sa personal di ko alam. :).


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Sunod naman ang tatawagin ay ang top 3 kung saan ang last part ng contest. Ang question and answer portion.


"And the last spot goes to"..sabi ng host.



Kabado ang mga audience. Pero ako wala na sa isip ko na makapasok sa top 3 dahil nandoon na si Lilac.



"Goes to ms. Charlotte salvador!!!" sabi ulit ng host.



So yung reaksyon ko nagulat talaga, pakiramdam ko ako na talaga ang nanalo. Nakita ko si mama na parang naluluha, si papa naman ay talon ng talon dahil sa excitement.Question and answer portion na.



Huli ulit akong tinawag. Pinapili ako ng host ng card para sa tanong na sasagutin ko.Lahat kabado at tahimik.



"Ms. Charlotte what is the essence of being beautiful?"



Huminga ako ng malalim. 


"Being beautiful is not what you see on persons appearance its about being kind, gentle, respectful and show love to anybody everybody or somebody and most important is being unapologetically herself, comfortable in her perfect imperfection.

And i.......thank you......!".



Dumagundong ang buong venue dahil sa lakas ng palakpakan at hiyawan. Hindi ko akalain na magugustuhan nila ang sagot ko.



Eto na ang hinihintay ng lahat. Magkahawak kami ni lilac ng kamay.



"And the title for miss campus goes to.......


Goes to....


Goes to Ms. Charlotte salvador!"



Nanlaki ang mata ko hindi ko akalain na ako ang nanalo. Napayakap sa akin si lilac.



"Congrats charlotte, masaya ako na nakuha mo ang title" nakangiting sabi niya. Wala din akong masabi sa kabaitan ni lilac. Title holder din kasi siya last year.



"Thank you!" sabi ko sabay rampa sa stage with matching wave hands.



Lumapit sakin si mama at papa para yakapin ako. Pagkatapos ng pageant ay papasok na sana ako sa sasakyan ng lumapit sa akin si sky. Ngayon ko lang napansin na nanuod din pala siya.



"Sabado bukas," sabi niya sabay ngiti.



"Oo na tuturuan kita" sabi ko sabay pasok sa kotse.



"Bye charlotte" sabi niya sabay kaway.



"Charlotte gwapo nung kausap mo kanina bagay kayo" nakangiting sabi ni papa habang nag-ddrive.



Na gets ko na si sky ang tinutukoy ni papa.Nagulat ako nung binatukan ni mama si papa. 



"Ang bata bata pa ni charlotte gusto mo nang pag asawahin!!".

Si mama talaga fast forward kung mag isip.



"Ma... pa.... sa bahay na po kayo magsakitan baka mabunggo tayo!" saway ko.



---------------------

100 Days back in High school. COMPLETED SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon