100D C-2

2K 35 0
                                    

Charlotte POV


Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko. Inabot ko iyon at pinatay.

"Inaantok pa ako," sabi ko sabay kusot ng mata.

Pagtayo ko ay kinuha ko ang tuwalya sa cabinet ko. Napansin kong parang may mali. Ibang kwarto yata itong tinulugan ko. Pati tuwalya ko iba din. May mga damit na nakakalat sa sahig, pati mga libro at notebook ko ay nakakalat. Nahagip din ng mata ko ang picture ko. Napakunot ako ng noo.


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Baby face pa ako dito," sabi ko habang nakatingin sa litrato.

Napansin ko din ang katawan ko na parang lumiit, pati buhok ko parang iba. Sa sobrang curios ko ay pumunta ako sa harap ng salamin.

Nanlaki ang mga mata ko. "Oh, my ghad! Totoo ba ito?" gulat na sabi ko sabay hawak sa bibig ko. Pinipigilan kong 'wag sumigaw.

Kinalma ko ang sarili. "Char, panaginip lang ito kaya gumising kana," sabi ko sabay kurut sa pisngi at mga braso ko.

Kahit ilang beses kong kurutin ang sarili ko ay 'di pa rin ako nagigising. "Totoo nga! Totoo nga yung orasan!"

Biglang bumukas ang pinto nakita ko si Mama na may hawak na sandok. "Maligo kana, baka mahuli ka sa klase," sabay sara ng pinto.

"Bumata din si Mama." Huminga ako ng malalim. "Kung totoo man ito, may chance na akong i-enjoy ang high school days ko?" tanong ko at ilang sandali pa ay ngumiti ako.

Habang kumakain ay nakatingin lang si mama at papa sa akin. Sa pagkakaalala ko ay napaka hinhin ko kumain. Naninibago sila ngayon dahil panay ang subo ko wala na akong pakialam kung may natatapon na pagkain. Kaya siguro ako nagugutom dati dahil maski pagkain ay hindi ko ma-enjoy.

"Honey, sinasaniban na ata ang anak natin, mukang kailangan natin magpadasal mamaya?" sabi ni Papa. 

Nakikinig lang ako sa usapan nila.

"Honey, sa tingin ko nga," sabi ni Mama sabay subo.

Pagkatapos ko kumain ay nagpaalam na ako kila Mama. Hindi sila makapagsalita dahil sa mga kilos ko.

Pagdating ko sa school ay umupo ako sa dati kong upuan. Sa dulo ako lagi nakaupo dahil sa sobrang mahiyain ko dati. Nasa unahan ko naman ang madaldal na si Bianca. Sa pagkakaalala ko ay lagi niya akong kinakausap pero hindi ako nagsasalita.

"Goodmorning," bati ko sa kanya.

Kumulubot ang noo niya. "Char?! Tama ba yung narinig ko? Nagsalita ka?"

Tumango ako sa kanya. "Yes, definitely true," nakangiting sabi ko.

Ilang saglit pa ay dumating narin ang iba naming kaklase. Pumasok na din si Ma'am may kasama siyang bagong estudyante. Syempre, kilala ko na kung sino 'yon.

100 Days back in High school. COMPLETED SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon