Dahil nabwisit ako sa ginawa ni Sky ay hindi ko siya kinausap buong linggo. Sinusubukan niya akong kausapin pero di ko siya pinapansin.
Sabado na ulit, nandito na naman ako sa bahay nila.
"Charlotte, pasok kana. Ready na ang study table niyo," sabi ng Yaya niya. Binuksan nito ang pinto at pumasok ako. Nakita ko na nakaupo si Sky sa upuan at nagbabasa siya ng libro.
Nagtataka ako dahil sumusunod siya sa akin. Pagkatapos kong icheck ang mga sagot niya ay pinagbasa ko naman siya ng mga tula. Ito ang pinaka ayaw na ayaw niyang gawin pero parang nag-iba yata ang ihip ng hangin.
Narinig kong huminga siya ng malalim. Nakaharang ang libro sa mukha niya kaya di ko makita ang itsura niya.
"Charlotte, sorry," biglang sabi niya.
Napakunot ako ng noo. Totoo ba itong naririnig ko? Ayaw kong magpa-apekto sa mga kalokohan niya kaya di ako nagsalita.
Tinanggal niya ang librong nakaharang. "Sorry," sabi niya at ngumiti ng pagkatamis tamis.
Natigilan ako sa ngiti niya. Nag-umpisa akong kabahan at hindi ko alam kung bakit? Binalik ko ulit ang tingin ko sa librong binabasa ko.
"Mag-aral ka ng mabuti, wag kang mag-sorry sa'ken," wika ko ng hindi siya tinitignan. Napansin ko na binasa niya ulit ang libro.
Natapos ang pag-aaral namin na walang asaran at walag sigawan. Sana tuloy-tuloy na katinuan ni Sky the hell.
Nang sumunod na exam namin ay natuwa ako sa resulta. Dahil nakakuha na si Sky ng mataas na score. Kahit papano ay nagbunga ang pagtuturo ko sa kanya.
___________
BINABASA MO ANG
100 Days back in High school. COMPLETED SHORT STORY
Fanfiction100 days back in High school. (Short Story) Si Charlotte, isang career woman, matalino, succesfull, at pinipilahan ng mga kalalakihan. Pero sa kabila ng lahat ay meron siyang bagay na pinagsisisihan at yun ang kanyang naging highschool life. Dahil s...