100D C-8

2.2K 52 13
                                    


____________



Sa mga araw na hindi ko nakakausap si Sky ay hindi ko naiwasang maging malungkot. Isang linggo ko siyang di kinakausap kahit gusto ko ay 'di pwede. Alam ko kasing may Spy si Mama dito sa school kaya hindi ko siya magawang kausapin o lapitan man lang. Kahit panay ang bati niya sa akin at kausap ay todo iwas ang ginagawa ko. Ayaw ko kasing sugurin siya ni Mama sa bahay nila. 

Sa pangalawang linggo na grounded ako ay napansin kong minsan na lang pumasok si Sky. Hanggang nung matapos ang grounded ko ay di ko na siya nakita.

Ngayon, absent ulit siya. Pumasok na si Ma'am para mag-lesson."Class, I have an announcement," wika nito na tila malungkot.

Lahat kami tahimik na nakikinig.

"Hindi na makakapasok si SKy," ani ni Ma'am.

Lahat kami ay nagulat. 'Yong mga klasmeyt kong babae parang maiiyak. Si Bianca naman na nasa unahan ko ay lumingon sa akin. Halata sa mukha niya ang lungkot.

Ako naman ay parang nanlumo, pero di ko na lang pinahalata.

"Pupunta na si Sky sa America. Doon na sila maninirahan ng parents niya," saad pa ni Ma'am, halata kong malungkot din si Ma'am.

Para akong tumamlay, lahat ng nangyari na kasama ko si Sky ay nag-flashback sa isip ko. Hindi pwede, gusto ko siyang makita bago siya umalis.

Pagkatapos ng klase ay pumunta agad ako sa bahay ni Sky. Nag-door bell ako. Binuksan ng Yaya niya ang pinto.

"Yaya, si Sky po?"

"Charlotte, nakaalis na sila kaninang umaga," sabi ni yaya.

"Ah, ganoon po ba," sabi ko sabay takbo. Huminto ako sa pagtakbo kasunod nito ang pagtulo ng luha ko. Nakita ko sa langit ang Airplane. "Sky," naiiyak na sabi ko. 

Nalulungkot ako sa pag-alis ni Sky. Kung kelan nagugustuhan ko na siya ay doon pa siya aalis. Pag-uwi ko ng bahay ay nahalata agad nila Mama at Papa 'yong mugto kong mata.

"Char? Bakit? Sino umaway sayo?" tanong ni Papa.

"Wala, Pa. Akyat na po ako," sagot ko at mabilis na umakyat ng kwarto ko.

Humiga ako sa kama at nagtalukbong. Umiyak ako buong magdamag. Hindi na din ako kumain kahit tinawag ako ni mama. Natulog akong malungkot sa kakaisip kay Sky. Habang natutulog ay parang lumalabas sa panaginip ko ang mga numero. Lumulutang na naman ako, eto na naman yung sinag. Napasigaw na ako dahil parang babagsak ako.

"AH!" sigaw ko sabay dilat.

Nasa sasakyan ako. 'Yong orasan na hawak ko biglang nawala, hinanap ko sa loob ng kotse pero wala.

"Panaginip lang lahat?" Pero pakiramdam ko talaga totoo yung mga nangyari. Napailing na lang ako at napahilot ng sentido.

Mayamaya ay naalala ko na makikipagkita pala ako sa ka Blind date ko. Tinignan ko ang relo ko."My ghad! Mag-a-alas dyes na!" sabi ko sabay paandar ng kotse.

Pinaharurut ko ang sasakyan papunta sa resto kung saan ko kikitaan ang lalaki. Tinext saken ni Mama  kung anong suot nito at kung gaano katangkad. Ngunit hindi naman sinabi ni Mama kung anong pangalan. Sinabi lang ni Mama ang initial ng lalake.

Pagdating ko sa restaurant ay sinalubong agad ako ng waitress. "I'm Charlotte, I'm looking for Mr. S," wika ko.

Tumango ang waitress at pinasunod ako kung saan nakaupo ang lalakeng ka-blind date ko. Nakatalikod siya. Parang paamilyar ang likod at tindig niya. Pagharap niya ay nanlaki ang mata ko. Yung puso ko tila matatanggal sa dibdib ko. Ang lakas ng kabog ng puso ko. Ilang segundo kaming nagkatinginan. Mayamaya ay nakangiti na kami sa isa't-isa.

 Mayamaya ay nakangiti na kami sa isa't-isa

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



"Hi Charlotte, it's been a while

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Hi Charlotte, it's been a while. How are you?" nakangiting bati niya sabay lahad ng kamay.

"Sky? Sky Claude?!" gulat na sabi ko. Ngumiti siya sa akin ng pagkatamis-tamis. Mayamaya ay hinawakan na niya ang kamay ko.

"I miss you, Charlotte," wika niya ulit na hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin.

Di ko napigilan na kagatin ang ibaba kong labi, pigil na pigil ko ang aking labing wag ngumiti. Hindi pa rin nag-iiba ang itsura niya. Maputi, tsinito at yung labi niyang manipis na pag siya'y ngumiti ay para akong lumilipad sa kilig.

"I miss you too," wika ko at naramdaman ko ang kanyang kamay na humigpit ang hawak sa aking kamay.


-------- END of the Story-------

I want you to have your own ending in this story. Thank you for reading. 

🎉 Tapos mo nang basahin ang 100 Days back in High school. COMPLETED SHORT STORY 🎉
100 Days back in High school. COMPLETED SHORT STORYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon