AVIVA'S POV
Kasalukuyan akong nasa byahe ngayon papuntang hospital.
Pero hindi ko mapigil yung ngiti sa labi ko dahil hanggang ngayon ay naaalala ko pa rin yung mukha niya.
Yung mukha niya na hindi maipinta sa inis na caught off guard siya sa sitwasyon kanina kaya wala siyang choice kung hindi sumangayon na lang sa nangyayari na ayun naman talaga ang balak ko para wala na siyang kawala.
Well, sinimulan niya ako kanina kaya tinapos ko lang.
Kung sa tingin niya ay naka-isa siya sakin nagkakamali siya walang sino man ang puwedeng paglaruan ako lalong-lalo na siyang surot siya NO ONE!
Magpasalamat pa nga siya sakin na dun siya sa room ko matutulog ngayong gabi kahit ayoko pero kailangan dahil mukhang may balak ang magaling kong daddy sa kanya KAASAR! tanungin ba naman ako kanina kung gusto ko 'nang magkaroon ng kapatid MYGOD! hindi ko kinaya yun.
Siyempre sinabi ko kay dad na ayoko pa pero mygod alam na alam nila kung gaano ko ka gusto na magkaroon ng kapatid pero ngayon ano to? bakit ayaw ko na?
Pero SHIT! ayoko talaga! dahil ayoko sa lahat ay yung may kahati.
Really? halos isa nga yan sa wishlist mo sa buhay ang magkaroon ng kapatid remember yung neighbor niyo sa kabilang village halos ma-kidnap mo na yung baby nila dahil halos hindi muna ibigay sa kanila at si ate aliㅡ' INNER~BRAIN.
Mygad brainy! wag na wag mung babanggitin ang pangalan na yan!!!
Sorry!' Inner~brain.
Kaya kailangan ko talaga siyang ingatan mygod! hindi pa ako handang maging ate, i can't imagine na may tatawag na sa akin na ATE! Oh, god!
Kaya kahit araw-araw akong gumawa ng dahilan o paraan para lang dun siya sa room ko matulog ay gagawin ko wag lang niyang matabihan si daddy kahit pa inis na inis ako sa pagmumukha niya.
Pero kaasar! natural lang naman na gawin nila yung bagay na yun dahil first of all mag-asawa silang dalawa and SHIT!!! ba ka nga nagawa na nila f*ck! I can't imagine na si dad at yung surot na yun. ARRGH!!!
Napasipa pa ako sa inis kaya nagulat si manong driver sakin.
"Señorita okay lang po ba kayo?"
"Don't mind me, just drive."
Nice, napaka-possessive mo naman pala hindi pa nga kayo ganyan kana.*evil-laugh* Nung una inagaw mo yung kamay ni cara sa daddy tapos ngayon naman agad-agad kang nag level up dahil ngayon naman ay ayaw munang ipatabi sa daddy wow naman aviva, AMAZING. INNER~BRAIN.
Wow ka rin noh! fyi wala akong balak na jowain siya ew!
Mygod! pinoprotektahan ko lang siya dahil ayoko pa ngang magkaroon ng kapatid!
Anung problema don?
*Evil-laugh* Malaki kase pinoprotektahan mo siya sa sarili niyang asawa! at sa sarili mong daddy! sinong niloko mo aviva! INNER~BRAIN.
Sinong niloko ka diyan? eh ayun nga yon!
Sige hanggang sa huli panindigan mo yan deny lang ng den, at hayaan mo ang sarili mo na lumangoy ng lumangoy hanggang sa mapunta kana sa malalim na bahagi ng dagat tsaka mo pa lang mari-realize na nalulunod kana pala. INNER~BRAIN.
Baka nakakalimutan mong swimmer ako.
"Señorita sino pong kausap niyo? okay lang po ba kayo? para kasing kanina pa ho kayo hindi mapakali at yung kilay niyo po kanina pa taas ng taas pansin ko lang señorita aviva." Aba't tsismoso at pakilamero 'tong driver na to ha!
BINABASA MO ANG
My Boss Mommy (GirlxGirl) (ON-GOING)
RomanceOne day I just woke up na meron na akong stepmom, and I did not know how to be with her, mygad. I HATE HER.