AVIVA'S POV
One week na ang nakalipas simula ng ikasal si dad sa babaeng surot kaya hanggang ngayon stress parin ako, feeling ko nga tumanda ako ng 10 years mygad! buti na lang at araw-araw tumatawag si tita Tonet kahit paano nababawasan ang bad vibes sa paligid yun nga lang mukang nakalimutan na ako ni Kimmy.
Hindi man lang ako kamustahin kung okay lang ba ako dito ang huling usap pa namin ay yung binabaan ako ng phone, minsan may sayad din ang isang yun.
Siguro busy siya ngayon kase po mag-isa lang siya nagpapatakbo ng business ninyong dalawa at ikaw nandito lang mukang tanga at nag papaka-stress. Inner~brain.
Eh hinihintay ko lang naman na matapos ang problema ko dito at uuwi na ko sa london.
Kaya kailangan ko nang maka-isip ng magandang paraan para mapalayas si surot dito sa mansion.
*think*
*think*
*think*
"Uh huh!." Sabay pitik ko.
Alam ko na, napangisi ako sa mga naiisip ko ngayon.
Bumaba ako para tawagin lahat ng maid sa mansion.
This is gonna be fun.
"Pinatawag ko kayong lahat dito para sabihin sa inyong lahat na mag off muna kayong lahat for one week, at magsi-uwi muna kayo sa kanya-kanya ninyong pamilya at wag kayong mag-alala pasweswelduhin ko parin kayo kahit off ninyong lahat and guess what? bibigyan ko pa kayo ng bonus basta siguraduhin ninyong lahat na hindi kayo uuwi dito hanggat hindi ko sinasabi naiintindihan niyo bang lahat yon?"
"Opo Señorita Aviva." Sabay sabay nilang sagot.
"Mabuti kung ganon at nag kakaintindihan tayo, hmm! Okay ngayon na mismo ang off ninyong lahat kaya mag ayos na kayo ng mga gamit niyo."
"Sige po Señorita, salamat po mauuna na po kami." Sagot uli nilang lahat.
"Manang Fe kunin niyo po 'tong cash kayo na din po ang bahala maghati sa iba."
Humanda ka ngayon, Cara The Surot.
BWAHAHAHA!!!
A few minutes later.
Speaking of the devil, the devil is coming.
"I want strawberry juice puwede pakikuha ako."
Umupo lang siya na para bang walang narinig sa sinabi ko.
"Ehem! i said i want strawberry juice."
Lumingon-lingon naman siya na parang hinahanap kung sino ang kausap ko.
"Sino bang nililingon-lingon mo diyan ha! eh ikaw 'tong inuutusan ko."
"Huh! ako?" Turo niya sa sarili niya.
"Yeah ikaw nga, may nakikita ka pa bang maganda bukod sa akin?"
anong kinalaman ng ganda mo? Inner brain.
Napakunot-noo naman siya.
Kita mo inner~brain lumalabas na ang tunay niyang kulay, nangungunot-noo na din siya ngayon SEE?
"Nasaan ang mga kasambahay natin?" Aba naghanap pa talaga ng kasambahay.
Napangiti tuloy ako sa tanong niya. "Exactly wala silang lahat dito sa mansion, kaya ikaw ang magiging maid ko for one week."
BINABASA MO ANG
My Boss Mommy (GirlxGirl) (ON-GOING)
RomanceOne day I just woke up na meron na akong stepmom, and I did not know how to be with her, mygad. I HATE HER.