AVIVA'S POVPinaghandaan ko talaga ang araw na ito... para sa pagtutuos namin ng babaeng surot wannabe na yon.
Talaga lang ha kahit ngayon ka palang nag hahanda. Inner~brain.
Ssssh! wag ka ngang epal diyan.
"Tita tonet, i have to go na... baka hindi na po ako umabot sa flight paghinintay ko pa po si kimmy, pakisabi na lang po kay kimmy na babalik din ako soon, aayusin ko lang po ang kahibangan ni daddy sa pinas, muaah! bye tita... mamimiss ko po kayo tita."
"Umuwi ka agad nak, hindi kami sanay na wala ka dito sa bahay."
"Opo promise, sige na tita bye na at ba ka hindi na po ako makaalis niyan eh."
"Oh sige maiingat ka nak at itext mo kaagad kami pag nasa mansion kana."
Pagkatapos ng mga drills sa eroplano naisipan kong matulog, tutal ilang oras pa naman bago makalapag sa pinas, para fresh naman ako mamaya pag nagkita na kami nung babaeng surot wannabe na yon.
"Ms. nandito na tayo sa pinas." Gising sakin ng katabi 'kong lalaki.
"Thanks! for waking me up." i said.
"Sure anytime beautiful lady." Sabi ng katabi 'kong lalaki.
Kung maka sure si kuya, kala mo talaga magkikita pa kayo." Inner~brain.
Dumeretcho agad ako sa pharmacy para bumili ng gift, para hindi naman nakakahiya sa babaeng surot wannabe na yon.
Mmm pharmacy!? i smell something bad aviva. Inner~brain.
Just a little buddy.
Sigurado akong naka-uwi na sila sa mansion at nag ce-celebrate na. DUH! asa naman silang sisiputin ko sila sa simbahan, ano ko tanga, para ibigay lang ng ganun ganon ang blessing ko sa kanila.
NO WAY!
"Manong sa mijares mansion." Nag cab na lang ako para surprise.
"Dito nalang po manong."
Pagkababa ko ng cab, bumungad ka agad sa'akin ang napakagandang tanawin, shit! hindi ko akalaing mamimiss ko ng ganito ang mansion.
Me too aviva. Inner~brain.
Pagtapat ko pa lang sa gate ng mansion ay pinagbuksan agad ako ng guard.
"Welcome back po Señorita Aviva." Salubong ni kuya Peter sakin.
Tinanguan ko lang si kuya Peter, GOTCHA! hindi nga ko nagkamali nandito na sila at nagkakasayahan, makikita mo na pinaghandaan talaga nila at pinagarbo mula sa labas ng mansion hanggang sa loob engrande lahat ang pagkakaayos mukang malaki-laki ang ginastos ni daddy dito.
Ano bang inaasahan mo aviva na magiging malaperya ang mansion niyo? Syempre bongga para sa new mommy mo. Inner~brain.
Shut up!
Agad akong pumasok sa loob para hanapin ang newlyweds, hindi na kasi ako makapaghintay na makita sila, lalong-lalo na yung surot wannabe na yon.
"Umuwi pala siya, akala ko hindi na niya sisiputin ang kasal ng daddy niya?" Sabi nung matandang babae sa kasama niya.
"Bakit? sino ba yan amiga?" Banat ng isa pang matandang babae.
BINABASA MO ANG
My Boss Mommy (GirlxGirl) (ON-GOING)
Roman d'amourOne day I just woke up na meron na akong stepmom, and I did not know how to be with her, mygad. I HATE HER.