CARA'S POV
Nandito ko ngayon sa garden para magpahangin sa lahat kase ng spot sa mansion ay dito ko paboritong pumunta bukod sa maganda at maaliwalas dito talaga yung spot na relaxing.
Tsaka tuwing nandito ko may iba 'kong nararamdaman na parang ang daming pumapasok sa isip ko pero wala naman akong ideya kung ano yun.
Ang weird nga eh parang may kulang sa pagkatao ko na nawala.
Kaya every day hindi ko pinalalampas na hindi magtungo dito.
Siguro mga ilang oras na rin ako dito pag-alis kasi nila aviva at kimmy ay hinilot na ako ni manang fe.
Tapos dito na ko dumeretcho para makapagpahinga.
Pero sa kalagitnaan ng pagpapahinga ko ay naisip ko si aviva at ung babaeng masungit.
Kumusta na kaya sila?
Ang tigas kasi ng ulo nun pinagsabihan na nga siya ni aviva na wag kumain ng itlog kumain parin.
Bigla naman may nagsalita.
"Ma'am cara heto juice at sandwich mag miryenda po kayo." Alok ng isa sa mga kasambahay dito sa mansion.
"Salamat po." Sabi ko.
Nilapag na niya yung pagkain na dala niya.
"Pag may kailangan pa po kayo ma'am sabihin niyo lang po."
"Sige po."
Naisip ko na naman si aviva ang sweet pala niya at caring kitang kita ko sa kanya kanina na kahit pinagagalitan at tinatarayan niya ung babaeng masungit ay alalang-alala pa rin siya dito.
Alagang-alaga niya rin ito.
Hindi ko tuloy maiwasan na maisip na sa kabila ng pagiging maldita niya ay may tinatago rin siyang kabaitan sa katawan.
O baka naman mabait talaga siya at hindi lang kami close.
Feeling close lang.
Sa akin lang siya maldita nakakalungkot man isipin pero ayun ang totoo.
Napangiti naman ako.
Kanina ko papala siya iniisip ba ka mamaya madapa na ang malditang yun kaka-isip ko sa kanya.
Pero wag naman sana siyang madapa dahil lalabas na naman sa mga bibig niya yung mga linyang niyang *WHAT THE FUCK* at *WHAT THE HELL*
Para tuloy akong buang na ngingiti-ngiti dito sa garden.
Gutom lang siguro ko kaya kung ano anong naiisip ko.
Kaya kinain kuna lang yung dala ni yaya.
Pagtapos 'kong kumain ay natulala na naman ako sa kung anong iniisip ko.
Pero nagulat nalang ako ng may biglang humila sa braso ko.
"Aviva." Sabi ko.
Pero hindi niya pinansin ang pagtawag ko sa kanya.
Anong problema nito?
Dirediretcho pa rin ang lakad niya habang hila-hila niya ako sa braso.
Galit na galit yung mga mata niya at pulang-pula naman yung mukha niya.
Pero ang ganda-ganda niya pa rin kahit na galit ang expression ng mukha niya.
Ang suwerte ng boyfriend o girlfriend nito kung meron man.
Grabe siya sakin kung makahila hindi niya kaya naiisip na nakakasakit na siya sa ginagawa niya.
Yung mga kasambahay tuloy nakatingin na samin at nagtataka kung anong nangyayari.
BINABASA MO ANG
My Boss Mommy (GirlxGirl) (ON-GOING)
RomanceOne day I just woke up na meron na akong stepmom, and I did not know how to be with her, mygad. I HATE HER.