Chapter 9

80 12 0
                                    

CHAPTER 9

Tayong mga tao mahilig maglaro... taguan, habulan at minsan pa nga pati pag-ibig ginagawa na ding laro. Ang masaklap, yung magigising ka at malalaman mong ikaw na ang pinaglalaruan.

Nangangawit ang kamay ko pero 'di ko malaman kung bakit parang ang lamig ng paligid ko. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at isang bughaw na bughaw na langit ang sumalubong sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero parang ang ganda sa pakiramdam na nakatingin ka lang sa mga ulap at pinagmamasdan ang bawat hugis nila. Ilang sandali pa at parang may narinig akong kaluskos, agad-agad akong bumangon at saka ko lang napansin na ang hinihigaan ko pala ay isang madamong lupa at tila basa ito dahil sa ulan. Nasaan ako?

"Aya..."

Lumingon ako kung saan nanggagaling ang boses na tumawag sa pangalan ko. Isang lalaki ang unti-unting lumalapit sa akin kaso hindi ko siya maaninag dahil sa matinding sikat ng araw na nagmumula sa likudan niya at ginagawa nito na maging tila isang anino na lamang ang papalapit na lalaki.

"Sino ka?" Sigaw ko sa lalaki. Huminto siya sa paglalakad at isang iglap pa ay biglang bumilis ang galaw ng paligid na para bang sumakay ako sa isang time travel machine at nagsisigalawan ang mga pangyayari sa napakabilis na galaw. Unti-unti akong nakaramdam ng hilo pero pinilit ko pa rin na titigan at kilalanin ang lalaki na hanggang ngayon ay nasa pwesto pa din niya at hindi gumagalaw. Dahan-dahang huminto ang mabilis na galaw ng kapaligiran. Nawala na ang liwanag sa likod ng lalaki at nang mamukhaan ko siya...

"Edz?"

"Ako nga, Aya." Malambing niyang sabi sa akin. Nag-umpisa ulit siyang lumakad papalapit at habang pinapanood ko siya ay napansin kong nakatayo na kami sa ibang lugar, sa gitna ng isang simbahan. Pinagmasdan kong maigi ang paligid, pamilyar sa akin. Lumingon akong muli pabalik kay Edz, malapit na siya sa kinatatayuan ko ngunit isang hakbang pa at biglang may malakas na sinag ng liwanag ang nanggaling mula sa katawan niya at unti-unting nagpalit ang itsura ni Edz. Sa sobrang gulat ko sa nakita ko ay nanginig ang mga tuhod ko at kamay.

"Wag kang matakot, Aya." Kinilabutan ako sa pagkakasabi niya, yung narinig kong boses ay parang nanggaling sa kalawakan. At umuugong dito sa mundo. Kung nasa mundo pa nga ba ako. Tumingin siya ng diretso sa mga mata ko at para bang nangungusap ang mga mata niya na kumalma ako.

"Naaalala mo ba ang nangyari, Aya?" Nakangiting tanong ni Sir Kris sa akin.

"O-opo pero sa... sa... nga-yon me-medyo na... ano po, naguguluhan ako. Hindi ko..."

At hindi pa man ako tapos ay tinapos na niya ang sasabihin ko. "Maintindihan? Aya, alam mo ba kung nasaan tayo ngayon?"

"Nasa simbahan po."

"Tama. At naaalala mo rin ba kung ano ang nangyari sa simbahan na ito?"

"Ang naaalala ko po yung nakaraang punta ko dito, yung malakas ang ulan at dito ako sumilong ta-tapos nahimatay ako..." Napatigil ako sa pagsasalita at bigla kong naalala na nahimatay din ako kanina. "Teka po sir, si Ree? Nasaan po siya? Kasama ko po siya kanina kaso biglang pagmulat ko nandito na 'ko."

Ngumiti siya sa akin. "Nandito lang siya, Aya. Kung imumulat mo ang mga mata mo, makikita mo ang hinahanap mo."

"Po? Hindi ko po makuha. Ano po ba 'to?! Nasaan po ba ako?!"

"Aya." Malakas na sabi niya ngunit hindi sa pasigaw na tono. "Imulat mo lang ang mga mata mo."

At sa huling salita na binigkas niya parang umugong ito at bigla nanaman bumilis ang takbo ng paligid, nakikita kong gumagalaw lahat, mabilis, yung parang nagfafastforward yung buong paligid at bigla nanaman akong nahilo, napapikit. "Imulat mo lang ang mga mata mo." Paulit-ulit kong naaalala.

Imulat mo lang ang mga mata mo...

Imulat mo lang...

Nagmulat ako. Isang malakas na alon ang agad kong nakita. Tinignan ko ang paligid, isang malawak na dagat ang nasa harap ko. Ang linaw ng tubig at ang sarap ng simoy ng hangin. Nasaan ako? Lumakad ako palapit sa dagat, takot at nag-aalinlangan. Ramdam na ramdam ko ang makinis na mga buhangin na nilalakaran ko, para bang naglalakad ako sa ibabaw ng tubig. Isa pang hakbang nang may bigla akong naapakan na matigas na bagay. Iniangat ko ang isa kong paa para tignan kung ano yun. Isang maliit na bilog ang nakita ko, yumuko ako upang makita ng malapitan kung ano talaga yun. Inalis ko ang buhangin na medyo nakabalot dito.

Isang orasan. Hindi lang basta orasan, napakaganda niya at parang hindi pa kailanman nagagamit. Sinubukan ko itong damputin kaso bigla na lang itong umangat mag-isa at lumayo mula sa akin. Natulala ako sa nakita kong nangyari. Isang orasan na lumilipad at kumikilos mag-isa?!?! Teka, nasa future ba ako??? Parang masyado naman yatang advanced dito ang technology nila. Pero kung hindi...

Lumakad ako palapit sa nakalutang na orasan, nasa harap ko na ito at abot kamay. Inihanda kong maigi ang dalawa kong kamay para hulihin ito at nang iniangat ko na ang dalawa kong kamay, mabilis na nakailag ang orasan mula sa akin.

Si Jesus Christ Pala Ang Professor KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon