Chapter 7
KAIBIGAN. Siya yung dadamay sayo tuwing di ka ok. Siya yung iintindi sa mga kalokohan mo. Siya yung mag-aalala sayo. Siya yung tutulungan ka sa assignment mo. At siya rin 'yung mananatiling totoo sayo sa kahit anong sitwasyon mo.
Isang maulan na umaga ang sumalubong sa mga mata ko pagkamulat ko kinabukasan. Pinagmasdan ko ang langit at kahit madilim ito, hindi ko maramdaman ang lungkot. Hindi ko maramdaman na mabigat ang buhay, 'di tulad nitong mga nakaraang araw.
Beeeep!
Cellphone ko yun ah.
Beeeep!
Tumayo ako mula sa pagkakahiga at inayos ko agad ang sapin ng kama ko. In fairness, ang ganda. Plastadong plastado. Ang saya pala ng ganto noh, yung wala kang inaalala. 'Yung masaya lang ang pakiramdam mo. Lumakad ako papunta malapit sa bintana at umupo sa upuan na katabi ng makalat kong study table. Inisa-isa kong ayusin ang mga nakapatong doon na gamit, notebooks, books, index cards, mga ballpen at pencil. Inilagay ko ang mga ito sa kani-kanilang pwesto nang bigla kong mapansin ang papel na ibinigay sakin ni Sir Kris. Inabot ko ang bag ko galing sa ilalim ng mesa at kasama ko dun inilagay ang lumang papel. Marahan kong inipit ito sa isa kong libro para hindi malukot ng sobra.
Krrrriiiiing!
"Hello?" Masaya kong sabi pagkasagot ko sa cellphone ko.
"Aya?! Ano na? Ang tagal mong 'di nagparamdam! Ni hi ni ho wala! Ano ba nangyayari sa'yo?! Sobrang nag-aalala na 'ko!"
Napatigil ako sa sinabi ni Ree. Halatang-halata sa tono ng boses niya na sobrang nag-aalala nga talaga siya.
"Ree? Pwede time-out?"
Narinig kong huminga siya ng malalim sabay sabi ng 'whew'.
"Ok. Ok. Sorry. Eh kasi naman, halos magdadalawang linggo ka ng 'di nagpaparamdam."
Natawa na lang ako. Ang sweet ni Ree, ang sweet niyang kaibigan. Nakakatouch na ganyan siya sakin kung mag-alala.
"Nasan ka ngayon?"
"Sa bahay. Bakit?"
"Pwede magkita tayo ngayon? As in ngayon na."
"Aya, sure ka? I mean, 'di ba... yung parents mo... ano..."
Bigla kong naalala yung sinabi ni Ate kahapon. Yung tungkol sa deal namin nila Papa at Mama. Hindi ko man alam kung ano yun, hinayaan ko na lang at nagkunwaring alam ko dahil sigurado akong magkakalituhan pa kami ni Ree pag nagpahalata ako na wala akong alam sa sinasabi niya.
"Oo, Ree. Pero 'di naman ako lalayo. Magkita na lang tayo dun sa lugar na medyo malapit dito samin." Paliwanag ka sa kanyan. Nag-isip siya saglit.
"Ganto na lang. Pupunta na lang ako dyan sa inyo."
"O sige." Natutuwa kong sabi. "Kahit dun na lang sa park dito sa loob ng village namin. Gusto ko rin kasi lumabas at magpahangin."
"Ok. Sige, sige. Text na lang kita pag malapit na ko dyan."
"Ok."
"Ok. See you panget." Sabay end niya ng tawag. Natawa ko sa sinabi niya. Ganun ata pag kaibigan mo ang isang tao, imbis na mainis ka kapag nilalait ka, matatawa ka na lang.
********************
Malakas ang hangin pagkarating ko sa park. May iilang bata ang naglalaro ng takbuhan. Humanap agad ako ng mauupuan na bench at pagkaupo inilabas ko agad ang cellphone ko para tingnan kung nagtext na si Ree pero wala. Ibinalik ko ulit ito sa bag ko at hinugot ko naman galing sa pagitan ng libro ang papel na ibinigay ni Sir Kris sakin. Pinagmasdan ko ito maigi. 1-10 talaga? 5 na lang kaya? Pwede naman siguro noh?
BINABASA MO ANG
Si Jesus Christ Pala Ang Professor Ko
Fiksi RemajaGenre: Teen Fiction, Humor, Fantasy Minsan sa buhay natin dumadating yung pagkakataon na ang dami nating pagkakamali at kung ano-ano na lang hinihingi natin sa Diyos. Pero paano kung bigla nga niyang tupadin ang hiling natin? Si Aya, isang Psycholog...