Chapter 2
'Di ka marunong magdasal. 'Di ka nagsisimba. 'Di ka naniniwala sa nakalagay sa Bibliya. Pinipintasan mo ang mga naniniwala sa Diyos at umaasta ka na kala mong alam mo na ang lahat. Sinasabi mong kahit maraming nagsabing may Diyos 'di ka pa rin maniniwala hangga't 'di mo nakikita. Pero bakit nung sinabi sa eskwela na may utak ang tao naniwala ka? Oh e bakit, nakita mo na ba?
Ang lamig. Ang sakit ng ulo ko. Ang sakit ng buong katawan ko at higit sa lahat, pagod na ko. Umakyat ako agad sa kwarto pagkadating. Hindi ko na pinaalam kanila mama at papa na nandito na ko sa bahay dahil nung napadaan ako sa kwarto nila narinig kong nag-aaway nanaman sila. Nawalan ako ng gana. Nagtatalo sila tungkol sa kung kanino kami mapupuntang magkapatid pag naghiwalay na sila. Wala ko sa mood para makiusyoso sa problemang yun, hindi ko alam kung 'di ako interesado o sadyang takot lang ako harapin ang totoo. Nagmadali na kong pumunta agad dito sa kwarto at mabilis na naligo dahil basang basa ako ng ulan bukod pa dito, yung damit na suot ko tulo na ng tulo at pwede ng pigaan.
Beeeep!
Tiningnan ko agad ang cellphone ko na buti na lang ay hindi kasama sa mga nabasa kong gamit sa loob ng bag. 4 new messages?
Ree: Nkauwi knba?
9:02 PM
Clarisse: girl! bt ka nnman umabsent sa fil. psych khpon??? ala ka grade sa grupwork nten. ibbgsak kna dw ni mam.
7:24 PM
Rico: 2 wiks b4 finals. hope u'r redi 4 ur report. nksalalay syo grades ntin. just reminding u
6:51 PM
Ate: Skul ka pa? Malakas ulan sunduin kita?
11:20 AM
Nagreply ako kay Ree at pinaalam kong nakauwi na ko. Hindi ko na pinansin yung messages ni Clarisse at Rico nakakadagdag lang ng stress. Yung text naman ni ate hinayaan ko na lang rin, ang totoo kanina ko pa yun napansing dumating pero 'di ko na pinagkaabalahang basahin. Hindi kami magkasundo ni ate siguro dahil masyado siyang magaling kaya pag nagkakasalubong kami walang nangyayari kung hindi away, barahan. Nung bata kami maayos naman ang lahat,masaya ang pamilya namin at laging magkasundo sila mama at papa. Kami naman ni ate, siya ang nag-aalaga sakin, binabantayan niya ko palagi at kahit sa school nuon siya ang taga pagtanggol ko. Parehas kami ng hilig pero nung nag-high school na siya at ako naiwan sa elementary dahil grade 5 pa lang ako nuon dun na nagsimula na magbago lahat samin. Mas gusto na niya sa barkada niya, hindi na kami nagkakaroon ng pagkakataon gawin ulit yung mga dati naming hilig gawin, hanggang sa nanawa na rin ako kakahintay sa kanya na bumalik siya sa dati at nag-umpisa na rin lumayo ang loob ko sa kanya. Simula nun naging iba na pakikitungo namin sa isa't-isa, lagi niya kong pinapagalitan at lagi ko rin siyang iniinis. Pakiramdam ko ang tingin niya alam niya lahat pero ang totoo, hindi, kasi hindi naman alam kung ano naramdaman ko nung lumayo siya at iniwan ako sa ere.
![](https://img.wattpad.com/cover/20497165-288-k741025.jpg)
BINABASA MO ANG
Si Jesus Christ Pala Ang Professor Ko
أدب المراهقينGenre: Teen Fiction, Humor, Fantasy Minsan sa buhay natin dumadating yung pagkakataon na ang dami nating pagkakamali at kung ano-ano na lang hinihingi natin sa Diyos. Pero paano kung bigla nga niyang tupadin ang hiling natin? Si Aya, isang Psycholog...