Chapter 6

106 14 0
                                    

Chapter 6

Kahit gaano pa kagulo. Kahit gaano pa kadami ang problema mo. Parating may isang kaibigan na ipapadala sayo ang Panginoon para tulungan ka. Kaya kapit lang.

Halos malapit ng mag alas kwatro sa relo ko nang makarating ako sa village namin. Hinatid pa kasi namin ni Edz si Lissy at Lenny na may napakasosyal na pangalan. Natuwa ako habang inaalala ko ang mga nangyari.

Naglakad ako papasok dahil wala naman masyadong nadaang tricycle, mas madalas pa ata bumagyo kaysa may dumaan na tricycle dito. Habang naglalakad bigla ko nanaman naalala ang nangyayari sa oras ko, napanghinaan ako bigla ng loob sa 'di ko maipaliwanag na dahilan. Ano ba talaga nangyayari? Hindi ko na maintindihan. Imposible namang may magic dito, o baka naman pinagtitripan ako? Imposible din naman 'yun, ano, naki-cooperate lahat? Imposible. Imposible.

"Sasakay ka, Miss?"

Napahinto ako bigla sa paglalakad at iniangat ko ang ulo ko mula sa pagkakatingin sa guhit ng kalsadang nilalakaran ko. Isang tricycle ang huminto sa tabi ko. Kanina pa ba siya? Bakit parang 'di ko narinig 'yung ugong ng motor.

"Po?" #MedyoSHUNGAkongtanong

"Kung sasakay ka ba?" Mahinahon niyang ulit. Nag-isip ako saglit pero walang pumasok sa isip ko kaya sumakay na lang ako sa tricycle.

"Gabriel Street po." Sabi ko sa driver at pinaandar na niya ang tricycle. Tumingin ako sa bandang kanan ko at nakita ko ang madamong bakanteng lote at ngayon ko lang napansin na ang ganda pala nito. Napabuntong hininga ako ng mawala na ito sa paningin ko at isang bahay na kulay blue ang sumunod kong nakita. Naalala ko bigla na bahay 'yun ng matandang lalaki na lagi kaming pinapagalitan ni Ate kapag pinipitas namin 'yung mga bulaklak niya sa harapan ng bahay nila. Tapos tatakbo kami ni Ate ng mabilis kasi hahabulin kami nung matandang lalaki at babasain kami ng tubig galing sa hose na hawak niya pero buti na lang ilang bahay lang ang layo mula dun ang bahay ng kababata namin. Si Ivory. Pitong bahay, at kasunod na ang bahay nila. Tandang-tanda ko pa. Binilang ko ang mga bahay na nadadaanan namin na lagi ko nuon ginagawa para hindi ako maligaw papunta dun.

Isa. Dalawa. Tatlo. Apat. Li--.

Ha? Ano to? Isang shop ng mga sapatos ang sumunod kong nakita. Teka. Teka. Wala 'to nuon ah. Walang ganto nuon dito. Tumingin ako sa kasunod na bahay pero mga puno na ang nandun. Lumingon lingon ako sa paligid at puro puno na lang rin ang nakita ko.

"Kuya, kuya. Teka, mali ata tayo ng daan." Malakas kong sabi habang nagmamasid masid sa paligid. Hindi sumagot ang driver kaya lumingon ako sa kanya. "Kuya!" Sinigaw ko na, baka kasi hindi niya naririnig dahil sa malakas na ugong ng motor. Tumingin siya sakin.

"Ano 'yun?" Sabi ng driver.

"Mali po yata tayo ng daan!" Sigaw ko ulit. Ngumiti lang siya sakin at ibinalik ang tingin sa daanan. Kinabahan ako bigla dahil sa naisip ko. "Kuyaaa! Mali tayo ng daaaaaaan!" Ninenerbyos na ko pero pinipilit ko pa rin maging kalmado. Mind over matter!

"Tama 'to. Wag kang kabahan." Tumingin ulit siya sakin at ngumiti.

"Pero--"

Napahawak ako sa bakal na hawakan sa gilid ko at napatigil sa pagsasalita dahil biglang pumreno ang tricycle. Halos sumubsob ang mukha ko sa harapan kung 'di ako napakapit, baka kinabog ko na si Harry Potter nung tumalsik siya sa harapan ng bus.

Ouch. Parang tumunog tunog ang mga buto buto ko. Grabe, para kong nasa roller coaster ride. Napatingin ako bigla sa bandang kanan ko at nagulat ako na nasa harap na ko ng bahay namin. Bumaba na ko agad mula sa tricycle.

"Teka lang ho 'yung bayad kuya ah." Sabi ko sa driver pagharap ko pabalik sa kanya, tumango lang siya sakin at agad na kong naghalungkat sa bag ko para kumuha ng pera na pambayad. Ngayon ko lang napagisip-isip na ang kalat na pala ng bag ko. Ang daming candy wrappers, hand-outs, scratch papers at kung ano-ano pa. Hindi ko mahanap ang wallet ko sa loob ng bag ko na halos ilabas ko na ang lahat ng laman nito pati ata kaluluwa niya. Wala talaga. Inangat ko ang ulo ko para tumingin ulit sa driver.

Si Jesus Christ Pala Ang Professor KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon