Epilogue

51 9 0
                                    

EPILOGUE

Pagkatapos ng klase nauna akong lumabas ng classroom dahil sobrang ihing-ihi na 'ko. Dumiretso agad ako sa C.R. ng mga babae buti na lang wala pang tao at bakante pa ang mga cubicle. Halos kumaripas na ako sa pagpunta dito ang lamig kasi kanina sa classroom, parang napuno yung pantog ko.

Lumabas ako ng cubicle at laking gulat ko nang may dalawang magkasunod na lalaki ang nakatayo sa malapit sa pintuan, papasok sila pero natigilan nang mapatingin at mapansin na nandun ako.

"Kuya, sa kabila yung panglalaki." Naiinis kong sabi. Nagkatinginan lang silang dalawa sabay ngisi.

"Miss, ikaw ang mali. Panglalaki 'to, sa kabila yung pangbabae." Sagot nung lalaking nasa harapan sabay turo sa sign na nasa pinto at bago ko pa masipat maigi, lumakad na ako ng mabilis palabas at halos hawiin ko na silang dalawa sa sobrang kagustuhan kong lumabas galing dun. Nakakahiya besh!

Dali dali akong tumakbo hanggang sa makarating ako sa corridor, halos ihampas ko na ng malakas yung ulo ko sa pader sa sobrang kahihiyan pero biglang naramdaman kong may palad na humarang at sumalo sa noo ko. Si Edz. Lumingon ako...

"Sir Kris?"

"Aya, anong ginagawa mo?" Nakatawa niyang sabi.

"Eh kasi po..."

"Sandali, tapos mo na ba yung pinapagawa ko sayong extra task?"

Agad-agad kong kinuha ang papel na ibinigay niya sa akin at inabot ko ito sa kanya.

"Tapos na po..."

Binuksan niya ang papel at mabilis niyang binasa ang mga nakasulat gamit lamang ang mga mata. Nang matapos na siya, itiniklop niya ito ulit at ibinalik sa akin.

"Itago mo 'yan, Aya. Sa 'yo yan, ituring mong regalo ko sa 'yo."

Ngumiti ako at naramdaman kong parang tutulo ang luha ko, hindi ko alam kung bakit pero malungkot ako na masaya, ang labo.

"Aya!!!"

Agad kong pinunasan ang mga mata ko at lumingon sa direksiyon kung saan galing ang boses.

"Ree?"

"Kanina pa kita hinahanap, sabi mo hintayin kita sa labas ng room eh ang tagal-tagal mo kaya."

"Eh kasi may ano, ah... kausap ko pa si..." Napatingin ako kay Sir Kris. "Si... si... kuya Hesus."

"Kuya Hesus?" Nagtatakang tanong ni Ree.

"Oo. Ano... bale maano.. ma-ma-layong kamag-anak namin." Nauutal kong sagot.

"Ah. Anong ginagawa niya dito?"

Napatulala ako. Hindi ko alam sasabihin, pwede naman mag-imbento pero ang hirap magsinungaling sa harap ng Diyos mga bes!

"Aya, kailangan ko ng umuwi. Hinihintay na ako ng mga magulang ko." Putol ni Hesus. Buti na lang, hindi ko na kailangan magsinungaling, baka mamaya bigla na lang akong umusok dito.

"Ah sige po, Kuya Hesus. Ingat po kayo."

"Sige, ikaw din, ingat." Sagot niya sakin. Tumingin siya kay Ree at nagsabing "Nice to meet you." na sinagot naman ni Ree ng "nice to meet you din po."

"Cute siya ha." Sabi ni Ree pagkaalis ni Kuya Hesus. Gusto ko sanang sabihin na kasalanan yung sinabi niya pero paano naman niya maiintindihan eh hindi na niya maalala yung mga nangyari kaya natawa na lang ako. "Teka nga muna, ako naman mag-ccr, naiihi na 'ko."

"Sige, hintay na lang kita dito."

Sinundan ko ng tingin habang naglalakad si Ree hanggang sa makaliko na siya. Bigla kong naalala ang papel, ilalagay ko na sana ito sa bag pero naisipan ko ulit buklatin...

Ellar, Olivia Bianca R.
Psych-1239

1. Hindi dahil marami kang oras, marami ka na rin dapat ginagawa. Minsan kasi mas maigi na yung nasa bahay ka lang at wala masyadong ginagawa kaysa ang dami mo ngang ginagawa, pero puro HINDI naman tama.

2. 'Di ka marunong magdasal. 'Di ka nagsisimba. 'Di ka naniniwala sa nakalagay sa Bibliya. Pinipintasan mo ang mga naniniwala sa Diyos at umaasta ka na kala mong alam mo na ang lahat. Sinasabi mong kahit maraming nagsabing may Diyos 'di ka pa rin maniniwala hangga't 'di mo nakikita. Pero bakit nung sinabi sa eskwela na may utak ang tao naniwala ka? Oh e bakit, nakita mo na ba?

3. Dalasan mo ang pagdadasal, pero ingatan mo rin ang hihilingin mo t'wing magdadasal ka kasi..... gumagana yun. PALAGI.

4. Hindi lahat ng problema natatapos kahit nandyan na ang sagot. Malimit, hindi sagot ang kailangan mo, kung 'di matutunang maghintay at magpasensya.

5. Ang tingin natin sa mga pulubi ay nakakatakot at madumi. Kung ganun, nakakatakot at madumi pala tayong lahat kasi sa paningin ng Diyos, pulubi tayong mga tao. Pulubi sa pagmamahal at kagandahang asal.

6. Kahit gaano pa kagulo. Kahit gaano pa kadami ang problema mo. Parating may isang kaibigan na ipapadala sayo ang Panginoon para tulungan ka. Kaya kapit lang.

7. KAIBIGAN. Siya yung dadamay sayo tuwing di ka ok. Siya yung iintindi sa mga kalokohan mo. Siya yung mag-aalala sayo. Siya yung tutulungan ka sa assignment mo. At siya rin 'yung mananatiling totoo sayo sa kahit anong sitwasyon mo.

8. Mag-ingat ka sa mga hihilingin mo, dahil hindi mo alam baka makuha mo nga ito.

9. Tayong mga tao mahilig maglaro... taguan, habulan at minsan pa nga pati pag-ibig ginagawa na ding laro. Ang masaklap, yung magigising ka at malalaman mong ikaw na ang pinaglalaruan.

10. Matuto kang maging kontento sa kung anong sitwasyon na naroon ka dahil malalampasan mo din yun, hindi mo na kinakailangan humiling pa ng mga imposibleng bagay para padaliin ang mga problema, mas madali mo itong malalampasan kung haharapin mo ito at matututo kang magpasalamat sa kung anong meron ka.

At sa ilalim may napansin akong nakasulat pero wala yun kanina at lalong hindi ko naman yun sulat. Masyadong maganda, yung penmanship ko slighty maganda lang, di naman sa pagyayabang. At nang mabasa ko ang nakasulat, napangiti na lang ako at nagpasalamat.

"He has made everything beautiful in its time..."

Ecclesiastes 3:11

Si Jesus Christ Pala Ang Professor KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon