To you, my fellow wattpader, a very big thanks for reading my work. Please don't forget to tap the VOTE button if you like the story.
You can also leave a comment if you'd like me to read your stories. Mas marami, mas masaya. 😊
PROLOGUE
Masaya.
Ito yung salita na gustong maramdaman ng lahat ng tao pwera na lang dun sa mga emo-emohan na yan na ang gusto lang eh maki-emo ang buong sambayanan sa kanila.
Sila yung ang pakiramdam eh pinagsarhan sila ng pinto ng langit pero ang di nila alam na 24/7 naman itong nakabukas, yun nga lang, hindi nila napapansin dahil nakatingin palagi sa mga sakit na nararamdaman. Isasantabi ko ang kaplastikan, lahat naman tayo ganun di ba? Kaso may kanya kanyang 'level' nang pag-iinarte at kapag sumobra. Aba naman 'te, ka-imbyerna ha???
1. "Di makabasag-pinggan Level." Ito yung mga tao na kahit todo emote eh nakukuha pang isipin kung ano itsura nila at kahihiyan habang umiiyak iyak kahit wala naman nakatingin.
2. "Agaw eksena Level." Ah ito, ito yung mga lokaret na kahit hindi naman talaga nasaktan eh over pa sa pagka-over kung humagulgol sa harap ng friends, family, and press. Sila yung mga gusto lang makakuha ng atensyon at simpatya. Nung minsan nga habang kumakain kami sa canteen biglang lumapit tong si Princess at nagkandaiyak sa harapan namin tinanong siya ni Sheena kung ano nangyari sa kanya at ang sagot:
"Nag-break na kami ni Arnold, may ibang babae siya!!!" (Iyak, iyak, singhot, hagulgol).
Pero wag ka, nung nakaraan lang nakita namin siya kasama ni Red, yung varsity player nang school, nasa likod sila ng gym habang naghahalikan sa paligid ng mapunong taniman ng mga nagvovolunteer at nung tanungin namin siya kung sino kay Arnold at Red ang pampalipas oras, ang sabi niya, si Arnold. Ganda mo te!
3. "In denial Level." Nakakita na ba kayo nang kaibigan niyo na kahit nasasaktan sinasabi pa ring hindi? Tapos pagtalikod at pag mag-isa na lang saka maglulupasay sa sakit. Oo, sila yun.
4. "Puma-fashion Level." Karamihan sa mga kabilang dito eh araw-araw natin nakikita, lalo na nung kausuhan pa nang mga "emo." Sila yung mga nakaka-relate sa malungkot na istorya ng mga kakilala nila sabay hahayaang malunod ang sarili sa kalungkutan pero dahil di nila masabi at maamin na malungkot sila, idadaan na lang sa pormang emotero/emotera. Magbibihis ng itim sabay magbabangs patagilid at maglalagay ng sobrang kapal na eyeliner. Ano, nakaka-relate ka noh?
5. "Pa-victim Level." Ito yung pinakamadaling ipaliwanag. Feeling loser at kaaway lahat. Sakit. Luluha, iiyak, tatahan, and then repeat.
Yun ang mahirap. Kelangan pa bang dumating dun? Naninirahan tayo at nabubuhay sa isang bansang katoliko na naniniwala sa Diyos pero bakit nagagawa pa rin natin kunin yung bagay na ipinahiram lang Niya satin? Maraming bagay ang lagi natin sinasayang dahil akala natin marami tayo nito. Yung parang kala mong nakasubscribe tayo lagi sa "unlimited everything" na di natin napapansin na napupunta lang sa wala at nasasayang lang yung mga bagay na meron tayo. Tulad na lang ng kuryente, oh di ba ngayon todo todo tayo sa pag gamit ng kuryente, saksak dito, saksak dun, charge dito, charge dun, t.v. dito, t.v. dun. Tapos pag mataas ang bill ng kuryente wala naman pangbayad, aangal at magtataka pa bakit mataas ang bill nila, aba, nagtaka pa talaga kayo ha??? Hiyang hiya naman ako sa inyo. Ayos lang naman magcharge at manuod pero sana matuto din tayong maging responsable sa pagtitipid ng kuryente. Ganon din yung PAGOD, kung saan saan tayo pumupunta, kung ano anong mga bagay ang iniintindi habang nakakalimutan nang gawin yung mga mas importanteng bagay na dapat inuunang gawin. Isa pang inaaksaya natin eh yung mga kaibigan na meron tayo, pag alam nating nandyan sila, marami at sumusuporta di natin binibigyan nang sapat na pansin.
Nakakatawa kung titingnan pero kung iisiping mabuti, nakakalungkot, nakakasakit sa bagang, at nakakahinayang.
Tulad ko, akala ko ang ganda nang buhay ko, yun kasi ang nakikita nang lahat. Ganon kasi nila tingnan yung buhay na meron ako. Maganda, walang mantsa, lahat nasa akin na kaya tuloy pati ako ganon ko na rin kung tingnan ang buhay ko.
Pero mali pala sila, at lalong mali ako.
Mali ako dahil hindi ko naisip na lahat nang meron ako o meron tayo ay pwedeng mawala nang isang iglap pag hindi natin iningatan ang isa sa pinakaimportanteng bagay sa buhay nating lahat.....
ORAS.
BINABASA MO ANG
Si Jesus Christ Pala Ang Professor Ko
Dla nastolatkówGenre: Teen Fiction, Humor, Fantasy Minsan sa buhay natin dumadating yung pagkakataon na ang dami nating pagkakamali at kung ano-ano na lang hinihingi natin sa Diyos. Pero paano kung bigla nga niyang tupadin ang hiling natin? Si Aya, isang Psycholog...