Chapter 8
Mag-ingat ka sa mga hihilingin mo, dahil hindi mo alam baka makuha mo nga ito.
Tumakbo kami ng mabilis ni Ree at halos hikain na siya sa sobrang bilis ng pagkakahatak ko sa kanya. Binilisan pa namin ang takbo dahil ang bilis din ng lakad ng lalaking sinusundan namin. Lumiko siya sa sumunod na kanto pagkatapos ng poste. Napaisip ako bigla dahil sa pagkakaalam ko dead end dun. Anong gagawin niya dun?
"Tatay!" Sigaw ng isang pamilyar na boses.
"Ako muna! Ako muna!" Sagot ng isa pa.
Huminto kami ni Ree sa tabi ng poste at sabay naming sinilip ang nangyayari. Teka, paano nagkaron ng daan dito at ilang bahay. Imposible. Sinipat ko maigi ang lalaki kung siya nga yun at nakasisiguro ako na siya nga pero hindi ko makita yung mukha ng dalawang bata na kausap niya dahil halos matakpan na ng katawan niya.
"Aya. Sino yan?"
"Tricycle driver yan."
"Bakit natin hinabol? Ninakawan ba kayo nyan?"
"Timang hindi. Kung ninakawan kami niyan eh di sana pinakulong na namin yan."
"Oo nga noh. Eh bakit nga?"
Lumakad ako papunta sa kung nasaan nakatayo ang lalaki bigla akong hinablot ni Ree sa kamay para pigilan.
"Anong pinaggagawa mo?! Napapraning ka na ba?"
"Hayaan mo ko. Kailangan ko tong gawin para bumalik sa normal ang buhay ko!"
Napalakas ata ang pagkakasagot ko kay Ree dahil sa laking gulat namin, lumingon bigla ang lalaki. Napalunok ako at parang pinagpawisan buo kong katawan.
"Ate!" Sigaw ng bata na kalong kalong ng lalaki.
Teka...
"Lizzy?" Nanginginig kong sabi. Bumaba siya mula sa pagkakakalong sa kanya at tumakbo papunta sakin at sumunod din ang isa pang bata. Si Lenny. Sinalubong ko sila ng isang mahigpit na yakap at ganun din sila sakin.
"Kumusta ka na po, Ate?" Tanong sakin ni Lenny.
"Ah... Ano..."
"Lizzy. Lenny." Tawag ng lalaki sa dalawang bata. Agad lumingon ang dalawa. "Dun muna kayo sa likod bahay, may pag-uusapan lang kami ni Ate Aya niyo."
Kilala niya ko?
Lumingon pabalik sakin ang dalawa at sabay silang ngumiti pagkatapos ay tumakbo na sila papunta sa isang bahay na nakatayo malapit sa isang puno ng niyog. Pinagmasdan ko sila hanggang sa mawala na sila sa tanaw ko. Tumingin ako pabalik sa lalaki at nakita kong nakatingin din siya sa akin habang nakangiti.
"Alam ko kung bakit ka nandito. Sinusundan mo ko." Mahinahon niyang sabi.
Nagulat ako sa sinabi niya at di ko malaman kung hihindi ba ako o sasangayon na lang pero di ko pinahalata na ganun ang nararamdaman ko.
"Gusto ko lang po malaman kung ano kinalaman niyo sa nangyayari sakin at kung bakit sa dinami dami ng tao sa mundo kayo pa talaga ang tatay ni Lenny at Lizzy. Pinlano niyo po ba 'to? Ano po bang kailangan niyo?"
Nakangiti lang siya sabay tingin sa langit.
"Maganda ang panahon ngayon. Tamang tama sa isang basong mainit na Tsokolate." Ibinalik niya ang tingin niya sa akin. "Halika kayo. Dun tayo sa harap ng bahay. Mahangin dun."
Agad siyang tumalikod at naglakad papunta sa bahay na pinuntahan din kanina ni Lizzy at Lenny. Napatingin ako kay Ree na nakatingin lang rin sa akin. Nag-alangan akong humakbang pero nilabanan ko ito at sumunod na lamang sa kung saan papunta ang lalaki. Tumigil siya sa harapan nang bahay at lumingon sa amin upang sabihin na maupo na kami at kukuha lang siya nang maiinom. May dalawang upuan na pang tatluhang tao at napansin ko rin na halos puno ang nakapalibot sa paligid nang kabahayan. Maganda, maaliwalas sa paningin, at lalong lalo na presko ang hangin.
"Oh, bakit hindi pa kayo nauupo?" Tanong nang lalaki pagbalik niya habang dala dala ang isang tray na may tatlong tasa sa ibabaw. "Sige na. Maupo na kayo." Maamo niyang sabi. Naalala ko bigla si Papa.
Umupo kami ni Ree sa isa sa mahahabang bangko. Parehas lang kaming tahimik habang ang lalaki ay umupo na rin sa katapat namin na bangko. Inilapag niya sa tabi niya ang tray at sabay na kinuha ang dalawang tasa at inabot niya sa amin ni Ree.
"Tsokolate." Nakangiti niyang sabi.
"Salamat po." Inabot ni Ree ang tasa sabay tingin sa akin kung kaya inabot ko na din ang tasa na hawak ng lalaki.
"Tamang tama yan sa panahon ngayon."
"Teka ho. Pwede niyo na po bang sagutin yung tanong ko?"
Humigop ang lalaki sa tasa niya sabay baba nito pagkatapos. "Ano ba ang iyong tanong, hija?"
"Kung may kinalaman po kayo sa kababalaghang nangyayari sakin?" Naririnig ko ang sarili ko at alam kong may inis sa boses ko. "At kung paanong nangyari na kayo ang tatay nila Lenny at Lizzy? Bakit nung hinatid niyo ako bigla na lang kayong nawala?"
"Naniniwala ka ba sa Diyos?" Sabi nang lalaki sa malumanay na boses. Ngumisi ako sa di pagkakapaniwala na ang sagot niya sa mga tanong ko ay tanong din.
"Ganyan po ba uso ngayon, ang sagot sa tanong eh tanong din?"
"Sasagutin ko ang tanong mo pagkatapos nito. Pangako yan."
Mukha naman siyang seryoso. Napatingin ako kay Ree na abalang abala sa pag-inom nang tsokolate, ibinaling ko ulit ang tingin sa lalaki sabay hinga ng malalim.
"Oo. Yun ang sagot ko."
"Kung ganun, dapat alam mo na naririnig Niya ang mga dasal mo. Hindi ba sinabi mo sa Kanya na pansinin ka Niya at hiniling mo rin na sana umiksi ang oras?"
Oras. Natigilan ako bigla sa sinabi nang lalaki at biglang bumalik sa memorya ko ang mga nangyari at sinabi ko. Dun sa chapel kung saan ako nagdasal nung gabing nag-aaway sila Mama at Papa, tama sinabi ko yun kay God na sana mapansin Niya ko. At oo, kinabukasan nagdasal ako:
"Kung pwede lang sana na umiksi ang oras para 'di ko na kailangan pumasok."
"Naaalala mo na ba, Aya?" Tanong nang lalaki.
Bumalik bigla ako sa sarili ko pagkatapos kong marinig ang boses niya. Para kong nahypnotize.
"Okay ka lang, Aya?" Narinig kong sabi ni Ree pero di ako makatingin sa kanya. Nanginginig ang kamay ko, natatakot ako, nanlalamig at nahihilo. Hindi ako makaumpisa ng salita ewan ko kung bakit. Hinawakan ako ni Ree sa braso at inulit ulit niya kong tawaging pero maya maya lang parang nagmanhid ang katawan ko at nagdilim nanaman ang paligid.
Aya...
BINABASA MO ANG
Si Jesus Christ Pala Ang Professor Ko
Fiksi RemajaGenre: Teen Fiction, Humor, Fantasy Minsan sa buhay natin dumadating yung pagkakataon na ang dami nating pagkakamali at kung ano-ano na lang hinihingi natin sa Diyos. Pero paano kung bigla nga niyang tupadin ang hiling natin? Si Aya, isang Psycholog...