Chapter 5
Ang tingin natin sa mga pulubi ay nakakatakot at madumi. Kung ganun, nakakatakot at madumi pala tayong lahat kasi sa paningin ng Diyos, pulubi tayong mga tao. Pulubi sa pagmamahal at kagandahang asal.
1:49 na sa suot kong relo pagtingin ko habang naglalakad palabas ng building. 10:30 lang kanina pag-akyat ko, tatlong oras ang nawala sakin. Ano ba talagang nangyayari? Haaay. May susunod akong klase, 1:30, pero 'di na ko nag-abalang magmadali dahil baka pag-akyat ko, lumipas nanaman ang oras at ibang klase nanaman ang maabutan ko. Oo, nawalan na nga yata ko ng pag-asa.
"Miss Ellar, late ka nanaman." Bungad sakin ni Mam Santiago pagpasok ko ng classroom.
"Oo nga po Mam eh." Walang gana ang pagkakasabi ko na para bang nawalan na ko ng paki kung magalit siya o hindi. Lumakad ako papunta sa upuan ko pero hindi pa ko nakakarating sa gitna nang pigilan niya ko.
"Hindi mo na kailangang pumasok, Miss Ellar."
Napalingon ako. "Po? Pero 'di niyo na po ako pwedeng i-drop. Bawal na po mag-drop ng estudyante pag malapit na ang finals 'di po ba?"
"Oo nga. Pero hindi naman kita ida-drop. Bibigyan na kita ng failing mark ngayon pa lang. Singko ka na sa subject na 'to kaya 'di pwede ka ng hindi pumasok tulad ng lagi mong ginagawa."
Natulala ako, hindi ko malaman ang sasabihin at lalo na kung ano ang gagawin. Singko na agad? Bagsak na ko. Tumulo ang luha ko nang hindi ko inaasahan at agad ko itong pinunasan sabay labas mula sa classroom. Tumakbo ako ng mabilis papunta sa washroom, buti na lang walang ibang estudyante na nandun pagpasok ko dahil oras ng klase. Lumapit ako sa lababo at agad kong itinapat ang mga kamay ko sa gripo, lumagaslas ang tubig at ramdam na ramdam ko ang lamig nito sa mga kamay ko. Yumuko ako, inihilamos ko sa mukha ko ang tubig at sa 'di ko inaasahang pangyayari, biglang bumuhos din ang mga luha ko.
**********
Ree: Ayos ka lng b? San ka?
2:06PM
Stephen: aya ok klang?
2:08PM
Clarisse: girl ngaalla kmi sau.rply k nmn
2:08PM
Pinatay ko ulit ang cellphone ko na sunod-sunod ang pagvibrate dahil sa sunod-sunod na pagpasok ng messages. Puro kapalpakan ang nangyari ngayong araw na 'to, kababalaghan, kapalpakan, kahihiyan at kasablayan. Wala na kong nagawang matino. Pano ko ipapaliwang 'to kanila Mama at Papa? Papano ko sasabihin na hindi ako pumapasok kaya ibinagsak ako ng professor ko sa Arts Appreciation? At papaano ko rin sasabihin na hindi lang 'yun ang maibabagsak ko ngayong sem.
"Sige na po. Kahit limang piso lang po, ipangbibili ko lang po ng tinapay. Gutom na gutom na po kasi 'tong kapatid ko. Parang awa niyo na po."
Isang may edad ng lalaki ang nakatayo malapit sa nilabasan kong gate ng school namin ang pinagtitinginan dahil sa dalawang batang babae na nangungulit at umiiyak sa harapan niya. 'Yung isa naiyak dahil siguro sa ayaw silang limusan ng lalaki at 'yung mas maliit naman ay naiyak din habang nakayakap sa ate niya.
"Wala nga! Ang kukulit niyo! Wag niyo nga kong hawakan, ang dudumi niyo!" Sigaw ng lalaki sa dalawang bata sabay tulak sa kanila. Napaupo ang dalawa dahil sa lakas ng pagkakatulak ng lalaki at sa pagkabigla, napatakbo ako papunta sa kanila.
"Manong, ano ba kayo?! 'Di na kayo naawa!" Lumabas bigla ang pagiging palengkera na ugali ko sa sobrang pagkabadtrip sa lalaking bastos na 'to.
"Hoy miss, kung sino ka man wala akong pakialam sa'yo! Mas lalo ng wala akong pakialam sa dalawang 'yan! Kahit pa magutom sila at bumulagta dyan, wala akong paki!"
BINABASA MO ANG
Si Jesus Christ Pala Ang Professor Ko
Roman pour AdolescentsGenre: Teen Fiction, Humor, Fantasy Minsan sa buhay natin dumadating yung pagkakataon na ang dami nating pagkakamali at kung ano-ano na lang hinihingi natin sa Diyos. Pero paano kung bigla nga niyang tupadin ang hiling natin? Si Aya, isang Psycholog...