Chapter 4
Hindi lahat ng problema natatapos kahit nandyan na ang sagot. Malimit, hindi sagot ang kailangan mo, kung 'di matutunang maghintay at magpasensya.
Imposible.. Imposible 'to. 10:30 lang ang tapos ng una kong klase ngayong araw pero bakit pasado alas kwatro na??? Ano yun, halos limang oras ako naglakad mula dun sa huli kong klase papunta dito? Ha-ha-ha! Joke ba 'to? Joke ba?! Kung joke, pwes! Hindi nakakatawa!
Me: wg mo nko hntayin ree. my klngan akong pntahan.
Pinatay ko na agad ang cellphone ko pagkatapos kong i-send ang message ko kay Ree. Saan na 'ko ngayon pupunta? Anong gagawin ko? Tiningnan ko na halos lahat ng orasan dito sa loob ng campus, nagbakasakali akong siguro mali lang ang oras namin ni Ree pero hindi eh. Bigla kong nanlumo sa 'di ko malamang dahilan at napasandal ako sa nakasaradong pintuan ng isang kwarto, buti na lang parang stock room lang. Ang bilis ng paghinga ko na para bang tumakbo ko mula samin hanggang dito. Ay, O.A, di pala, mula sa bahay hanggang dun na lang pala sa 7eleven sa may amin. Umupo ako sa sahig dahil na rin sa sobrang panghihina ng mga tuhod ko. Anong nangyayari? God, ano po'ng nangyayari?
"Aya?"
Napatayo ako bigla pagkarinig ko sa boses. Akala ko baka officer ng "Samahan ng Mga Kala Mong Walang I.D." kaya kinapitan ko na agad ang I.D. at parang handang handa na makipag-sabunutan para lang wag makuha ang I.D. ko.
"Anong ginagawa mo dyan?"
"Sir Kris?" Tumayo ako mula sa pagkakaupo habang nakatungo. Sa lahat naman ng itsura na pwedeng abutan sakin, ganun pa talaga. Hinawi ko ang buhok ko sa likod ng tenga ko. "A-ah ano po… ka-kas-sii…"
"Sumunod ka sakin."
"Po?" Pero bago ko pa nasabi ang sinabi ko, nakatalikod na siya at umpisa ng naglalakad. Sumunod na lang ako kahit kabadong kabado ako na baka dalhin niya ko sa clinic ng school. Baka nakita niyang namumutla at haggardo versoza na ang fez ko kaya naisipan niya kong tulungan. Wala naman masama kung gawin niya yun pero ang totoo kasi, hindi ako komportable pag nasa loob ng ospital o kung anong pagamutan pa yan. Mabilis akong mag-panic pag dinadala ako dun, ewan ko ba. Praning na yata 'ko.
"Sakay na." Utos ni Sir Kris sakin habang nakahawak siya sa bukasan ng pinto ng kotse niya na binuksan niya para sakin. Hindi ako makasagot, gusto kong tumanggi baka mamaya may pagkamanyakis pala 'tong si Sir at ako ang prospect niya. Iiiwww. Kahit naman ang gwapo niya at malakas ang appeal niya, hindi ko ugali ang pumatol sa professor noh. 'Di pa naman ako ganun kadesperada. Pero kahit nag-aalangan ako parang may nag-udyok sakin na sumakay na lang at wag na magtanong kaya ganun nga ang ginawa ko sabay sara niya ng pinto at ligid sa kabila at sumakay na rin.
Tahimik lang kami sa halos labing limang minuto na pag-andar ng kotse. Pinipilit kong hindi pansinin ang katahimikan pero hindi talaga 'ko sanay, pakiramdam ko mabibingi ako pag ganto. Huminga 'ko ng malalim para bumwelo magsalita at binuksan ko na ang bibig ko, tunog na lang ang kulang...
"Hindi mo pa rin ba alam ang sagot?" Biglang salita ni Sir Kris habang nakatingin sa daan.
"Ho? Sagot? May tinanong po ba kayo?" Teka, may tinanong ba siya sa klase namin kanina? Baka hindi ko narinig dahil dinadaldal ako ni Dale.
"Ako? 'Di ba ikaw yung kanina pang may tinatanong?" Sumulyap siya saglit sa direksyon ko at agad din ibinalik ang tingin sa kalsada.
"Wala naman po akong tinatanong. Hindi ko po kayo maintindihan, Sir." 'Di ko naman planong magtunog nang-aasar pero imbis na seryoso ang kalabasan ng sinabi ko, naging parang natawa.
"Meron. Kanina pa kita naririnig." Inikot niya ang manibela pakaliwa at hinintay makaliko ang kotse sabay bawi sa manibela pabalik. "Tinatanong mo kung ano ang nangyayari."
BINABASA MO ANG
Si Jesus Christ Pala Ang Professor Ko
Подростковая литератураGenre: Teen Fiction, Humor, Fantasy Minsan sa buhay natin dumadating yung pagkakataon na ang dami nating pagkakamali at kung ano-ano na lang hinihingi natin sa Diyos. Pero paano kung bigla nga niyang tupadin ang hiling natin? Si Aya, isang Psycholog...