Chapter 3
Dalasan mo ang pagdadasal, pero ingatan mo rin ang hihilingin mo t'wing magdadasal ka kasi..... gumagana yun. PALAGI.
Sikat ng araw ang sumalubong sakin pagmulat ko. Napalingon ako sa labas ng bintana, makulimlim yung ibang parte ng langit pero ang maganda, nandyan pa rin ang araw kahit papano. Tinatamad akong pumasok ngayon dahil bukod sa may kutob akong bubuhos ng malakas ang ulan mamaya at mahihirapan akong makasakay pauwi eh ayaw ko rin makaharap si Mam Loyzaga na professor namin sa Soc-Anthro, namumuro na kasi ko sa kanya at may "chanzzz" talaga na bumagsak ako sa kanya. Hindi naman bago yun, halos lahat naman ng subjects ko ngayong sem alam kong babagsak na ko.
Tok! Tok! Tok!
"Aya! Gising na! May pasok ka pa!"
Si Mama. Naalala ko bigla yung nangyari kagabi nung nasa simbahan ako, naiyak at nagmamakaawa sa Diyos nung biglang nagdilim lahat o baka nahimatay ako? Pero pano ko nakauwi? Sigurado ko na may nakakita sakin dun na nakahandusay sa sahig at pagkakita, tinawagan agad sila Mama at Papa na mas mabilis pa sa alas kwatro ang pagpunta para malaman kung ano nangyari sakin. Ang ganda isipin na nag-alala sila sakin pero ang 'di maganda eh yung sermon nila na mas malakas pa sa bagyo ngayon.
"Aya! Pag 'di ka pa bumangon dyan kukunin ko na yung susi nitong kwarto mo at ako mismo ang papasok dyan!" Napabalikwas ako sa higaan at halos mahulog na mula sa kama, buti na lang yung isang paa at kalahati ng pwetan ko lang ang napalabas sa gilid ng kama. Tayo agad ako sa takot na buksan nga ni Mama ang pinto ng kwarto ko. Ayokong pumapasok kahit sino dito lalong lalo na ang mga magulang ko kasi 'di ba nakakatakot isipin na pagpasok nila baka maghalungkat at makita ang mga nalimutang itagong tumataginting na ZERO sa mga exam.
"Ma, teka lang po! Nag... nag... nag-aayos na po ako!" Sagot ko pabalik.
"Bumaba ka na agad! Bilisan mo dyan!" Narinig ko ang mga yabag ng paa ni Mama na papalayo na galing sa harap ng pinto ng kwarto ko at dun, nakahinga na ko ng maluwag. Tumayo na ko agad at nag-umpisang ayusin ang higaan ko pero napahinto ako nang may makapa akong kakaiba sa ilalim ng kumot. Hinatak ko ang kumot pataas para ipagpag at habang ginagawa ko iyon may lumaglag sa ibabaw ng kama. Umupo ako sa tabi nito na para bang babasagin ang bagay na yun at konting maling galaw ko lang ay pwede itong mabasag at masira. Bumalik nanaman sa alaala ko yung mga nangyari kagabi pero imbis na makaramdam ng takot o lungkot, saya at gaan ng pakiramdam ang bumalot sa katawan ko. Sinubukan kong ipikit ang mga mata ko at nang mangyari ito inumpisahan kong kausapin ang Panginoon.
God, sana po maging maayos ang lahat mamaya. Sana di ko na ulit maramdaman yung naramdaman ko kagabi. At sana rin po mamaya 'di ako pagalitan ni Mam Loyzaga, kung pwede lang sana na umiksi ang oras para 'di ko na kailangan pumasok. Haaaay.
Bumaba na ko agad pagkatapos kong maligo at kahit 'di na ko nakapag-ayos ng sarili na tipong yung buhok ko pag piniga, eh tutulo ng bonggang bongga. Dumiretso agad ako sa kusina at umupo na sa silya para mag-almusal. Ayoko ng madagdagan pa yung isesermon sakin ni Mama at Papa baka daigin pa namin yung Harry Potter sa haba ng sasabihin nila sakin habang ako naman nakaupo, tungo at 'di alam kung paano sasagutin at ipapaliwanag sa kanila yung nangyari sa simbahan; kung bakit ako nandun sa ganung oras, kung paano ko nawalan ng malay at bakit ako nahimatay.
Tahimik ang lahat pagkaupo ko, galit nga talaga sila o baka naghihintay lang na makaupo si Mama bago nila umpisahan ang sermon. Napatingin ako kay ate nang bigla niyang kunin ang pitsel na nakalapag halos sa harapan ko. Hinintay kong magsalita siya, magtanong at usisain ako tungkol sa nangyari kagabi pero wala ni isang salita, sinalinan niya lang yung baso niya ng juice at pagkatapos ay ibinalik na ulit ang pitsel sa pwesto nito. Lumingon ako kay Papa na tahimik lang na nagbabasa at nainom ng gatas. Wala talaga. Nag-uumpisa na kong makaramdam ng inis. Ganun ba kalaki yung kasalanan ko para hindi nila ko pansinin? Sana man long bigyan nila ko ng pagkakataon magpaliwanag bago nila ko parusahan ng ganto. Kinuha ko na lang ang kanin at nilagyan ko ang plato ko sabay hingang malalim. Tama, si Mama siguradong kakausapin niya ko, pumunta siya kanina sea kwarto at pinagalitan pa nga niya ako.
BINABASA MO ANG
Si Jesus Christ Pala Ang Professor Ko
Novela JuvenilGenre: Teen Fiction, Humor, Fantasy Minsan sa buhay natin dumadating yung pagkakataon na ang dami nating pagkakamali at kung ano-ano na lang hinihingi natin sa Diyos. Pero paano kung bigla nga niyang tupadin ang hiling natin? Si Aya, isang Psycholog...