Chapter 7 The Bitter Fact

1K 11 0
                                    

Yeah It's Wednesday.. And it's already September 3! Ooh, It's Lexie's birthday later.. cool!

Iniisip ko pa rin yung mga sinabi sakin ni Paul, bakit kaya niya tinapos agad yung deal namin? Siguro ayaw na niya akong makasama.. *sighs* Kainis! Saan kaya napunta yung picture na yun? Sino kaya nag-delete nun? Tss..!

- school canteen -

"Ate Mhina, sabay na tayo mag-lunch.. wala kasi si Demi eh.."

"Sige Aaliyah, ikaw pa! KAsabay ko nga pala si Paul tsaka si Renzo.. Okay lang sayo?"

"Ah..eh, kasabay mo ba sila? Sige, wag na lang ate, nakakahiya naman.. Baka hindi ako welcome," Tumalikod na ako paalis.

"Ui Paul! Renzo! Nandito na pala kayo, Aaliyah wait!" Napahinto ako sa paglalakad nung narinig kong tinawag ni Ate Mhina yung pangalan ko..

Lumapit ako sa kanya at kausap niya na si Paul at Renzo..

"Hi Aaliyah.." with smiling face pa tong si Renzo.. infairness, cute siya.. :)

"Hello.." I smiled back.. Napatingin ako kay Paul, hindi siya nakatingin sa akin. Sa malayo, parang may malalim siyan iniisip.

"Renzo, Paul, okay lang bang makisabay sa atin si Aaliyah ngayon sa table? Wala kasi si Demi eh, wala siyang kasama."

"oo naman no, it would be nice nga kung palagi na lang kayong sasabay ni Demi sa amin eh.." Ang bait pala nito ni Renzo, palobhasa kasi, kaibigan ko si Lexie.. Haha

"Oh, ano Aaliyah? okay na daw." Ok na daw? Eh si Paul, hindi nga sumagot. alam ko naiirita to saken, di kasi naging maayos yung pag-uusap namin last time eh..

"Ano kasi Ate Mhina, nakakahiya kay Paul.. wag na lang.." Tumango na lang ako. Ayokong makita yung expression ni Paul dun sa sinabi ko.

"Anong problema kay Paul? Eh diba close kayo nitong mga nakaraan?" Palabas lang yun Ate Mhina.. i said to myself..

"You can join them Aaliyah, if you want, ako na lang ang hindi makikisabay sa inyo.." Tumalikod na siya at aakmang paalis na..

"Tol naman, halika na dito.. ngayon lang natin makakasabay tong si Aaliyah eh.. tama na muna yang snob-an na yan.."

Nagulat ako sa sinabi ni Renzo.. di naman kami nag snob-an ni Paul ah? Siguro may alam to tungkol sa deal namin.. Sabagay, mag bestfriend sila eh..

"Oo nga naman Paul! Halika na nga Aaliyah. Upo na tayo.." Hinila ako ni ate mhina sa may table nila.. okay, so this is it.. kakain ako with them.. with PAUL..

Hindi nagtagal, nakaupo na kaming lahat, syempre, magkatabi kami ni Ate Mhina, at sa harap ko naman si Paul. Hay.. Buhay nga naman, si Demi kasi, hindi pumasok.. kainis yung babae na yun.!

Miggy's POV

Nakita ko si Aaliyah sa canteen, kasama si Mhina, Renzo at ang karibal ko,.. Si Paul.. Hindi na ako magtataka na magkasam sila, close na sila eh..

Pero parang nakakapagtaka ngayong araw na to, kasi parang walang umiimik sa kanila. Baka nag LQ?!

Oh Miggy! Ano ba? Lovers Quarrel? Eh hindi naman sila lovers! Tsk. Ano ba yan, ang lakas na talaga ng tama ko kay Aalyah.. Aaliyah, kung alam mo lang kung gano kita kamahal..

"Ang tahimik niyo naman..Mag-usap nga kayo! Nakakabingi yung katahimikan eh.." Narinig ko na lang yung malakas na boses ni Mhina, since hindi naman kalayuan yung table ko sa kanila..

"Mhina, wag ka ngang maingay! Kahit kelan talaga, eskandalosa ka.."

"Sige, mauna na ako. Nakaksira ng mood kumain yung nasa harap ko eh.."

Hopeless Love(COMPLETED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon