Chapter 14: Is this really a right Decision?? >.<

775 9 0
                                    

Maaga akong nagising ngayon. Monday na naman kasi, malapit na mag-Christmas pero parang di ko pa rin ma-feel, ewan ko nga kung bakit eh. Ang dami ko pa rin kasing pinoproblema hanggang ngayon.. lalo na yung huling sinabi sakin ni Aaron bago siya umalis ng bahay..

"Sana tanggapin mo yung offer ko, wag kang mag-alala, madali ka lang namang mahalin eh.."

In-offer niya kasi na maging kami. Pero ewan ko, alam ko namang si Demi talaga yung mahal niya tapos, iniisip ko pa din si Paul, ewan ko, pero may side sakin na gusto ko na si Aaron, pero tuwing makikita ko si Paul, nasasaktan pa din ako.. Gulong-gulo na ko sa nararamdaman ko.

Mhina's POV..

Nung gabing nagpunta ako kina Aaliyah, i've realized na hindi ko na siguro dapat pang alalahanin si Ar-- SIYA.. Simula ngayon, kakalimutan ko na siya.. ititigil ko na din yung pag-inom ko, alam kong napabayaan ko na yung pag-aaral ko nang dahil sa kanya.. Ayoko nang maging walang kwenta, gusto ko nang bumalik yung totoong ako.

Gahh... Sana lang i've chose the right decision now. Ayokong pagsisihan to pag lalo pang tumagal. Maybe we're just meant to be.. and if we are, maybe it will be in no time..

Napabuntong-hininga na lang ako bago pumasok sa gate ng school.. At sa hindi inaasahang pagkakataon..

"Mhina"

Tinignan ko siya at pinilit na ngumiti.. Tapos yung expression niya eh parang nagtaka..siguro kasi inaasahang niyang hindi ko siya papansinin..

"Mhina..i just want to exp---"

"Ah, Arkin, di mo na kelangan ituloy yan. Okay lang sakin.. Hehe.. Sige, mauna na ako.."

Umalis na ako nun at nung huli kong makita yung mukha niya, eh mukhang gulat talaga siya sa ginawa ko. Feeling ko ngayon.. mawawasak yung puso ko.. bakit ganun? kaya ko.. kelangan.. >.<

"Teka Mhina.."

Nagulat ako tapos napatigil sa paglalakad.. Hinawakan niya yung braso ko..tapos, tinignan ko siya..ngumiti pa din ako, ewan ko kung nahahalata ba niyang pilit yun oh hindi..

"Pwede ba tayong mag-usap?"

"Ha,.Sige, tungkol saan ba yun?"

"Tungkol dun sa nakita mo sa simbahan nung isang linggo.."

"Ah yun?, hehe. anong tungkol dun?"

"Bakit bigla kang tumakbo?"

Oh-kayy.. Hindi ko ine-expect yun. Anong sasabihin ko? Think Mhina! Think!

"Ah, kasi na-ccr na ko nun eh, kaya nagmadali ako.." Na-ccr? Amp Mhina! Anu yun?!

"Ha? Mhina, sorry to tell you but we both know that you're not a good liar."

Okay. Suko na, eh ano pa ba? Ano bang sasabihin ko? Amp.

"Mhina kasi, si Mei kasi yung nakita mo" Ah, so Mei pala yung namae nung babaeng yun? Infairness, di siya mahilig sa M! >.<

"Ah, ayun? Ang ganda niya ha..infairness," Nginitian ko siya.."Sige na Arkin, may gagawin pa kasi ako eh. Nice talking to you again. :)"

Hindi ko na siya hinintay na magsalita, instead, umakyat na ako sa hagdan.. Yung expression niya, halatang nagugulat siya sa mga kinikilos ko.. Effective ba??

End of Mhina's POV

Arkin's POV..

Nginitian na naman niya ako bago siya umakyat.. Hindi ko alam kung ano yung magiging reaction ko nun, she's really acting weird. Hindi man lang niya pinatapos yung sasabihin ko.. na si Mei ay ang step sister ko. Pero bakit sabi niya, i don't have to explain? Arkin naman! Wala ka namang dapat i-explain! Hindi nga kayo! Hindi na! Okay?!!

Hopeless Love(COMPLETED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon