Chapter 33: Letters of Goodbye..

602 6 0
                                    

"Sino yung tumawag?"

Tanong sakin ni Demi..

"Si *censored*"

"Oh? Bakit daw?"

"Usap daw kami ngayon sa park.. Ewan ko kung bakit.."

"Ah ganun? Tara, uwi na din ako, sabay na tayong lumabas."

"Sige, ligo muna ko.."

"Naks naman! Kelangan talaga fresh ka pag nag-usap kayo ha? Hahaha"

Naku po! Banat naman ni best friend oh.. Sige, ako nga din!

"Syempre, di ako katulad mo na uuwi sa bahay nang naka-gown pa no! :P"

Ayan kasi, pano ba naman! Naka-gown pa siya! Meaning, natulog siya sa kwarto ko nang naka-gown pa! At what's worst is.. Yung hair niya nagkagulo-gulo na! Pati yung make-up niya! Hahaha! :P

"Huwaaaat?!"

Ayun! Napatayo siya sa pagkakaupo sa bed ko tapos nagtatakbo sa cr! Tignan mo to! Inunahan pa ko! Hahaha.

Lumabas na lang ako ng kwarto ko at nagpunta sa main bathroom namin. Dun kasi tumakbo si best friend sa cr ng kwarto ko, kaya ayun!

Pagtapos kong maligo, ayun! ready to go na kami ni Demi, pinahiram ko na lang siya ng damit pauwi..haha, ayun, naglakad na kami palabas! And since paglabas ng gate namin eh magkaiba na yung way namin, nagpaalam na kami sa is'at-isa.

Habang naglalakad ako papuntang park..hindi ko maiwasang maisip kung ano ang sasabihin niya sakin. Parang na-fi-feel kong hindi maganda yung kalalabasan nitong araw nato.. Ugh! Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa may batang humila ng t-shirt ko sa likod. Pano ko nalaman na bata yun? Eh kasi, hindi pala yung damit ko yung hinila niya, yung palda ko pala. xD Haha, (baliw na talaga si author) Hinrap ko yung bata..

Aw, ang cute niya! Batang babae na maputi tapos medyo chubby! Waaaa. Ang cute talaga! Tapos naka-smile pa sakin! Hehe..Umupo ako para maabot yung height niya..

"Hi bata, anong name mo?"

"Hello ate! Ako po si Ashley! Ikaw po ba si Ate Aaliyah?"

"Oo Ashley, ako nga..why?"

"Eto oh..May nagpapabigay.." Sabay abot ng isang purple paper..Oy purple! My favorite!! xD

"Kanino galing t--"

"Sige Ate, bye!"

"Teka Ashley.."

Hindi ko na siya napigilan umalis yung bata.. Aba‘y nagtatakbo ba naman! Runner ata yun eh! Haha. Anyways, so ayun na nga. I started reading the message..

The message says..

I tried to fight but i'd rather give in through all this hurt.. wondering what could have been? When i'd wish i could tiptoe out of this hiding and pretending and finally put an end to this endless waiting..

Huh? Ang lalim! Nosebleed ako dun ah! So ayun, nagpatuloy na lang ako sa paglalakad since mga 5 minutes pa ang layo ng park. Di ko pa rin maiwasang mag-isip ng kung ano-ano..Hayyy.. Lakad.. Lakad.. Lakad.. tapos may biglang humagis na parang bote sa may harapan ko, nakita ko dun sa bottle na may nakaipit na purple paper.. parehong-pareho dun sa letter na binigay sakin nung bata, i mean, ni Ashley..

Then, hindi na ko nagpaliguy-ligoy pa, kinuha ko yung paper na nakaipit dun. Then i started reading it again..

See i've lost my mind in this love when i've tried walking away but i can't.. when i've tried everything i could, loving you.. when i've chosen what i want and what need but wondering where this will lead..

Hopeless Love(COMPLETED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon