Chapter 28: Prom Night [third phase] [Last Dance - My 21]

501 4 0
                                    

Mga ilang songs pa yung natapos, hanggang sa magsalita na ulit si Ms. Labalan but this time, it's about the announcement of those who win awards..

Ang nanalo as King of the night ay si Adrian, na gwapong-gwapo nga naman sa tuxedo suit niya! Tapos yung Queen, hindi ko kilala..basta, maganda rin siya, kahit simple yung gown niya, Yung Mr. and Ms. Seniors naman, hindi ko rin kilala pero mukang mag-lovers din sila.. Tapos Mr. Junior... tentenenen!!!!! Si Paul!! :P Deserve naman niya yun kahit wala siyang date, ang cute kasi niya sa suot niyang pink na pang-loob and black coat! Kahit simple lang, ang gwapo pa rin niya!! Waaaah! Ano bang iniisip ko.. Namimiss ko lang siya... :'( Tapos si Ate Mhina naman yung Ms. Junior! Naks naman kasi, over over ang ganda!! Yung gown niya, yung parang suot ni Taylor Swift dun sa music video ng Love Story! Pati yung buhok, medyo paganun din yung ayos! :)

Eye catcher naman.. walang iba kundi si... LEXIE! Natural, sa ganda ba naman ng friend ko, may makaka-agaw pa ba dun? Hahaha. Kahit anong event, lagi yang may award! :) Tapos, sa boys naman, si Miggy! Ang gwapong escort ko! Hahaha. Naks naman! Lahat ata ng friends ko, may award! Ako lang wala! Hahaha tapos, yung best in gown naman, from fourth year, tapos sa male naman, tadannnn! Hakot ni Paul! Wahahaha! Nakuuuu.. Ang sama naman kasi ng ugali! :P

Syempre, bilang mga nanalo, nagsayaw sila.. ayun, syempre, by partners naman diba? Nauna yung Mr. and Ms. Junior..Mr. and Ms. Seniors, tapos yung king and queen.. then after that, next song naman, yung eye atcher, best in gown and tux.. tapos ayun!

"Before ending this Prom, we would give the last two songs.. Kaya kayo, wag nang mag-inarte at isayaw niyo na kung sinong gusto niyong isayaw. Okay? First song please.."

Okay, last two songs na.. 11:00 na din kasi.. parang gusto ko nang umuwi ah? Magmumuka na naman akong tanga dito, nakaupo!

Nagsitayuan na yung mga mag-partners.. tapos may narinig akong isang babaeng kausap si Miggy sa tabi ko..

"Miggy, can you be my last dance? please?"

"Ha? Eh kasi..."

Napatingin si Miggy sakin.. Siguro ayaw nitong pumayag kasi nahihiya na maiwanan akong mag-isa dito, naku, ako nga ang dapat mahiyaaaa! >.<

"Sorry, i ca--"

"Sige na Miggy, i'm fine here.. saglit lang naman yang song na yan.. go ahead.."

He smiled and nodded.. Tuwang-tuwa yung girl kasi pumayag si Miggy, gustong-gusto siguro nung girl na yun si Miggy kaya naglakas-loob na siya na yung magtanong kay Miggy kung pwede silang magsayaw.. Hayy, buti pa siya, she has the courage to do that, samantalang ako... hayyyy...

Ilang minutes pa na nasa chorus na yung second to the last song, biglang may nahagip yung mata ko.. Tumayo si Aaron tapos, naglakad papunta sa...sa akin ba?? Magsasayaw ulit kami? :D Yehey!!! Naglakad na siya papunta sakin...pero....

lumagpas siya... :(

Sinundan ko ng tingin kung san siya pupunta, nakita ko... nagpunta siya kay DEMI.. :( Kasama ni Demi yung mga classmates naming iba, kaya hindi sila magkatabi sa upuan..

Aw... ang sakit.. :( Umasa na naman ako! Ugh! Tanga!! Akala ko, hindi papayag si Demi, kasi tumingin siya sakin tapos binalik yung tingin kay Aaron..tapos, ayun! Naglakad sila papunta sa dance floor, magkahawak yung kamay..

Ano ba? Bakit ganito yung mga nangyayari ngayon? Diba dapat nag-eenjoy ako? Prom to eh, evryone must be enjoying this. They are happy but unfortunately, i'm not one of them.. :'(

Nagsasayaw na silang lahat.. They look so happy, Arkin and Ate Mhina, Miggy and yung girl, Lexie and Renzo..Aaron and Demi... My best friend and my boyfriend.. sharing the dancefloor.. while i'm here, sitting alone..

Hopeless Love(COMPLETED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon