Chapter 52: Lipat-bahay.. Lipat-school?! O_O!! AYOKO!!

256 2 0
                                    

Aaliyah’s POV

Almost 1 month na rin simula nung umalis si Paul. Matatapos na din ang month of April. Wala rin namang masyadong nangyayari sa buhay ko.

Bakasyon na kasi. Isa pa, sobrang boring ng mga nangyayari sa akin araw-araw.

Ilang gabi din akong napuyat noon sa kahihintay ng texts at calls niya. Pero bigo ako, wala ni isang Paul na pangalan na nag-appear sa screen ng cellphone ko.

May isang gabi pa nga, nung birthday ko..

Nag-sleepover sila Demi dito sa amin.

Sobrang kinulit nila ako na mag-cheer-up kasi hindi talaga ako natulog sa kakahintay ng text o

tawag ni Paul. Hanggang sa nagising na lang ako na wala na pala akong kasama sa kwarto ko.

Iyak na lang ako nang iyak nun.

Hindi ko alam kung paano ko ba ito nakakayanan. Naghihintay ako sa isang taong hindi man lang magawang magparamdam sa akin.

Minsan nga, naiisip kong… Hindi na siya hintayin.

Pero sa tuwing maaalala ko yung napag-usapan namin bago siya umalis, nawawala yung lungkot ko.

Papunta nga pala kami sa Pasig ngayon. Ito talaga ang balitang gumulantang sa akin.

Pagkagising ko kaninang umaga, narinig ko na lang si Mommy at Daddy na nag-uusap.

?Yung mga gamit natin, dadalhin pa ba natin??

?Oo. Yung iba na lang pero yung ibang furnitures, iwanan na natin dito. Complete naman na yung gamit dun sa bahay natin sa Pasig diba?.?

?Okay.Gisingin ko lang mga anak mo.?

Nagulat ako sa sinabi ni Daddy. Yung bahay namin sa Pasig. Anong gagawin namin dun?

Tapos, nagpunta si Mommy sa kwarto ko. Sinabi na nga na.. Lilipat na kami sa Pasig. T____T

Nagulat pa ako noon. Matagal ko na rin gustong doon kami tumira sa Pasig.

Sa totoo naming bahay.

May bahay kasi kami doon. Actually, nag-rerent lang kami ng bahay dito sa Alabang. Dito kami tumira kasi nandito ang work ng Daddy ko. Since nag-resign na si Dad, wala na kaming dahilan para mag-stay pa dito.

Isa lang ang ibig-sabihin noon.

LILIPAT NA DIN AKO NG SCHOOL. T_________T

Isang pangyayari na hindi dapat. Ayoko. Ayokong lumipat ng school.

Yung mga kaibigan ko… Paano na? Paano na rin si Paul?

?Ali, anak. Bilisan mo. Kanina pa naghihintay si Daddy mo sa van. Yung mga gamit mo,siguraduhin mong kumpleto.?

Nagpunas ako ng luha ko sabay labas sa kwarto.

Para akong nasa teleserye kasi nilingon ko pa yung kwarto ko bago ako tuluyang umalis.

Naiiyak talaga ako. Ayokong umalis dito. Pero alam ko namang gusto lang ng parents ko na makatipid kami. Kasi nga, dito, apartment lang, kung sa Pasig na kami titira, wala na silang babayaran na rent every month.

Nandito na kami ngayon sa Pasig. Halos 2 hours din ang byahe from Alabang. Na-miss ko tong bahay namin dito.

*The next day…*

?Ali, gising. Punta ka sa Alabang ngayon. Kuhanin mo yung report card mo?

WTF?! Kukuhanin ko yung card ko.. Does it mean..

?Mom… Lilipat ba ako ng school??

?Hindi pa namin napag-uusapan yan ng Daddy mo. Syempre, Fourth year ka na sa pasukan. Baka hindi ka na ma-honor sa ibang school kapag nilipat ka namin. Pero, malayo din ang Alabang. Kailangan pa naming pag-usapan yan.?

?Ma, ayoko pong lumipat. T_______T?

Tumulo na yung luha ko. Ayoko talagang lumipat. May kailangan pa akong makita. Kailangan pa naming magkita ni Paul. T^T

?Shhh. Tahan na. Hayaan mo, kakausapin ko ang Daddy mo. Ngayon, maligo ka na. Mag-commute ka na lang. Ok??

*nod nod*

Nagpunta na ako sa Alabang. Pagdating ko sa school, nandoon na sila Demi.

Tinext ko sila na pumunta doon para makita ko sila.

?Ali!! / Aaliyah!?

Sabay takbo nila papunta sakin. Niyakap nila ako.

Dahil sa sobrang drama ng eksena namin, tumulo na naman ang mga luha ko.

?Lilipat ka na?? -- Lexie

?Hindi ko pa alam.? – Ako

?Kakausapin ko si Tito! Pipilitin kong wag kang palipatin!? – Demi

?Sana nga.. Mag-uusap pa daw sila ni Mommy? – Ako

?Naku teh! Kung distance lang naman ang problema, eh pwede naman na dun ka tumira sa amin!

Tapos pag weekend, tsaka ka umuwi ng Pasig!? – Demi

?Haha. Pwede din. Sabihin ko nga yun kina Mommy!? – Ako

?Haaaaaaaay. Mamimiss ka namin gurl!? – Ate Mhina

?Ako din. Mamimiss ko kayo.? – Ako

*Group Hug*

“Ako ba? Mamimiss mo rin?”

Napatingin ako sa likod ko kung saan nagmula ang mga tinig ng isang lalaki.. Sabay napangiti ako… ^______^

Tumakbo ako papunta sa kanya..

Niyakap ko siya… ^__________^

Hopeless Love(COMPLETED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon