Chapter 15: I don't give a damn.

695 11 0
                                    

Demi's POV..
Matagal tagal na din akong hindi kinukulit ni Aaron, nagtataka nga ako at nanahimik siya eh. Siguro sumuko na talaga siya. Oh well, kung ganun nga, it's better. Magiging tahimik na ang buhay. Wag na siyang umepal. Haha. Masama ba ko? Eh kasi, ayoko pa naman muna talaga mag boyfriend. Diba? Gets nyo? :)
Friday yun nung binasted ko si Aaron, eh ngayon.. 1 week na din ang nakalipas since nangyari yun.. hayyyy.
*flashback*
Pagpasok ko pa lang ng gate, rinig ko na yung mga bulung-bulungan ng mga students.. Yung isa sabi..
"Diba siya ung Demi? KAwawa naman siya, tinraydor siya ng best friend niya.." Napatingin ako sa nagsabi nun, pero di ko alam kung sino sa mga students na nakatingin sakin yung nagsabi nun.
Ang weird. Bakit ganun? Anong trinaydor ako ng best friend ko? ni Ali? ano naman kya un?
Nagpatuloy na lang ako sa paglakad at pumasok na sa classroom..
After that, all i know was nothing. I tried to talk to them but they just ignored me..
"Dems," Lumingon ako sa likod para hanapin yung tumawag sakin.
"Oh, Ali, kamusta?"
"Dems, may sasabihin ako sayo.."
"Ano yun? Tsaka may itatanong din sana ko sayo eh.."
"Sige, mauna ka na.. ano ba yung itatanong mo?"
"Ali, kasi.. kayo ba ni Aaron?" Hindi ko alam kung bakit yun yung mga salitang lumabas sa bibig ko. Pero halatang nagulat siya sa tanong ko.. napayuko siya..
"Demi.. sorry.." Umiiyak na siya, pero nakayuko pa rin siya..
"Ano ka ba Ali, okay lang yun! Wag ka na ngang umiyak jan.. congrats BF! may BF ka na!" Hi-nug ko siya tapos tumawa kami nang sabay..
*end of flashback*
Hindi naman ako nasaktan sa nalaman ko, takot ang naramdaman ko.. para kay Ali.. i know she's just for rebound. Hindi ko mapapatawad si Aaron kapag iniwan niya si Ali..
Ano kayang gagawin ko? aawayin ko kaya si Aaron? Oh hahayaan ko na lang sila? Malay natin.. mahal na pala talaga ni Aaron si Ali..
Naglakad na ako papunta sa gate.. pero may humawak sa braso ko..
"Pwede ba tayong mag-usap?"
"Ha? Oh sige.."
"Tara, dun tayo.."
Hinili niya ako papunta sa may playground.. naka-upo na kami sa swing ngayon..Tahimik lang, nagpapakiramdaman kung sinong mauunang magsasalita, at sa wakas, nagsalita na siya..
"Alam kong alam mong ginagamit lang ni Aaron si Aaliyah para makalimutan ka.."
Nagulat ako sa sinabi niya, hindi ko yun inaasahan.. tumango lang ako at alam kong nakita niya un.
"Anong balak mong gawin Demi? Hahayaan mo na lang bang masaktan ng lalaking yon ang best friend mo?"
"Hindi ko alam Paul.. Naaawa ako kay Ali, hindi niya alam yun.."
"Demi, kailangan mong gumawa ng paraan para hindi masaktan si Aaliyah ng lalaking yon.."
"Teka nga Paul, hindi ba ako ang dapat magsabi niyan sayo? At saka, ikaw naman din ang dahilan kaya sinagot ni Ali si Aaron eh!"
Nagulat siya sa mga binitiwan kong salita.. eh, totoo naman eh, siya naman talaga ang may kasalanan nun. Sinaktan niya si Ali,..kaya wala siyang karapatan na pakialaman si Ali.
"Alam ko."
"Oh, eh alam mo naman pala eh. Damn Paul! Wake up! Alam naman nating pareho na for rebound lang si Ali, pero anong magagawa natin?"
"Sabihin mo sa kanya ang totoo.."
"Baliw ka pala eh! Eh di nasaktan yun!"
"Mas lalo siyang masasaktan pag nagtagal yun.."
"Alam mo, ikaw ang dapat gumawa niyan.. kasalanan mo to eh, ok, i admit.. may kasalanan din ako.. pero ikaw talaga ang may kasalanan kasi sinaktan mo siya!!"
"Kaya nga eh, kaya nga ayoko na ulit siyang masaktan pa ng ibang tao.."
"Bakit? Kasi gusto mo, ikaw lang ang mananakit sa kanya ganon? Ano ba naman yan Paul! Kahit minsan naman matuto kang lumunok ng pride!"
Iniwan ko na siya sa may playground dahil baka kung ano pang magawa ko sa kanya.. Nag-iinit ang dugo ko sa kanya!! Bwisit siya!!
Hindi ko namalayan na may nabunggo na pala ako nung papa-akyat ako sa hagdan..
"Ay, sorry.. nagmamadali kasi ak--" Pagtingin ko sa nakabangga ko, nagulat ako, nakatitig siya sakin..
"Demi, can we talk?"
Naku, sa dinami-dami ba naman kasi ng mababangga ko, bakit si Aaron pa? Waaaaah!
"Ah, sorry Aaron, nagmamadali kasi ako eh, next time na lang,, bye.."
Tatakbo na sana ko paakyat pero pinigilan niya ko.. nakatalikod ako sa kanya tapos siya naman, hawak yung kamay ko na hindi ko alam kung nakatingin ba sa akin oh nakatalikod din..
"Demi, sabihin mo lang na mahal mo ko, iiwanan ko si Aaliyah para sayo.."
Nanlaki yung mga mata ko sa sinabi niya.. ang kapal niya,, dahil sa inis ko, tinanggal ko yung kamay niya sa pagkakahawak sakin at hinarap siya..
*PAK!
"Ang kapal din naman ng mukha mong sabihin yan sakin noh?! Alam kong for rebound lang si Aaliyah, pero hindi ko sasabihing mahal kita kasi hindi naman talaga. At saka, subukan mo lang..makita ko lang umiiyak si Aaliyah nang dahil sayo, makikita mo ang galit ko!"
"Pero Demi, panakip-butas ko lang naman talaga si Aaliyah, hindi ko siya mahal..ikaw ang mahal ko!"
*PAK!
Sinampal ko ulit siya.. ang kapal niya, pinag-diinan pa niyang panakip-butas lang niya si Ali? Hindi na siya nahiya!
"Alam mo, tama lang na hindi kita minahal, tignan mo yang ugali mo! Hindi ka karapat-dapat mahalin!"
"Pero mahal kita!"
"Sh*t! I don't give a damn Aaron! At first sinabi ko na sayong ayoko sayo, pero ano? hindi ka tumigil.."
"Kasi mahal tal--"
"Wag mo nang ituloy! Ang kapal nang mukha mo! Basta ito lang masasabi ko sayo, once na nakita kong umiiyak si Ali nang dahil sayo.. hindi mo magugustuhan ang gagawin ko!"
Umakyat na ako bago pa niya ako muling pigilan.. nag-iinit ung dugo ko sa kanya.. feeling ko, sa bawat paglakad ko, sasabog ang dibdib ko... hindi ko na alam ang gagawin ko.. :'(
Pagpasok ko sa room, nakita ko si Ali, nakadukdok sa desk niya.. parang umiiyak ata eh.. hay naku, eto na nga ba ang kinatatakutan ko.. >:(
Lalapitan ko sana siya kaso bigla namang pumasok yung teacher namin, kaya ayun, naupo na lang ako sa upuan ko, tapos, nakita kong umangat na yung ulo ni Ali at parang nagpunas siya ng luha.. ano kayang ginawa sa kanya ni Aaron? Yung hayop na yun.. ang kapal talag ng pagmumukha.!
Mabilis naman natapos ang unang mga subjects namin hanggang sa mag-lunch break. pagkakataon ko nang kausapin si Ali..
Nilapitan ko siya sa upuan niya para kausapin..
"Ali, may problema ka ba?"
"Ha? Wala ah.. bakit? tara, kain na tayo.."
Tumayo na siya at lalabas na sana ng classroom pero .. nabangga niya si Paul.. nakayuko kasing maglakad.. ayan tuloy, napasubsob siya sa dibdib ni Paul.. halatang nasa schock motion pa silang dalawa kaya't walang gumagalaw sa kanila..
Hanggang sa hinawakan ni Paul yung mga kamay ni Aaliyah para iayos papalayo sa kanya..
"So...sorry.." narinig kong sabi ni Aaliyah pero nakayuko pa rin..
"Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo.."
Tignan mo tong lalaking to, kanina lang nung kausap ko sa swing, concerned na concerned kay Ali, tapos ngayon.. nagtataas na naman ng pride! Asar!
"Sorry, hindi ko naman sinasadya.."
"Lagi na lang hindi sinasadya.. tsak tignan mo nga yang mata mo! Namamaga na sa kaiiyak!"
Aba naku, halatang concerned.. ahyieeee..
"Ano bang pakialam mo? Eh ikaw naman ang isa sa mga dahilan kung bakit namamaga to? Tabi nga dyan!"
Nagulat ako sa sinabi ni Ali, pagtapos niyang sabihin yun, lumabas na siya.. Sinundan ko na siya at nakita kong na-stuck lang si Paul sa door ng room namin. Halatang na-shock din siya sa sinabi ni Ali..hay naku, buti lang yun sa kanya.. masaktan siya!!
Natapos yung araw nang hindi man lang nagkwento sakin si Ali kahit kinulit-kulit ko na siya.. ang sagot niya, palaging, wala.. tapos, ang tahimik.. parang out of this world.. nakakapanibago naman kasi.. Naguguluhan na ko sa kanya.. hayy, kawawa naman ang best friend ko. >.<

Hopeless Love(COMPLETED!!!)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon