Luhan's POV
"Salamat Luhan.." Tumungo si Carissa para tignan ako at ngitian. Nakasakay kasi siya sa wheel chair.
Kasalukuyang inililibot ko siya sa ospital. Mukha kasing bored na siya. Si Lay bumalik na sa bahay namin. Alam na rin ng mga nakakataas sa gangster world ang tungkol dito. Lalo na ang mafia na nag mamayari ng Azthra. Sabi nila ay gagawin nila ang lahat para kay Carissa.
"Wala yun.. Alam mo.. Mas bagay sayo ang naka-ngiti.." Sabi ko sakanya.
"Talaga? Ibig bang sabihin nun? Maganda ako pag naka- ngiti?" Tanong niya saakin.
Tumigil ako sa harap niya at umupo para mag-kasing pantay kami.
Ngumiti ako at hinawakan ang magkabilang pisngi niya gamit ang dalawa kong kamay.
"Oo. Maganda ka." I sincerely said. "Wo ai ni." Sabi ko at nginitian siya.
Nawala yung ngiti niya saka tinignan niya lang ako na para bang nagtataka.
"Ha?" Sabi niya.
"Wo Ai Ni. Wo Ai Ni. Wo Ai Ni. Wo Ai Ni. Wo Ai Ni. Wo Ai Ni." Paulit-ulit na sabi ko sakanya ng hindi nawawala ang ngiti sa labi ko.
Lumabas na rin sa bibig ko ang tunay na nararamdaman ko.. Ngayon nasabi ko na ang dapat kong sabihin.. Hindi nga lang niya naiintindihan pero atleast nasabi ko. Humahanap lang ng tyempo para masabi sakanya. Nakakagaan pala ng loob. Parang ang saya ko ng sabihin ko sakanya yun..
"Ano ba ibig sabihin nun?" Tanong niya saakin.
Tinulak ko ulit ang wheel chair niya papunta sa garden ng ospital.
"It's for you to know." Sabi ko saka pinunta na siya sa garden.
Tahimik lang kami habang naglalakad.
Nang makarating kami sa Garden. Namangha ng lubos si Carissa dahil sa dami ng iba't-ibang bulaklak at sariwang hangin. Meron ding small pond at fountain.
"Wow. Ang gandaa~" Sabi niya na manghang-mangha. Dumiretso kami sa may bench malapit sa pond. Inalalayan ko siyang umupo doon saka umupo ako katabi niya.
"Luhan. Pano niyo ko nahanap?" Out of the blue niyang tanong.
"May tumawag kasi sa Kuya Sander mo ng magkita kami."
"Kilala mo si Kuya?" Gulat ang expression niya.
"Ah. Oo... Ano.. Kaibigan ko ang Kuya mo.. Kaibigan naming lahat.. Nakipag-kita siya saamin para makipag-laro ng basketball." Pagsisinungaling ko.
"Ah.. Kayo pala yung gangster friends na sinasabi ni Kuya.."
Gangster Friends? Eh ngayon nga lang namin nakilala ang Kuya mo eh. =____=
"Ah. Oo." Kailangan mag-sinungaling. =___=
"Hm. Kamusta ang Kuya Sander?" Tanong niya mukhang malungkot siya na nag-aalala.
"Nagpapahinga siya. May mga galos siya ng ma-confine dito."Sabi ko rito. Nakita ko namang gumaan ang pakiramdam niya.
"Haay~ Alam mo kung nandito lang si Kuya Scott nabatukan na niya si Kuya Sander. Kahit na kambal sila magkaibang- magkaiba sila. Si Kuya Sander sabi ng mga magulang namin black sheep ng pamilya. Rebelde sabi nila.. Si Kuya Scott naman Perfect son. Mabait at Matalino. Talagang magkaibang magkaiba sila. Nakakatuwa nga dahil kahit na ganun magkasundong magkasundo sila.." Pag-oopen up ni Carissa saakin.
Bigl namang pumasok sa isip ko ang kapatid ko. I mean my half sister.
"Alam mo.. Ang swerte mo.. May mga Kuya ka na mahal na mahal ka.. Yung kapatid ko.. Ang hirap niyang makasundo. SOBRA~!" Sabi ko saka sumandal sa sandalan ng bench saka inis-spread ang left arm ko sa may sandalan.. Yung parang naka-akbay ako sakanya. Nai-imagine niyo ba?
Napatingin naman siya agad saakin. "Ha? Pano mo naman nasabi? Saka may kapatid ka pala?" Tanong niya.
"Oo. Babae. Si Jebby. Anak ni Dad sa asawa niya ngayon." Sabi ko sakanya.
[Sa story lang po may kapatid si Luhan. ^____^ Hiwalay po kasi parents niya and nag-asawa ang Dad niya ng Pinay.]
"Ah. Bakit naman mahirap siyang makasundo?" Tanong niya saakin.
"Maingay siya at Clingy. Masyado siyang bilib saakin."
Tumawa siya ng mahina saka tumingin saakin. Ang cute niya.
"Alam mo.. Intindihin mo na lang yung kapatid mo.. Gusto ka lang niya maging close kayo.. Ganyan na ganyan din ako kay Kuya Scott eh."
"Sige. Sabi mo eh." Nginitian ko siya. First advice niya saakin ito. Whoo~! Ang saya ko naman! ^___^
Carissa's POV
"Gutom ka na ba?" Tanong niya saakin at inalalayan paupo sa wheelchair.
"Hmm. Di pa naman." Pagkaupo ko tinulak niya agad yung chair.
Habang lumalakad kami kinukwentuhan niya ako tungkol sa mga kaibigan niya. Kung paano sila naging magkaibigan at kung ano yung mga nakakatawang karanasan nila. Sobrang nakakatuwa nung mga bata pa sila.. Naglalaro daw sila ng pang batang-basketball ng mahubaran daw si Chen nung ititira niya na yung bola. Nakakatuwa.
Pinagtitinginan naman kami ng mga tao sa ospital kasi sa sobrang tawanan namin. Yung iba nagwa-gwapuhan sakanya pero sorry na lang sila dahil akin lang ang lalaking ito. :">
Actually, kanina pa ako kinikilig sa mga pinapakitang actions ni Luhan. Kung hindi lang ako assumera inassume ko na na mahal niya ako o may gusto siya saakin.
Nakakapagtaka nga lang bakit niya yun pinapakita? Hindi kaya naaawa lang siya saakin?
Baka nga naawa lang siya saka hindi naman talaga siya saakin. Hay. :'( Ang hirap pala pag di ka mahal ng lalaking mahal mo.
***
A/N: Wii. Another Update! Talagang masaya lang ako ngayon kaya nag-update ako. Hihihi. :"> Dedicated nga pala sakanya itech dahil pinasaya niya ako. :) Thanks!
Anyway, Basahin niyo rin yung other stories ko. Yung One Shot story ko & yung on going story ko din na My Bestfriend's Stepbrother. Sa mga Kathniel Fans dyan! Basahin niyo please?

BINABASA MO ANG
My Bad Boy [On-Going]
FanficFanfiction||Humor||Romance|| What does it feel like to be inlove with a Bad Boy? //Book Cover : @RaineDane