Chapter Twenty Three ~ Prank Call

4 2 0
                                    

Carissa's POV

Tatlong araw na ang nakalilipas ng dumating ang nakababatang kapatid ni Sehun. Nadagdagan ang barkada namin at lalong-lalo na ang Girl Power sa grupo. Mas na-motivate kaming i-bully ang boys dahil kay Eun Soo.

Ayaw niya kasing tinatawag siya sa english name niya. Mad gusto nyang tinatawag sa Korean name niya. Dahil noong nasa States daw siya ay kapangalan niya ang kaaway niya doon. Kaya sinumpa na niya ang pangalang Danica.

Nasa bahay kami at nag-aayos ng salas dahil darating si Eun Soo dito para makipag-bonding saamin. Balak kasi namin mag movie marathon at mag sleep over sa bahay. Niyaya namin si Eun Soo para pa-welcome party namin sakanyang girls. Si Mary ay nasa harap ng flat screen TV at namimili ng movies na papanoorin namin. Si Angelica naman ay inaayos ang sofa bed at mga unan na gagamitin namin sa sleep over. Ako naman ang bahala sa kakainin namin habang manonood. At dahil dakilang chef ako ngayong araw. I made a lot of food for us! Talagang sinarapan ko ang luto dahil na rin sa may bisita kami mamaya. I cooked my specialty menu for lunch! I'm also planning to make pizza, fries and popcorn for our snacks later. Nag mix din ako ng cocktail drink for later dahil talagang magwawalwal kami dito.

"Loves! I'm hungry!" Rinig kong sabi ni Mary at pumasok sa kusina.

"Tapos na ako mag-prepare. Yung pizza at fries nilagay ko muna sa fridge at mamaya ko na lulutuin. Call Ange so we can eat our lunch." I told her. Sinunod naman niya ako at silang dalawa ni Ange ang nag-ayos ng dining table. After putting the food on a casserole, I immediately placed it in the middle of the table. Umupo na rin ako at nag-pray kami. We started eating our lunch while talking about the things we will do later.

"I have an idea!" Biglang sabi ni Ange. Kaya napatingin kami sakanya. "Let's start prank calling the boys later!"

Agad namang sumang-ayon si Mary. "Sige! Masaya 'yon! I'll buy a new sim outside later. May tindahan naman malapit sa bahay."

Natawa ako sa pwede naming gawin mamaya dahil paniguradong masaya 'yon. I texted Eun Soo about what we're going to do later. Agad naman siyang nag reply at sinabing game siya sa mga gagawin namin. She even suggest who to call first at kung anong scenario. Pinakita ko ang text niya sa girls. They all agreed to her plan.

"Siya talaga ang uunahin nating i-prank call?" Tanong ni Mary.

I nod. "You know how much Eun Soo wanted to tease him. Paniguradong magiging masaya 'to. Don't you think?" Tanong ko kay Mary.

She sighed. "Natatakot lang ako baka kasi magalit siya. Lalo na sa scenario na gagawin natin."

"Duh! Bakit ka matatakot don? Kahit ganon ang itsura non alam nating lahat na softy 'yon!" Sabi ni Ange.

"Well, you're right about that." Mary shrugged it off and started eating. "Let's eat fast so we can start our little game." She sang the last two words.

--

Matapos kumain at hugasan ang mga pinagkainan ay pumunta na kami ni Ange sa sala para ayusin ang dapat ayusin. Mary went out of the house to buy a new sim that we're going to use later.

Sakto naman na tapos ko nang lutuin ang pizza at fries nang dumating si Mary kasama si Eun Soo. She saw her walking outside kaya naman nagsabay na sila.

Agad kaming umupo sa sofa at isinalang cellphone na gagamitin namin para sa prank. Phone ni Ange ang gamit namin at isinalpak doon ang bagong sim na bili ni Mary. After that we dialed Kris' number. Yes, you read it right! We are going to prank call the most notorious gangster in the Philippines.

Si Eun Soo ang naka-isip ng scenario. Gumawa pa siya ng script para saakin. Kunwari daw ay ako si Spring Gregory at nakitawag sa pinsan kong si Summer dahil nasira ang phone ko. I asked her who the hell is Spring and she told us that Spring is Kris' ex girlfriend. We were shocked by her news! Nagkaroon pala ng girlfriend si Kris. Bago namin itinuloy ang gagawin naming prank ay nagkwentuhan muna kami about kay Kris. Mahal pa daw kasi ni Kris ang ex niya hanggang ngayon. He can't seem to move on from her. Sa lahat daw kasi ng babaeng dumating sa buhay ni Kris, si Spring daw ang nakapag-pabago sakanya. Ginagawa namin ang chikahan habang naglalaro ng UNO. At kung sino ang matalo doon ay siya ang mangtri-trip kay Kris...



And unfortunately, that's me. I hate UNO cards. Ako lagi ang natatalo.

Inilagay ko ang phone sa tenga ko para simulan na ang prank. When I heard the first ring, parang gusto ko ng ibigay agad kay Eun Soo ang phone. I am so nervous! Baka ulanin ako ng mura at banta ni Kris!

Limang beses pang nag ring ang phone pero hindi parin sumasagot si Kris. Hanggang sa umabot na ito ng pang-pito at wala parin. Ang narinig ko na lang ay ang hudyat na in-end call niya ang tawag ko.

"He hang up on me!" I said.


Our first prank call mission is failed!

---
A/N: Hi darlings! Don't forget to Vote, Comment, and be a Fan! 😘 I just finished reading the update of Ms. CeCeLib and Ms. Cher. 😍 If you happen to know them message me! I'd like to meet my co-fangirl or fanboy. 😊

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 27, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Bad Boy [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon