Chapter Fourteen~ Is this what you called LOVE? ★

62 8 1
                                    

Sander‘s POV

Nakarating ako sa ospital na may galos. Nagtuos kami ni Drake pero nakatakas siya ng may tama ng baril sa kanang paa. Pinagbigyan ko na.. Kaibigan ko parin siya pero pag ginalaw niya ulit ang kapatid ko I'll make sure na ako ang papatay sakanya.

May benda ako sa ulo at may mga band-aid din sa mukha. Tahimik lang kami at tinitignan si Carissa sa kama. Hinihintay namin siyang gumising. Alam ko na rin ang tungkol sa drug na tumurok sakanya. Ang XX Endo Life. Inexplain saakin ni Kris kung ano iyon. Kaya sobra ang panghihinayang ko.

Isa siyang drug na kapag naturukan ka ay pwede kang ikontrol gamit ang isang device ng mismong nagturok saiyo noon at kung tapos na siya na gamitin kang mapaminsala ay pwede niyang iutos na patayin ang sarili mo. Posibleng yun ang mangyari. Kaya natatakot ako para sa kapatid ko.

Nakita ko na gumalaw ang daliri niya. Pagising na siya.

"Nasaan ako?"Mahinang sabi niya.

Tinignan niya kami isa-isa.

Humagulgol naman si Chen at Xiumin.

"Hindi na niya tayo kilala! May amnesia na siya! Huhuhu!" Sabi ni Chen habang umiiyak. Nabatukan tuloy siya ng wala sa oras ni Luhan.

"Princess? Si Kuya Sander ito. Ayos na ba pakiramdam mo? May masakit ba sayo?" Pag-aalala ko. Nakita kong napatulala siya sandali saka humagulgol.

Naalala niya yung nangyari sakanya. Sabi rin ng doctor na maaring mashocked siya at mag karoon ng trauma.

"Kuya *sob* .. Kuya.. Im scared.. Im scared.." She said between her sobs.

"I‘m here princess. Don’t be scared.. Nandito ako... Kami.. We‘ll protect you.."Naramdaman kong kumalma siya at humiga ulit..

"Thank you Kuya.. Thank you sa inyong lahat. Thank you rin Luhan.." Nginitian niya kami lahat. Saka may narinig kami na nagpatawa saamin kahit papaano..

*Ggggrrrrk* -tunog ng tyan ni Carissa.

Napangiti kami yung iba tumawa ng mahina.

"Eto Sissy oh. Chocolate Chips. Dark Chocolate ginamit namin diyan." Binigay ni Mary kay Carissa ang isang tupperware.

"Thank you sis."Sabi ni Carissa. "You two. Come here." Tinuro niya yung dalawa niyang bff at niyakap silang dalawa.

Nagkwentuhan lang kami lahat tinanong din niya kung anong nangyari saakin. Sabi ko nagsinungaling ako. Nabugbog ako ng mga kumidnap sakanya.

I'll protect her. Kahit na ikamatay ko pa.

Luhan's POV

Matapos ang kwentuhan umabot na ng gabi. Sabay na umuwi yung ibang boys at girls dalawa sa boys ay doon muna matutulig sa bahay ng girls para bantayan. Pinagpahinga na si Sander. Kaming dalawa ni Lay ang nagbabantay kay Carissa. Mahimbing ang tulog niya ngayon. Ang sarap niyang pagmasdan.

Inayos ko yung blanket niya at unan.

"Luhan Ge. Iba na yan ah.." Biglang sabi ni Lay.

I looked at him with confused expression.

"Bakit ka ngumiti habang tinitignan si Carissa?" Tanong niya.

Ngumingiti? Oo ngumingiti nga ako. ^___^ At sa tingin ko hindi na ko mahihiyang aminin yun.

"Ano ba ibig sabihin nun?" Tanong ko kay Lay.

Nagkamot siya ng batok saka ngumiti na parang awkward. "Di ko alam eh. Ano ba nararamdaman mo pag kasama mo siya?"

Umupo ako katabi ni Lay. "Pagkasama ko siya tumitibok ng mabilis yung puso ko. Pag may kasama siyang iba parang tinutusok ng maraming kutsilyo ang puso ko. Pag nakikita ko siyang malungkot gusto ko ako yung nagpapasaya sakanya. Gusto ko siyang laging nakangiti kasi maganda siya pag ganun.."

I heard Lay chuckled beside me. "Your inlove. Inlove ka sakanya." Sabi ni Lay. "Pero Luhan Ge. Wag kang mag-stick sa sinabi ko. Ikaw mismo ang makakaalam ng nararamdaman mo.." Sabi ni Lay saka tumayo sa pagkaka-upo at dumiretso palabas.

"Punta lang ako sa fast food. Gutom ako eh. May gusto ka bang ipabili?" Sabi niya saka hinawakan yung tyan niya.

I smiled at him. "Burger, Fries at Large Coke."

He nodded saka umalis na ng kwarto.

First time kong nakausap si Lay ng matino. Hahaha. Tinignan ko naman ang mahimbing na natutulog na si Carissa hinawakan ko ang kamay niya.

"Mahal na nga ba kita?" Tanong ko sa sarili ko. Hinalikan ko yung noo niya.

Promise.. Aalamin ko yung nararamdaman ko para sayo.. Pag nalaman ko na talaga kung ano yun... Sasabihin ko sayo..

Lay's POV

First time ba? Hahaha. [fake laugh]

Umalis na ko ng kwarto para bigyan si Luhan na mag-isip.

Naalala ko tuloy yung nasa rooftop kami ni Carissa at masayang nagkwekwentuhan.. Yung time na narandaman kong gusto ko na siya..

Masakit na i-give up si Carissa. Pero okay lang.. That time na sinabi niyang she likes me.. Feeling ko ako na yung pinaka masayang tao sa buong mundo. Pero ng makita kong magreact si Luhan.. Inisip ko na.. na may feelings siya para kay Carissa pero indenial pa siya.. Halata naman sa kilos niya eh.. Nakikita ko rin na may gusto si Carissa sakanya. The way she looks at him.. The way she talks.. Madaling basahin ang mga tao. She's like an open book.

Kahit na may usapan kami dati na kapag nagkagusto kami sa iisang babae noon.. Sabi niya. I will give her up for you.. Basta pasayahin mo siya.“ Alam kong hindi niya yun gagawin.. Napaisip ako dati na paano kung hindi siya sasaya saakin at sayo siya masaya.. Ako ang mismong lalayo at ipapaubaya siya sayo.. Nasabi lang namin yun kasi hindi pa namin naranasan.. Pero ngayon naranasan na namin..

Kaya.. Oras ko na para layuan siya.. Maging masaya sana kayo..

******

A/N: Omygee! ToT May lihim na palang pagtingin si Lay kay Carissa. Aish! Susuko na si Lay.

My Bad Boy [On-Going]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon