Vote & Comment my dear readers. ^____^
***
Carissa's POV
Nagising ako sa isang madilim na kwarto. May ilaw na nakatutok sakin na animo ay isang spotlight. Naka-upo ako sa isang upuan at nakagapos ang mga kamay at paa. Tinakpan din nila ang bibig ko nang isang panyo. Tapos may tatlong armadong lalaki ang nakapalibot saakin. Nakaramdam ako ng takot. Sa tanang buhay ko wala pang gumagawa ng ganito saakin.
"Boss. Gising na siya.." Sabi ng isang armadong lalaki.
Nakarinig naman ako ng mga yabag ng paa papalapit saakin. Hindi ko siya mamukhaan basta isang figure ng lalaki ang nakikita ko. Kasi dahil sa kakapiglas ko nahulog ang salamin ko.
"Gising na pala ang mahal na prinsesa." Nang makalapit ang mukha niya saka ko siya nakilala..
Si Austin Drake Velasco.. Ang lalaking sobrang galit kay Kuya Sander.
Tinangal niya ang panyo sa bibig ko.
"Anong kailangan mo sakin?!" Sigaw ko sakanya. Halata mo sa boses ko ang takot.
"Hahaha! Wag kang maingay!" Sigaw nito saakin pabalik. Nababaliw na siya.. Nakikita ko sa mga mata niya..
"Kailangan kita para patayin ang kapatid mo! Wanna know why? Because she's the reason why Trisha got killed! Pintay niya si Trisha!"He laughed like a lunatic. Matagal ng patay si Ate Trisha at dahil yun sakanya hindi dahil kay Kuya. Pinatay niya ang sarili niyang kaibigan.
Magkaibigan si Kuya Sander, Trisha at si Drake sa States. Wala akong karapatang magkwento dahil it's not my story to tell.
"Wala na si Ate Trisha! Wala na siya!" Sigaw ko sakanya.
Natatakot ako para sa buhay ko. Paano kung.. Paano kung mamatay si Kuya tapos ako? Paano na si Mommy? Si Daddy? Si Kuya Scott? Si Mary at Angelica? Lahat ng nakilala ko? Paano na si Luhan?
Oo inaamin ko. I like Luhan. Iba siya sa lahat ng mga lalaki na nakilala ko. That day na sinabi kong gusto ko si Lay? Alam ko na nasa likod sila noong panahon na iyon. Ayokong sabihin sakanila na gusto ko siya. Baka... Baka ireject niya ako... Alam ko naman na umpisa pa lang wala siyang feelings para saakin. Na baka ako lang yung may feelings para sakanya.
Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sakanya.
"Nagsisinungaling ka! Hindi pa siya patay!" Sabi niya saka sinampal niya akong muli sa kaliwang pisngi.
Tinignan ko siya kahit na masakit na ang mga pisngi ko at blurr na ang paningin ko. Nararamdaman ko rin na malapit ng pumatak ang luha ko.
"Bakit ba hindi mo matanggap?! Ikaw ang may kasalanan kung balit namatay si Ate! And most importantly hindi inagaw ni Kuya sayo si At-" Sinuntok niya ako at pumutok ang labi ko. Dun ko na naramdaman ang pagpatak ng luha ko.
"Wala ng patutunguhan pa ang usapan na ito." Calmed na yung sabi niya. "Ikulong na siya." Sabi ni Drake sa mga armadong lalaki. Bago nila kinalas ang pagkakatali saakin ay tinurukan nila ako sa may leeg. Hindi ko alam pero biglang nanlambot ang katawan ko at naliliyo ako
Pag gising ko nasa isang kwarto ako. Nakaramdam ako ng takot. May malaking kama at malinis. Hindi imposibleng gawin niya yoon saakin. Baka i-rape niya ako. Sunod sunod na ang pagtulo ng luha ko.
Kailangan kong makalabas sa kwartong ito. O di kaya at makahanap ng matulis na bagay. Para maprotektahan ang sarili ko. Kinapa ko ang bulsa ko. Wala ang cellphone ko paano ako hihingi ng tulong. Di bale, naka-open naman ang gps ng cellphone ko.
BINABASA MO ANG
My Bad Boy [On-Going]
Hayran KurguFanfiction||Humor||Romance|| What does it feel like to be inlove with a Bad Boy? //Book Cover : @RaineDane
![My Bad Boy [On-Going]](https://img.wattpad.com/cover/11943640-64-k570939.jpg)