chapter 8

4.2K 140 0
                                    

Moira's POV

Pasempli akong sumabay sa paglalakad si Maxine na mabagal na naglalakad sa side walk. Nagtataka kase ako kung bakit may malakas na pwersang nakabalot sa katawan niya. Napatingin ako sa wrist niyang nababalutan ng panyo.

"Ma'am Robert" gulat man ay nakangiting ika niya

"Hello" nahawa ako sa tamis ng ngiti niya kaya napangiti na rin ako

"Dito rin po ba ang daan pauwi sa bahay niyo" magalang na tanong niya

"Ah oo—" sinambilat ko siya sa braso pagilid nang may lalaking nagbebesiklita na balak yatang banggain si Maxine.

Napaangil ako ng mahina ng maamo ko ang masangsang na amoy ng lalaki, naniningkit ang matang sinusundan ko siya ng tingin palayo.

Marahas na nilingon ko si Maxine ng napapijsi siya dahilan para nabitawan ko ang braso niya.

"A—ang lamig kase ng kamay mo ma'am" nahihiyang wika niya

"Ah na takot lang ako dahil muntik ka ng mabangga nung lalaki" kaila ko

Ngumiti siya at nagpatuloy sa paglalakad, sumabay uli ako sakanya.

"Sige po ma'am, dito na po—" hinawakan ko siya sa kamay. Napapikit ako at ipinilig ang ulo ng naramdaman at naamoy ko uli ang masamgsang naamoy.

Hinila ko siya at inilugay sa likuran ko ng makita ang dalawang half blood na nakaabang kay Maxine papunta sa bahay nila.

"M—may problema po ba?" Tanong niya, umatras ako nang magsimulang maglakad palapit ang dalawa saamin. Hinawakan ko ang baywang ni Maxine kahit nasa likod siya.
-----------------------

Lucas's POV

Paaandarin ko sana ang kotse ko ng kumislap ang mata ng ahas na singsing sa kamay ko. Agad sumiklab ang galit sa puso ko. Lumabas ako ng kotse at inilibot ang tingin sa paligid. Nang masigurong walang taong nakakita saakin ay parang hangin na umalis ako ng lugar na yun. Hindi naman ako mahuhuli o mahihirapang tuntunin ang lokasyon ni Maxine dahil ang ahas mismo ang magtuturo kung nasaan ang mate niya.

"Cover her face" mahinang utos ko kay Moira na tanging siya lang ang makakarinig. Mabilis naman niyang tinakpan ang mata ni Maxine.

Malakas na umangil ako at sinalubong ang isa sa half blood na pasugod kela Maxine. Hinaklit ko siya sa leeg at nakalabas ang pangil na isinandal ko siya pader na agad nahati sa gitna, umangil din siya saakin.

May humila saakin at inihagis ako palayo, sa lakas ng impak ng pagkakahagis ko ay tumama ang katawan ko sa posted na halos matumba na

Sa isang iglap lang  ay sakal sakal ko na ang isa sa half blood. Hindi na ako nagulat ng biglang sumulpot si Diego at kinagat sa leeg ang isa. Mahigpit na pinilipit ko ang leeg ng lalaki at unti unting humihiwalay ang ulo niya sa katawan niya.

I growled and let go of him, hinawakan naman siya ni Diego. Gamit ang pangil ay Kinagat ko ang palapulsuhan ko at. Pilit namang pinapanganga siya ni Diego na katulad ko ay pulang pula na ang mata.. Pilit namang itinitikom ng lalaki ang bibig pero mahigpit na hinawakan ni Diego ang panga niya

"Drink" angil ko at itinapat ang kamay ko sa bibig niya. Tumutulo na kase ang dugo sa kinagatan kong palapulsuhan ko.

Umubo ang lalaki ng lumayo ako at bitawan siya ni Lucas.

"You only have 1 hour to bring my message to your master" matalim na wika ko

Nahihirapang tumayo siya at parang kidlat na nawala siya sa paningin namin.

Bumalik sa normal ang katawan namin ng humupa ang nagbabagang galit sa dibdib namin.

Nilingon ko si Maxine na tinatakpan ni Moira ang mata. Nilapitan ko sila at pahablot na inabot si Maxine at mahigpit na niyakap ko siya.

"Eh—" bulalas niya at napakapit sa baywang ko

"Are you okay?" Nag aalalang tanong ko at ininspeksyon ang katawan niya kung may sugat o nasaktan sa katawan niya. Nagtatakang hinawakan niya ang kamay ko.

"Sir Lucas" sambit niya

"She's okay! You're just on time" saad ni Moira at humalukipkip. Pinaghugpong ko ang kamay namin ni Maxine

"Simula ngayon sa bahay ko na ikaw tumira" seryosong saad ko

Literal na nalaglag ang panga nilang tatlo

"S—sa bahay mo po sir" nauutal na sambit niya.

Napalingon ako kay Diego nang batuhin niya ang CCTV camera.

"Shit" I cussed

"Don't worry, I had taken care of that thing" narinig Kong sambit ni Moira sa isipan niya

Lahat naman kami ay may iba ibang kakayahan. Si Moira ay kaya niyang patigilin ang oras ng isang oras. Si Diego naman ay kayang balikan sa isang kisap mata ang nakaraan at tignan ang nangyayari pa lang sa kasalukuyan.

At ako naman ay kayang makabasa ng saloobin at iniisip ng tao. Kaya ko rin silang kausapin gamit lang ang isip ko. Ako rin ang pinaka mabilis ang galaw sa lahat. At ang isa sa kinatatakutan nila ay ang dugo ko, sa mga bampira kase ay lason ang dugo ko. Once na pinainom ko sa kanila ang dugo ko ay unti unting susunugin ng dugo ko ang lamang loob nila hanggang tuluyan na silang maging abo.

Yun ang pinagkaiba ko sa lahat. Ang pagiging golden blood ko.

Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon