chapter 18

3.6K 95 0
                                    

Lucas's POV

Walang kahirap hirap na sumampa ako sa mataas na bakod ng building na sinasabi ni Diego.

Tumalon ako at inilibot ang tingin sa paligid. Sa isang kisap mata ay nasa ikatlong palapag na ako. Sumilip ako kung saan nagmumula ang ingay.

"Kung pipiliin mong umanib kay lord Felix ay hahayaan ka naming mabuhay" narinig kong bigkas ng isang lalaki.

Sinilip ko si Diego na hawak hawak ng dalawang lalaki. Sa isang iglap lang ay nakapasok ako sa loob at sinipa ang isa sa kanila na lumipad patungo sa basag na bintana at nahulog sa baba.

Kumilos naman agad si Diego at binigyan ng uppercut ang isang nakahawak sa kanya na humagis naman sa ere.

"Nagpahuli ka sa kanila dahil nag babaka sakali kang sa hide out nila Felix ka dadalhin ng tatlong to" kastigo ko sa kanya.

"Nope! Kase nakita ko na buhay pa ang kapatid ni Maxine at hawak ni Felix. Kung—"

Agad Kong sinalubong ang isang half blood na pasugod saamin at ibinaon ang kamay ko sa dibdib niya. Mariing pinisil ko ang puso niya na unti unting nababasag. Sa mismong kamay ko ay naging abo ang lalaki.

"Saan ba kumuha si Felix ng alagad niya at puro sila mahihina?" Tanong ko.

Hindi ko siya hinarap pero ginalaw galaw ko ang ulo ko bago malakas na umangil at dinaluhong ko siya.

Nagpambuno kaming dalawa hanggang sa pareho naming masakal ang isat isa.

"Felix, Felix, Felix" paangil na turan ko

Nakangisi naman siya pero agad bumalasik ang mukha niya at itinulak ako ng pagkalakas lakas,   tumama ang katawan ko sa pader. Umayos ako ng tayo at pasulyap sulyap sa isang batong kabaong na nasa sulok.

'Damn you Diego. Wake up!! Hindi ito ang oras para matulog at magpahinga ka diyan' asik ko sa isipan ni Diego

Nilingon din ni Felix ang kabaong at humalakhak ng malakas.

"Brilliant Lucas or should I say—" yumuko siya. "Hír Lucas, the one and only Prince of Havilland" he mockingly hissed.

Susugurin ko sana siya pero tinaas niya ang kamay na pinapahinto ako.

"Ah kung hindi lang sana ako tinanggihan ng kapatid mo. Madali kong maaagaw ang trono. Pero dahil sa lintik na inang halea na yan nalaman niya ang plano ko pagkaalis mo ng Havilland. Napakasaya ko nga at nakuha ko rin palang linlangin ang isang katulad mo na nakakabasa ng iniisip namin."

"Hindi mo ako nalinlang Felix, sadyang tinanggap ko lang ang tulong mo noon para matakasan ang kasal. At makaalis ng Havilland" malamig na turan ko

Saglit siyang natigilan pero agad namang ngumisi

"Magagawa ko sana ang balak ko kung Hindi dahil sa propeseya" mabangis na wika niya

"Anong alam mo sa propeseya?" Galit na angil ko

"Hindi ba nila sinabi sayo? Pasensya na pero wala akong balak na sabihin sayo" nakangising saad niya. "Hanggang sa muli nating pagkikita" nakakalokong yumuko pa siya bago tumalon sa bintana.

Hindi ko na siya sinundan dahil kailangan ko pang gisingin si Diego.

Isa iyon sa kahinaan namin, oras na sa malamig na kabaong kami nahiga ay mahimbing ang tulog namin at aabutin ng isang taon.

Mabilis na nilapitan ko ang kabaong at sinipa iyon at naalis ang takip.

Umuklo ako at tinignan si Diego na mahimbing na natutulog. How could this guy so comfortable lying on this coffin when he is in danger. Niyugyog ko siya

"Wake up!" Angil ko pero Hindi man lang ito gumalaw.

"Get up idiot, o ipaiinum ko sayo ang dugo ko tignan lang natin kung Hindi ka pa babalikwas diyan" banta ko.

Agad naman siyang nagmulat ng mata at napaupo. Tumingala siya saakin at napakamot sa batok.

"Tumayo ka na diyan. Hindi ko na tuloy nasundan si Felix—"
------------------------------

Diego's POV

"I know your hiding something Lord Lucas" putol ko sa sinasabi niya. Tumayo ako at lumabas ng kabaong. Matiim ko siyang tinitigan.

"Ano naman ang ililihim ko sa inyo" takang tanong niya

"Katawan ni Felix, at gayundin ang kakayahan niya ang nakasalumha natin ngayon but I know Hindi siya si Felix. Someone entered in his body"  wika ko

"What? Your funny kung alam Kong Hindi siya si Felix di sana sinabi ko" salubong ang kilay na wika niya

"Hindi mo ako gugustuhing piliting tignan ang nangyari sa nakaraan hír Lucas" Mariing turan ko

"You won't do that!" Madilim ang mukhang bigkas niya

"Try me!??" Hamon ko

Tinaas din niya ang noo at nakipagtitigan saakin. Hindi ako sumuko at hinamon ko pa siya ng titigan.

"I'm not hiding something Diego. Alam mong siya ang tumulong saakin noon at hindi ko inilihim yun sayo." Kalmang Wika niya

"Alam na alam ko yan hír Lucas. But you can't fool me. Tell me, Hindi si Felix ang nasa katawan niya hindi ba" kumuyom ang kamao ko

"He is Felix, bakit mo ba pinagpipilitang Hindi siya si Felix" singhal niya saakin

"Dahil may napansin ako sakanya na kilalang kilala ko kung sino" mababa ang boses na wika ko

"Nagkakamali ka Diego. Sabi niyo nga he can deceive and fool anyone else but not me" paalala niya saakin..

Hindi pa rin ako kumbisido sa naging sagot niya pero tumahimik na ako at tumango. I'll find out myself kung may itinatago nga si Lucas saakin.

………

Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon