Lucas's POV
"Cleopatra is the first woman who rulled the Egypt. Sa tulong ni Julius Caesar ay siya ang ka una unahang naging reyna ng Egypt na namuno sa kanila. Nang ideklara ni Julius Caesar ang pagiging reyna niya ay bilang paggalang yumuko at lumuhod ang makasaysayang bayani na si Julius Caesar -"Tumigil ako ng may nag taas ng kamay.
"Sir paano po ba nagkakilala sina Julius Caesar at Cleopatra" tanong ni Maxine
"Sa pagbisita ni Julius Caesar sa Egypt. Binalot ni Cleopatra ang sarili niya sa isang carpet at inutusan ang isa sa kawal niya na dalhin siya bilang regalo kay Julius Caesar. Nang ipagulong ni Caesar ang carpet ay lumabas doon si Cleopatra. Doon ang una nilang pagkikita at pagkakakilala" tugon ko
"Nakaka kilig naman ang ginawa ni Cleopatra" komento ni ara
"Pero sir, ano po ba ang relasyon ng dalawa?" Follow up question ni Maxine
"They're lovers" sagot ko at inayos ang gamit ko ng mag bell
"We'll continue the discussion next meeting" wika ko
Umungol ang iba bilang protesta pero Hindi ko sila pinansin
"Good bye sir" paalam nila
Tinanguan ko sila at naglakad palabas ng room.
Malapit na ako sa office ko ng humahangos na tinawag ako ni Maxine
"Sir sandali lang po" pigil niya saakin
Tumigil ako at malamig na tinignan ko siya
"Yes" tipid na saad ko
"Naiwan niyo po" inistretch niya ang kamay at nakita ko ang hawak niyang nakatuping papel. Nang abutin ko yun ay di sinasadyang nagdaiti ang balat namin. Nakita ko ang gulat sa mukha niya at bahagyang pag awang ng bibig niya.
Mariing pumikit ako para itago ang pag iba ng kulay ng mata ko. Hinablot ko ang papel at embis na tumuloy sa loob ng faculty room ay daan palabas ang tinahak ko.
Pilit Kong kinakalma ang sarili ko pagpasok ko sa kotse ko.
"Darn" mahinang mura ko. Naaakit ako sa bango ng dugo niya. And her skin is too warm na para akong napapaso.
Tinignan ko ang itsura ko sa reviewer mirror. Hindi pa rin bumabalik sa normal ang kulay ng mata ko. Nang kumalma ang katawan ko at humupa ang pakiramdam ko ay unti unting bumalik ang kulay ng mata ko.
--------------------------------Maxine's POV
Niyuko ko ang kamay ko na kanina pa nanginginig ng magdaiti ang balat namin ni sir Lucas. His skin are cold as ice. Hindi ko rin alam Kong namamalikmata ako nang makita ang pagdilim ng itsura niya bago nagmamadaling iniwan ako.
"Miss Santillan, what are you doing here?" Tanong ni sir Diego na lumabas ng faculty room
"G-good morning po sir" magalang na bati ko
"Bumalik ka na sa room ninyo, magsisimula na ang next class mo within 5 minutes" nakangiting wika niya
"Sige po Sir" agad akong tumakbo pagbalik sa room namin. Saktong pagpasok ko ay sumunod naman si sir Diego na nakapaskil na ang magandang ngiti sa labi niya
Habang nagtuturo si sir Diego ay Hindi ko maiwasang ikompara siya kay sir Lucas. Gwapo at matikas silang dalawa na parang sundalo kung tumindig. Pero si sir Lucas kahit expressionless ang awra niya ay nakakaakit pa rin ang kagwapuhan niya. Pag naman tumitingin ako sa malamig na golden brown niyang mata Hindi ko maiwasang titigan yon.
At ang boses niya na kahit malamig pa sa yelo ay ang sarap pakinggan, feeling ko nga ay idinuduyan ako sa alapaap.
Tikhim ni Sir Diego ang nagpabalik sa aking katinuan, nang inilibot ko ang tingin ay nakatutok lahat saakin ang mata ng mga kaklase ko kabilang na si sir na naamuse na nakatingin saakin.
Umakyat yata lahat ng dugo sa mukha ko at alam Kong pulang pula na ang pisngi ko. Ramdam ko rin ang pag iinit ng taynga ko dahil sa pagkapahiya.
Tumaas ang sulok ng labi ni sir bago nagpatuloy sa discussion. Hiyang hiya ako kaya halos Hindi ko na naiintindihan ang tinuturo ni Sir Diego

BINABASA MO ANG
Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)
VampirIsang ordinaryong styudante si Maxine sa isang pampublikong paaralan. At sa isang katulad niyang teenager ay normal na ang magkaroon ng crush. Isa na doon si Lucas Sebastiano ang crush niya, ang history teacher nila. Laging expressionless ang awra n...