chapter 19

3.6K 96 0
                                    

Maxine's POV

Kahit pinipilit ako ni Moira hintayin ko si Lucas sa loob ng bahay ay Hindi ko siya pinakinggan. Umupo pa rin ako sa hagdan ng porch ng bahay ni Lucas at nangalumbaba.

Kinakabahan ako kung bakit madilim na ay hindi pa rin umuuwi si Lucas. Nag aalala ako sakanya, kung alam ko lang kung nasaan sila ay sinundan ko na silani sir Diego.

"Maxine, pumasok ka na." Maingat na tawag pansin saakin ni moira na lumabas uli ng bahay.

"Bakit kase wala pa sila. Paano kung may nangyari na sa kanila. Paano kung…" bumuntong hininga ako.

"Walang mangyayari sa kanila Maxine. Kilala ko ang kapatid ko. Siya ang pinaka mabilis ang galaw sa aming lahat. Aloof at takot ang mga half blood sakanya" wika ni Maxine na pinapalakas ang loob ko

"Half blood?" Ulit ko

"Ang half blood ay yung mga mababa saaming Royal blood. Mas matanda kaming mga royal blood kaysa sa kanila. Kumbaga, kapapanganak pa lang nila." Paliwanag niya

"Akala ko ay may lahi silang iba dahil half blood ang tawag niyo sa kanila" komento ko

"Sila ay mga mababang uri ng bampira na binuhay ni inang halea para maging alipin naming mga Royal blood. Pero habang tumatagal ay marami ang nagrebelde at nagtatag ng sarili nilang kaharian." Wika niya

"Inang halea? Sino naman yun?" Curious na tanong ko.

Umupo siya sa tabi ko at tumingala sa langit.

"Si inang halea ay isang diwata na pinalayas sa kaharian nila. Tinulungan siya nina ama at ina nung mapadpad siya sa lugar namin. Bilang kapalit ay biniyayaan niya kami ng regalo. To rule the entire vampire world. After a decade, gumawa nga siya ng mga half blood para maging alipin namin. They were called half blood dahil dugo ng angkan namin at dugo ng isang hayop ang pinag halo niya para sila mabuhay." Paliwanag niya

"Bakit dugo ng hayop?" Tanong ko

"Marami ka nang tinatanong kiddo. Last na yan na tanong mo ha. Dugo ng hayop ang ginamit niya dahil iyon magiging pagkakalinlan nila bilang isang mababang uri ng bampira at alipin naming mga royal blood." Sagot niya at nginitian ako.

"May isa pa akong tanong" itinaas ko ang kamay na tanging hintuturo ang nakataas.

Tumawa siya at ginulo ang buhok ko.

"Tama na muna yang tanong mo. Malapit na ang mahal mo" Biro niya.

"H—hindi ko po mahal si Lucas" defensive na saad ko

"I didn't even mention his name" tudyo niya saakin.

Nagpa pasalamat akong madilim sa pwesto ko dahil Hindi niya makikuta ang pamumula ng pisngi ko.

"Hwag kang mag alala. Your secret is safe with me" assurance niya.

"Eh, isa pa pong tanong promise po last na to." Ungot ko

"Okay!" Payag niya

"Ano po ang ibang powers ni Lucas?" Tanong ko

"Powers talaga?" Natatawang ulit niya

"Hmm?" Tumango ako

"He can read minds. Kausapin ka sa sensitibong parte ng ulo mo kahit malayo ka" sagot niya

"Nababasa po niya ang—" natutop ko ang bibig ko
"Ibig sabihin po alam niya ang saloobin ko. Atsaka paano naman niya ako kakausapin sa isipan ko kung malayo ako? Bumubuka po ang bibig niya" Tanong ko

"No. Mag co-concentrate lang siya at papasukin niya ang utak mo. Teka pangalawang tanong mo na yon. Awat na" natatawang bigkas niya. Napa labi naman ako.

Agad akong napatayo ng pumasok ang sasakyan ni sir Diego sa drumive way ng bahay.
----------------------------

Lucas's POV

Pagkababa ko ng sasakyan ay pa-talong yumakap si Maxine saakin. Naglambitin pa siya sa batok ko at humihikbi.

"Hey!" Masuyong usal ko at niyakap siya pabalik.

"Bakit po ngayon ka lang umuwi? Akala ko po may nangyari na sa inyo" suminghot siya.

I chuckled!

"Nag grocery pa kami para sa stock na pagkain mo dito sa bahay" wika ko

Na palayo siya saakin at namimilog ang mata.

"Grocery po? Ang dami pa pong stock sa ref. Paano ko po mauubos ng mag isa ang mga yun kung bumili uli kayo. Atsaka, ako lang naman po ang kumakain— teka nung nakaraan kumain sina ma'am Moira at sir Diego." Nilingon niya si Moira na nakatingin saamin

"Okay lang naman kami" wika ni Moira.

"Diego ikaw na magpasok sa loob ng mga pinamili natin" wika ko at inakay na papasok si Maxine sa loob ng bahay.

Pinaupo ko siya sa sofa at nag skwat ako sa harap niya. Kinuha ko sa bulsa ng jacket ko ang isang may kalakihang kahita.

"Ano po yan?" Takang tanong niya.

"Ito? Wrist watch" tugon ko. Kinuha ko ang kamay niya na nakabalot ng panyo. Maingat na inalis ko ang panyo at ipinalit ko ang binili kong relo
"There, yan nalang ang gamitin mong pangtakip sa tattoo mo." Wika ko

"Ang ganda po" sambit niya "pero nakakahiya po na tanggapin to. Pinatira mo nga ako dito sa bahay mo tapos pinapakain mo pa ako—"

Inilagay ko ang hintuturo ko sa labi niya

"Hwag mo nang isipin ang lahat ng yan okay?" Masuyong wika ko.

Tumango naman siya

"Good girl" saad ko.

…………

Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon