Maxine's POV
Hinihintay naming tatlo si sir Lucas na bumaba. Ihahatid daw kase talaga niya ako. Baka daw kase magduda si ate kung Hindi niya tuparin yung sinabi niya.
Pilit Kong sinupil ang ngiti ko ng bumaba sa hagdan si sir Lucas. Ang dalawa ko namang kasama na sina ma'am moira at sir Diego ay di napigilan ang sariling bumungisngis.
Nakasuot kase si sir ng over size shirt na luma at Jersey shorts. May malaki ding salamin na nakatakip sa mata niya. At nakasuot siya ng bull cap. Ang sapin naman sa paa niya ay lumang rubber shoes.
Blangko ang mukhang tumayo siya sa harapan namin.
"What's with that disguise?" Natatawang tanong ni sir Diego
"Hey! This is for my own sake, ayaw kong machismis na may relasyon kami ng styudante ko" supladong turan niya
"Eh Sir kahit naman po anong suot o disguise niyo. Halata pa ring kayo yan" singit ko.
Tinignan niya ako ng ilang sandali at kumibot kibot pa ang labi niya.
"Ugh!! Magpalit ka na kuya. Sasamahan ka naman namin" saad ni ma'am Moira.
Niyuko niya ang sarili
"Wala namang pangit sa damit ko ah, this shirt? Binili ko pa to noong taong 1950's"
Hindi ko alam kung nagbibiro lang ba siya o Hindi dahil sa expressionless na mukha niya.
"Nah!!! No need, ito na lang ang aalisin ko" umiling siya at inalis ang bull cap niya at ang salamin.
Lihim akong napangiti, lalo kase siyang naging kaakit akit sa magulong buhok niya.
"Now let's go" turan ni ma'am Moira at nauna silang lumabas ni sir Diego.
Inilahad ni sir ang kamay niya. Iginalaw niya ang ulo kaya kiming inabot ko yun.
Mag ka hawak kamay na kaming lumabas ng bahay niya. Pinag buksan niya ako ng pinto bago isinara yon at sumakay naman sa passenger seat. Nasa may manebila na kase si sir Diego. Kasama ko naman dito si ma'am Moira.
Nilingon ko siya.
"Ma'am — este Moira pala. Bakit po ang lamig ng kamay niyo ni Lucas?" Tanong ko
Sumagitsit ang gulong ng kotse nang biglang magpreno si sir Diego.
"Bakit po?" Kinakabahang tanong ko
"Ah malamig ang kamay namin kase…" umilap ang mata ni ma'am Moira
"Kase ipinanganak sila sa taglamig" si sir Diego ang sumagot.
Napakamot ako sa kilay ko,
"Eh? Ganun po ba yun?" Kunot noong usal ko
Nilingon ako si Lucas
"Kase may yelo sa katawan namin"
Hindi ko alam kung tatawa ako o magpapadyak sa inis. Pinagkakatuwaan kase nila ako. Napa labi ako ng mag high five pa ang dalawang lalaki.
"Don't mind them. Kumain kase dila ng Viagra kaya ganyan ang inaasta nila" turan ni ma'am Moira
"Did we?" Magkapanabay na tanong ng dalawa sa isat isa.
Pinaandar na uli ni Sir Diego ang sasakyan at binagtas ang kalsada papunta sa inuupahan namin ni ate.
---------------------------------Lucas's POV
Huminto ang sasakyan sa harap ng apartment nila Maxine. Bumaba na ako at pinag bukas sila ng pinto ni Moira. Na unang bumaba si Moira bago si Maxine na agad tinignan ang paligid.
"What's wrong?" I asked
"Kase sir yung ibang kapit bahay namin nakatingin saatin" wika niya.
"Moira" tawag ko sa kapatid ko.
Ngumiti naman siya at pumitik lang sa ere.
"Hwag mo na silang intindihin" wika ko at agad ko na siyang pinaharap ako sa pinto ng apartment nila. Baka kase mapansin niya na nagfreeze ang mga tao sa paligid namin.
Sinubukan niya uling lumingon ngunit pinigilan ko siya."Ate!!" Tawag niya at kumatok sa pinto.
Ilang saglit lang ay bumukas ang pinto at iniluwa nun ang kapatid niya. Nahila ko si Maxine patago sa likod ko at malakas na umangil.
"What are you doing inside of that woman's body?" Angil ko
Ngumiti ng nakakaloko si Felix at sumandal sa frame ng pinto.
"Akala ko kase magagamit ko to para makuha ko ang binibini sa likod mo pero agad mo akong nakilala" nakangising saad niya
"Sir—" nanghihilakbot na sambit ni Maxine na agad Kong nilingon. Nakatingin kase siya sa kamay kong may mahahaba nang kuko.
Humalhak ng nakakarimarim si Felix at nilisan ang katawan ng kapatid ni Maxine.
"A—ate!!!" Sigaw ni Maxine na agad dinaluhan ang kapatid.
"We have to burn her" wika ko
Marahas na nilingon ako ng luhaang si Maxine
"Burn her?? Nababaliw po ba kayo sir? Kapatid ko po ang sinasabi niyong sunugin niyo. Hindi ko po kayo papayagang gawin niyo yun" galit na sigaw niya
"Maxine —"
"Sabihin niyo po saakin? Ano at sino po ba kayo sir? Hindi ko po maikakaila na marami na po akong napapansin na kakaiba sa inyo" umiiyak man ay nakabalatay naman sa mata niya ang pagkamuhi.
"Saka ko na ipapaliwanag sayo ang lahat Maxine. Kailangan nating sunugin—"
"Hindi mo gagawin yun sa kapatid ko?" Sigaw niya
"Maxine stay away from your sister, quickly??" Mariing wika ni Moira kay Maxine na walang balak bitawan ang kapatid niya.
"No—"
Hinaklit siya ni Moira sa braso palayo sa kapatid niya na nagsimulang magkaroon ng malay.
"B—bitawan niyo ako ma'am. Kailangan ko pong gamutin ang sugat ng—… a—ate" sambit niya ng makita ang pulang mata ng kapatid niya.
"Sa tingin ko bago niya pasukin ang katawan ng inosenteng babaeng to ay ginawa na niya itong kauri natin" wika ni Diego.
Hindi ako umimik at kinuha ang lighter sa bulsa ko. Nilingon ko si Maxine na umiling iling saakin.
"Faster hír Lucas. We only have 30 minutes left bago gumalaw ang oras." Saad ni moira
Tinignan ko ang kapatid ni Maxine na matalim na nakatingin saamin. Nang sinubukan niyang dambahin ako ay inihagis ko ang lighter na sinindihan ko sa kanya. Parang yerong nalahyan ng gasolina na nagsiklab ang apoy sa katawan niya.
Unti unti na rin siyang naging abo.
"Maxine" bulalas ni moira. Pag tingin ko sa kanila ay siya namang lumungayngay ang katawan ni Maxine.
……………
BINABASA MO ANG
Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)
VampireIsang ordinaryong styudante si Maxine sa isang pampublikong paaralan. At sa isang katulad niyang teenager ay normal na ang magkaroon ng crush. Isa na doon si Lucas Sebastiano ang crush niya, ang history teacher nila. Laging expressionless ang awra n...