chapter 13

3.8K 107 0
                                    

Lucas's POV

"I don't think Maxine will accept this so easily. Kapatid niya ang sinunog at pinatay mo" wika ni Moira

"I didn't kill her" angil ko "Felix did, kung hindi ko siya sinunog gagawa siya ng magiging problema natin just in case na tuluyan siyang maging katulad natin" dugtong ko

"Yeah but, Maxine saw it all, tandaan mong siya lang ang nag iisang pamilya niya" wika ni Diego

"Hwag niyong isisi saakin ang lahat" naasar na angil ko

"Ikaw lang naman ang may kasalanan kung bakit nasali si Maxine sa buhay mo. Sino ba ang pumili ng mate mo? Hindi ba mismong dugo mo na rin" patuyang saad ni Moira

"Hey! Kahit may halong dugo ko ang nasa kanya na bracelet na yun. Hindi ko naman inutusan ang ahas na piliin niya si Maxine bilang mate ko. I just gave that to protect her" defend ko sa sarili

"Still, your the only one to blame about this" giit ni Moira

"Would you stop stressing the obviou?" Yamot at sarkastikong turan ko.

She eyed me!!

"Bakit ba naging kapatid kita?? Ang sama ng ugali mo" she yelled

"Look whose talking!! Mas masama ang ugali mo. Kung Hindi mo tinanggihan si Felix di Hindi tayo magkakaroon ng peoblema ngayon. Dapat nga ikaw ang maghandle at tumapos ng problemang to dahil ikaw ang nagtulak kay Felix para maging masama" sisi ko sakanya.

Sumeryoso ang mukha niya, inangilan niya ako at pinigilan ang sariling sugurin ako.

"What?" Hamon ko. Kahit kapatid ko siya hindi ko siya uurungan.

"Stop it you two. Hindi ito ang oras para mag away kayo. Hindi ito ang tamang oras para magsisihan kayo" Diego growled

"Things are more getting complicated this time. Please hír Lucas. Be more uptight" dugtong niya.

Tumalikod ako at umakyat sa taas. Tumataas ang temperatura ng katawan ko dahil sa kapatid Kong yun.

Felix is in love to my sister. Nang maitakda ang pag iisang dibdib namin ng kapatid ko ay si Felix ang tumulong saakin para makalabas ako ng dead tower ng walang nakakapansin. He wanted to help me because he is in love with moira, but my sister turned him down.

Akala namin ay bukal sa loob niya na tanggapin ang disisyon ni moira. He even helped me get out of Havilland and live here in human world. Pero pagkaraan lang ng ilang taon ay tumalikod na si Felix sa Havilland at umanib sa mga half blood. Ngayon nga ay siya na ang namumuno sa kanila.
----------------------------

Maxine's POV

Pagmulat ko ng mata ay agad namalisbis ang luha sa mata ko. Alam Kong Hindi lang panaginip ang lahat dahil nandito ang kirot at pighati sa puso ko.

Humagolgol ako at sumobsob sa unan ko. Ang sakit lang isipin na si Lucas mismo ang pumatay sa kapatid ko.

Napabalikwas ako ng bangon ng bumukas ang pintuan. Nakita ko si Lucas na papasok ng kwarto.

"Stop right there,!!" Agad na asik ko sakanya.

Huminto naman siya at matiim akong pinagmasdan.

"I'm sorry" wika niya

"Sorry? How could you be so calm when you killed my sister? Tell me!! What exactly are you?" Sigaw ko at pagalit na pinunasan ang luha ko

"Maxine —"

"Tell me????" Naghihisteryang sigaw ko

"If I'll tell you, do you… promise not to tell everyon" he slowly said

Itinaas ko ang noo ko at galit na tinignan ko siya.

"Unang una, I didn't kill your sister…"

Pagak akong tumawa at dinuro siya. "Really?? So ang nakita Kong pagsunog mo sakanya ay Biro lang ang lahat" tuya ko "i— I can't even give my sister a proper……" bumukig ang lalamunan ko at humikbi.

Sinubukan uli niyang lumapit saakin. Senenyasan ko lang siya.

"Kung hindi mo napansin o narinig kanina ang pag uusap namin ng Ate mo, Hindi mo malalaman na iba ang kausap ko. But I know, you still remember that I called HER Felix" madiing wika ko

"Because your just —"

"If I let your sister live, then this world will be in danger." Agap niya sa paglilitanya ko. Hindi rin niya napigilang taasan ako ng boses.

"Ikaw pa ang may ganang sigawan ako? Pinatay mo ang kapatid ko??" Sigaw ko sa mukha niya.

Frustrated na napahilamos siya sa mukha niya.

"I killed her because she's already not a human" wika niya

"How dare you tell mwme that my sister is not a human" I hissed

"Your sister turned into a…" lumambot ang mukha niya at may awang hinuli niya ang mata ko. "How could I say this" he said with a sigh

"Stop beating around the bush, and just tell me quickly" galit na turan ko

"She turned into a vampire" seryosong saad niya.

Namutla ako at napaatras ng tatlong hakbang. Napa iling iling ako at hindi makapaniwalang tinitigan ko siya.

"Y—youre just telling —"

"Maybe this would help" putol niya sa sinasabi ko.

Inalis niya ang suot na T-shirt. Nanginig ang buong kalamnan ko ng makitang ginamit niya ang mahabang kuko at sinugatan ang may bandang dibdib niya.

Pakiramdam ko ay lumipad ang kaluluwa ko sa kalawakan ng makitang tumulo ang gintong likido sa dibdib niya. Halata ring malalim ang ginawa niyang sugat doon.

Kung ganun Hindi ako namamalikmata lang noong natamaan siya ng shelves.

Nang dumako ang mata ko sa mukha niya ay pulang pula ang mata niya.

Ni Hindi ako nakaramdam ng takot, sa kaibuturan ng puso ko ay naakit ako sa mata niya na nakatingin saakin. Bumaba uli ang mata ko sa bandang dibdib niya na agad naghilom ang sugat.

"P—please just leave me for a while, I just need time to think about this" taboy ko sakanya.

Tumango siya at lumabas ng kwarto. Nanlalambot na napaupo ako sa lapag.

Ano bang ginawa Kong kasalanan at nangyayari saakin to??

Will someone answer my questions??

………

Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon