chapter 42

3.1K 78 1
                                    

Lucas's POV

Sinundan ko ng tingin ang dalawa hanggang sa mawala sila sa paningin ko. Inayos ko ang hawak kong cú at hinarap si ama.

"Kayo ama ang haharap sa kanila. I will surprise him" bigkas ko.

Tumango si ama at kasama si Alex ay lumabas sila ng kastilyo. Natigilan ako ng marinig ko ang boses ni Maxine sa hangin.

'Please live for me Lucas'

'I will' tugon ko at pumunta sa veranda kung saan tanaw ko ang grupo ni Isidoro. Humila na ako ng palindi at ipinosisyon iyon sa cú.

Lahat naman kase ng palindi na gamit ko ay nahaluan ng sarili kong dugo.

Sumilip ako sa labas at nanlilisik ang matang pinagmasdan ko si Isidoro na nasa dulo ng tulay kasama ang mga alagad niya.

"Sa nakikita ko ay wala ang pinagmamalaki ninyong prinsipe, Lucio" narinig Kong wika niya

"At sa tingin mo ay hindi kami handa kahit wala ang anak ko, Isidoro" may pang uuyam sa tinig na tugon ni ama

Isang nakakalokong halakhak ang pinakawalan ni Isidoro.

"Nalaman niyo din pala ang itinatago Kong lihim" wika niya

"Lahat ng lihim ay nabubunyag Isidoro, bakit hindi ka bumalik sa katawan mo at Hindi ang katawan ng ng iba" nanghahamong saad ni ama.

Humalakhak si Isidoro at itinutok ang baril na hawak niya kay ama.

"Shit!!!!" Mura ko,

Mabilis akong sumampa sa railings ng veranda at itinutok ang hawak Kong pana sa gawi niya.

"Ah, I like this body. Ang daming pwede Kong panggamitan" bigkas niya. Nang kakalabitin sana niya ang gatilyo ay pinakawalan ko ang palindi at tumama sa baril na hawak ni Isidoro. Tumilapon ang baril sa ere ngunit tumama naman ang palindi sa isang kasama niya na agad bumagsak.

Inilibot agad ni Isidoro ang mata sa paligid. Agad akong nagtago uli, ilang saglit lang ay narinig ko na ang kalansing ng mga nagtatamang bakal sa ibaba.

Patakbong tumalon ako sa ibaba at sinugod si Isidoro na sinasaksak ang isa sa angkan ko. Agad ko siyang binigwasan at tumilapon siya sa ere. Mabilis na tumayo siya at naningkit ang mata niya ng makita ako

"How—"

"I have been reborn" maangas na bigkas ko

Bumangis ang anyo niya at sumugod din saakin. Nagpambuno kaming dalawa, sinipa ko siya at patalong tinadyakan siya sa ere bago kami sabay na bumagsak sa lupa.

Napa angil ako ng malakas ng makitang may dalawang half blood ang nakahawak ke'la Maxine at Moira na walang Malay.

Malakas na humalakhak si Isidoro ng makita niya ang eksena.

"Si Maxine lang naman ang alam kong magpapagsak sayo" nakakalokong wika niya. Hinaklit niya ang walang Malay na si Maxine at dinilaan sa bibig.

Pabagsak namang binitawan ng isa si Moira sa lupa. Nanlisik ang mata ko ng makitang inamoy amoy niya ang buhok ni Maxine.

"Don't touch her" paangil na sigaw ko. Ngumisi si Isidoro. Sinugod ko agad siya ng makitang kakagatin niya sa leeg si Maxine. Sumadsad sa puno si Isidoro habang si Maxine ay tumilapon sa lupa.

Mabilis na isinangga ko ang kamay ko sa mukha ko ng ihagis ni Isidoro ang malaking tipak ng bato.

"Maxine" kausap ko sa isipan niya.

Dadaluhan ko sana siya ng may tumamang heringilya sa braso ko. Nginisihan ko si Isidoro na nakangisi din saakin.

"This won't work" wika ko at inalis ang heringilya sa braso ko. Nanlaki ang mata niya ng mapatingin sa likod ko.

"It can't be" usal niya.

Hindi na ako nagulat ng may mga apoy na lumipad sa ere at tamaan nun ang mga half blood.

"Felix" tawag ko kay Felix na agad binitawan ang kagat kagat niyang half blood at lumapit saakin.

"Lumabas ka ng katawan na yan" utos ko na agad naman niyang ginawa. Sinugod ko si Isidoro at hinaklit sa leeg niya, pilit siyang umiwas pero nagawa ko paring masugatan siya sa leeg.

Umangil siya at pilit nilalabanan ang pagpasok ni Felix sa sinugatan kong leeg niya. Nang unti unting naghilom ang sugat ay ngumiti si Felix.

"Salamat hír Lucas" wika ni Felix ng tuluyan niyang madaig sa mismong katawan niya si Isidoro na bumalik sa tamang katawan niya.

Paglingon ko sa gawi ni Isidoro ay siyang pag tama naman ng apoy na pinakawalan ni Maxine sa katawan niya. Malakas na sumigaw si Isidoro ng matupok ng apoy ang katawan niya at maging abo.

Mabilis na umilag si Felix sa apoy na lumipad sa ere. "She can't control her power" sigaw ni Diego na pilit na ring umiwas sa apoy na pinapakawalan ni Maxine. "Please do something, kung Hindi lahat kami ay mamamatay kung Hindi siya titigil" tuloy ni Diego.

Napapikit ako ng iniumang ko ang pana kay Maxine. Ito lang ang alam Kong tanging paraan para tumigil siya.

Nalaglag ang luha sa mata ko ng pinakawalan ko na ang palaso at tumama sa mismong dibdib niya. Nakita ko ang kirot na bumalatay sa mukha niya.

Tumutok ang mata niya saakin at matamis na ngumiti. Mabilis na nabitawan ko ang pana at sinalo si Maxine ng tuluyang nawala ang apoy sa paligid niya at nalaglag sa lupa. Nakapikit siya na may ngiti sa labi.

"Maxine" anas ko habang nakasubsob sa leeg niya habang umiiyak.

………………

A/N:: sensya na di po ako marunong mag describe ng war. :(

Prince Of Havilland (The Golden Blood)-(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon