Part 5

255 3 0
                                    


Crush ni Jungkook

Hindi ko na ulit ilingon si Jungkook sa kinaroroonan nya. medyo nawala sya sa isip ko.

Pagkatapos ng training namin kumain kami sa labas tsaka libre ni coach yun kasi reward daw nya yon sa amin dahil nanalo kami sa tune up.

Umorder na si coah ng pagkain, habang iniintay namin ang order nag laro muna kami ng truth or dare. Pagka spin ng bottle tumama kay Joshua. Nagtawanan kami then ang laro namin ay kung kanino nakatapat yung na spinan ng bottle sya ang magtatanong eh ako yung katapat ni Joshua kaya ako magtatanong sa kanya. Eto na naman inasar na naman nila Joshua.

"Truth or Dare" tanong ko sa kanya

"Truth" sabi nya habang nakangiti.

Yung mga team mates ko naman hindi mapigilan ang mag hiyawan.

"AYIEEEE ETO NAAAA" inaasar nila si Joshua tapos hampas sa balikat.

Ako ang magtatanong kay Joshua. Kaya lang ano naman itatanong ko wala akong maisip.

"Ano pwede itanong? HAHAHAHA" tumatawa ako nun tapos bigla syang nagsalita.

"Hindi mo naman kailangan magtanong kasi ako mismo magsasabi sayo" habang sinasabi nya yun tinitingnan nyako sa mata hindi ko alam kung ano gagawin ko. Ano ito?

Naghiyawan na naman ang mga team mates namin. Pati si coach nakikisali sa hiyawan nila sa amin ni Joshua.

"Ikaw" nagsasalita sya habang tumatawa

"Ikaw Jennie--"

Hindi na natapos ang sasabihin nya dahil dumating na ang order namin.

Buti na lang talaga at dumating na order namin at natigil si Joshua sa sasabihin nya.

"Oh oh ito na mga pagkain naten mamaya na yang ano nyo dyan"

Kumain na nga kami hindi ko na pinansin si Joshua, ang pumasok sa isip ko si Jungkook. Naalala ko yung nandun sya sa court kanina.

"Jennie!" tawag sa akin ni Yuki.

"Oh?"

"Wala lang HAHAHAHA"

Hindi ko alam kung anong nakain niya at nagpapansin.

"Luh? nukaya yun"

Tumawa na lang si Yuki. Kumain kami, nag kwentuhan mga team mates, nagtawanan. Pagkatapos namin kumain nag wak trip kami pauwi iisa lang naman lugar namin eh.

Nauna na yung iba umuwi. Ako yung last na uuwi pero sinabihan ako ni Joshua na ihatid nya ako sa bahay.

"Naku hindi na Josh kaya ko naman eh tsaka may bike ako"
Pero hindi sya pumayag ihahatid parin nya raw ako, hindi na ako makatanggi sa alok nya kaya pumayag na ako.

Habang naglalakad kami papunta sa bahay ko, sya ang humawak ng bike ko. Pakiramdam ko tuloy parang ginawa ko syang body guard ko.

Nang makarating na ako sa bahay. Nagpasalamat sya sakin. Gusto ko sana syang papasukin sa bahay kaso tinatamad na ako gusto ko ng matulog siguro sa sobrang pagod na din.

Pagkapasok ko sa bahay pumunta agad ako sa sala dali dali kong tinanggal ang sapatos ko pumunta ako sa kwarto ko para magpalit ng damit at dumeretso sa CR.

Pagkapatpos kung maglinis, napahiga ako sa kama. Kinuha ko ang phone ko, hindi pa sya lowbat bigla kong naaalala na hindi nga pala ako nag online buong magdamag.

Pagkabukas ko ng facebook ko bigla kong naalala yung kahapon sa paglike ko ng cover photo ni Jungkook. Pero ayos na yon kahapon pa naman yun siguro ay wala lang iyon sa kanya.

I Love You Since 2014 || JenKook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon