Part 40

150 3 0
                                    

"Grabe ang gagwapo naman ng mga basketball players na ito!" ani Jihyo na kinikilig

Nanonood kasi kami ng training ng basketball players para sa foundation day. Kasali si Jungkook doon hindi ko pinapansin ang mga sinasabi nitong mga kaibigan ko masyado silang hyper. Ako naman kay Jungkook lang naka tuon ang pansin ko. May volleyball din na laban pero hindi ako sumali.

Dumami ang mga taong nanonood sa training, pagkatapos ng physical nila. Lumapit sa akin si Jungkook, binigay ko ang tubig sa kanya pawisan na siya. Kahit pawisan sobrang gwapo niya pa rin. Kinuha ko ang towel at pinunasan ang pawis niya. Napangiti naman siya sa ginawa ko. Pagkatapos ko siyang punasan ng pawis kinuha naman niya ang tuwalya at pinunasan din ang medyo tumutulo na pawis sa akin. Grabe hindi ko namalayan pinagpapawisan na rin pala ako.

"Ay oh ang sweet!" sabi ni Sana na humahagikhik sa tawa

Naplingon ako at tumingin rin si Jungkook. "Syempre ganun talaga. Pag mahal mo ang isang tao, dapat.. inaalagaan mo" sabi ni Jungkook sa akin sabay akbay sa akin.

"Ayieeee" sabay sabay na sabi nila Sana na kinikilig pa.

"Ikaw Yuki?" tanong ni Jihyo

"Anong ako?"

Umirap si Jihyo at tumawa "I mean kayo ni Yoongi kamusta?"

"Ahh okay naman"

"Kaingit kayo! Si Jungkook kay Jennie tapos ikaw Yuki kay Yoongi? Urgh! Yung mga baby ko!! sabi ni Jihyo na ngumunguso at nakakunot ang noo. "Ikaw Sana?"

Tumaas ang kilay ni Sana.

"Baka may nanliligaw sayo sa Tatan Boys ah?" tanong ni Jihyo

"Ah-- Huh? W-w--wala ah!"

"Ows bat dika makaayos ng sagot?" humalukipkip si Jihyo

Tumawa naman si Sana "Eh ano ka ba! Sana nga may manligaw sa akin sa isang member ng Tatan Boys!" sabi ni Sana sabay nguso.

Natatawa lang talaga ako sa mga pinag sasabi nito ni Jihyo.

Tinawag na ng trainor nila ang mga players. Si Jungkook naman ay hindi pa bumabalik.

"Uy tawag na kayo" sabi ko

Tiningnan niya lang ako at nagulat sa ginawa niya nag hinalikan niya ako pero smack lang naman yun.

Bumalik na sya sa loob ng court. Ako naman naestatwa pakiramdam ko ay tumigil ang ikot ng mundo. Oh my gosh! Si Jungkook? Nag kiss sa akin? Aaaaaah.

Tinapik ako ni Yuki. Kaya napatingin ako sa kanya dun narealize na natutulala na pala ako. "Ayieee ikaw ah natulala ka pa sa halik ni Jungkook!" sabi ni Yuki

Hindi ak agad nakapag salita "Oo nga feeling nama tong di na virgin ang lips" ani Jihyo

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni Jihyo. Langyang Jihyo to mga pinag iisip!

"Hoy! mga iniisip mo ah" sabi ko kay Jihyo.

Nagtawanan kami. Nag start na ang training. Nag tune up tune up sila. Napansin kong dumarami na rin ang mga tao. Lalo na mga babae, mga babaeng sinisigaw pangalan ni Jungkook.

Kaimbyerna lang talaga! Hindi ko tuloy magawang ma cheer si Jungkook gawa mga babaeng to! Paano na kaya sa laban sa foundation day? Jusme!

"go Jungkook! I laaab yoooooo!"
"Jungkook! ang gwapo mo shet!"

Iilan pa yan sa mga naririnig ko. Kaloka mga babaeng to! Hmp! Nang maka shoot si Jungkook at score nila yun. Doon ako napatili aba wala silang pake I'm his girlfriend kaya pwede akong magwala dito sa kilig.

I Love You Since 2014 || JenKook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon