Part 37

128 3 0
                                    


Naghanda na ako, naghanap pa ako ng masusuot. Kulay violet na dress ang napili ko maayos naman tingnan yun at hindi nakakabastos.

Nag lagay na rin ako ng kaunting make up para may lights naman ang features ng mukha ko. Nag suot din ako ng sandals mga 2 inches lang yun. Nang nag vibrate ang phone ko tinignan ko ang cellphone ko at isang message galing kay Jungkook.

Jungkook:

I'm here na. Sa labas ng bahay niyo.

Hindi ko kasi sinabi kila mommy at daddy na birthday celebration ni tito Alejandro ang pupuntahan ko. Nag sinungaling ako kila dad sabi ko may date lang kami ni Jungkook. Hindi ako sanay mag sinungaling pero, alam kong hindi ako papayagan nila dad pag nalaman nilang doon ako pupunta.

Lumabas na ako ng kwarto ko. Bumaba ako sa hagdan si Jungkook naman ay nasa sala na naka upo sa sofa. Tumayo sya at sinalubong ako ng malaking ngiti. Sinuklian ko rin siya ng ngiti.

"Let's go?" aniya

"Let's  go" ngumisi ako.

"Oh ingat kayo ah" sabi ni mommy.

"Yes tita" ani Jungkook

Medyo kinakabahan ako. Sinabi na ni daddy na makipag break na ako kay Jungkook pero hindi ko ginawa tapos ito nagsinungaling ako.

Ng papunta na kami sa bahay nila Jungkook. Doon kasi gaganapin ang birthday celebration. Kinakabahan na ako, iniimagine ko kung ano ang magiging bungad sa akin doon. Si tito Alejandro kaya?

Napansin kung sa gilid ng mata ko sumulyapbsa akin si Jungkook "Hey are you okay?" aniya

Pagod ko syang nilingon tiningnan ko muna sya at nginitian. "Yeah I'm okay."

"Wag kang kabahan" aniya at hinawakan ang kamay ko

"Hindi ko kasi maiwasang hindi kabahan" sabi ko sabay kagat sa labi.

Nag usap pa kami. Kino comfort niya ako na wag akong kabahan. Think positive lang.

Nang makarating na kami sa bahay nila pinark niya iyon. Marami na ang tao tiningnan ko ang wrist watch ko it's already 6 PM. Nagsimula tuloy akong kabahan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Para tuloy ayaw ko ng bumaba sa sasakyan.

Bumaba na si Jungkook ako naman ay hindi pa. Binuksan niya ang pinto ng sasakyan niya para sa akin. Hindi ako kumibo hindi ako gumalaw ayaw ko talagang bumaba. Tumaas ang kilay niya "Hmm?" aniya

"Uhmm.... a-ano ahm a-yoko-----"

"Jen. Jungkook andyan na pala kayo" isang pamilyar na  boses ang nasa likod ni Jungkook nilingon namin ni Jungkook iyon at si Tito Alejandro! Hindi ako makaimik omg ano ibig sabihin nito? Baka mamaya galit pala ito. Sana naman ay hindi.

Nilingon ako ni Jungkook at tinaasan ako ng kilay. "Oh tara na" sabi niya habang nakangiti.

Bumaba ako sa sasakyan. Inayos ko ang damit ko, habang si tito naman ay nasa harap namin sinarado ni Jungkook ang pinto ng sasakyan. Pagkatapos niya isara ay binati niya si tito Alejandro.

"Hello Jennie" ani Tito Alejandro

Para bang may nagbara sa lalamunan ko at hindi ako agad nakapagsalita. "Uh-- hello po tito" medyo nauutal utal pa ako naglakas ako ng loob na mag mano kay tito. Nag mano ako sa kanya at ngumiti siya.

"Pasok na kayo. Magsisimula na ang party" ani tito Alejandro at umalis na sya.

Napatigin ako kay Jungkook, tumingin din siya sa akin at ngumisi. "Anong ibig sabihin non?" tanong ko

"I don't know. Siguro okay na?" aniya at nagkibit balikat "Tara na" sabi niya at nauna na siyang umalis.

"Aissh Jungkook" sabi ko. Tumigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Hays kagigil talaga toh. Lalo ka tuloy nagiging cute Mr. Jeon.

I Love You Since 2014 || JenKook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon