Part 41

152 3 0
                                    


"Jen. Tulungan mo nga akong mag lettering dito" sabi ni Yuki habang nag gugupit sa cartolina.

Ngayon kasi ang araw ng foundation day namin. Maraming mga booth kami nila Jihyo, Sana, Yuki at apat pa na schoolmate namin ang na assign sa kissing booth. Si Jungkook naman nandun sa court at kinausap lang ng coach.

"Hay nako Jen. Dapat ikaw na lang sumali sa muse e" sabi nung lalakeng classmate ko na si Andrei.

"Ayoko, tsaka okay naman si Joy ah." sabi ko habang nag gugupit pero sa totoo lang deep inside na bububwisit ako sa kanya!

Tiningnan ko sya napakamot siya sa ulo niya at kumunot naman ang noo ko. "Tss mas bagay ka don! Maganda, Matangkad, Makinis ang balat, Matalino na sayo na lahat! Pasok na pasok ka!"

Uminit naman ang pisngi ko, iba ang feeling pag napupuri ka. Nagulat naman ako ng biglang may dumating "Talaga ba pre?" sabi ni Jungkook na naka kunot ang noo.

Napalingon si Andrei at nagulat. "Ay sorry" umalis si Andrei na napakamot sa ulo. Manarism ata nito ang kumamot sa ulo.

Sinundan ni Jungkook ng tingin si Andrei na paalis. Tiningnan nya ako nagpipigil siya ng tawa. Nagseselos yata to. Nilapitan niya ako at ngumuso "Natatawa ka ba?" tanong niya

Hindi ko na napigilan ang tawa ko. Humagalpak ako sa tawa nakita ko lalong umiba ang ekspresyon ng mukha niya kaya sumeryoso ako. "Nagseselos ka ba?" tanong ko na nagpipigil ng tawa.

Nakita kong pumula ang pisngi niya at nag iwas ng tingin "Ah- hi-hindi ah! Bat ako magseselos!" Ang cute talaga niya! Sasabog ata sa kilig ang puso ko.

Tumayo ako at lumapit sa kanya nilagay ko ang mga kamay ko sa leeg niya at ipinulupot ito. Tiningnan ko siya ng deretso pero hindi siya nakatingin sa akin natatawa tuloy ako lalo.

"My King look at me" sabi ko

Unti unti niyang nilingon ako. Nagulat ako ng bigla niyang ipinulupot ang kamay niya sa bewang ko at idiniin niya ako sa sarili niya. Ramdam ko ang katawan niyang matigas! Oh shet! Uminit ang pisngi ko sa ginawa niya pakiramdam ko nag bablush ako! Ngumisi siya.

"Ano? Kinikilig ka?" tanong niya ng pabulong

"Psh. Sabihin mo nag seselos ka! Ahh ang cute mo magselos kainis lalo tuloy akong naiinlove sayo!" sabi ko

Inilapit niya ang mukha niya sa akin "Ano ngayon kung nagseselos ako" sabi niya sabay siil ng halik sa akin.

Mainit ang mga halik niya. Uminit ang pakiramdam ko! Ah shet Jungkook!

Nakalimutan kong nasa public place kami at nasa school!

"Ehem! may bayad po sa kissing booth" sabi ni Yuki

Tumigil kami sa paghalik at lumingon sa kanila. Nagtatawanan sila.

"Mamaya magkano ba bayad? Buong magdamag kasi kami maghahalikan" sabi ni Jungkook sabay tawa

Hinampas ko braso niya. "Tumigil ka nga. Landi mo" sabi ko

"Aba para namang hindi mo nagustuhan yung halik ko ah"

Nagulat ako ng biglang may nagdabog. "Excuse me. Nasa school po tayo wala sa hotel" sarkastikong sabi ni Joy.

Aba ang malandi napadpad dito!

"Mamaya maghohotel kami" napalingon ako sa sinabi no Jungkook. Hay nako! Inirapan ko siya, at tumawa naman si Jungkook.

Napasimangot si Joy. Kaya nag walk out siya.

Nagtawanan sila Jihyo. "Buti nga sa kanya hahaha" sabi ni Joy

"Pa epal eh hahaha" singit ni Sana

I Love You Since 2014 || JenKook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon