Part 28

117 3 0
                                    

"Ang ganda ng girlfriend mo Jungkook mala anghel" ani bagong kasal.

"Hindi naman po" nahihiyang sabi ko

Maya maya pa ay dumating si Minnie. Nagulat sya ng makita nya kaming dalawa ni Jungkook.

"Tito this Jennie highschool friend ko po" pagpapakilala ni Minnie sa akin sabay hawak sa braso ko.

"Oo kilala na namin sya" ani tito niya

Napatingin naman sa akin Minnie na tila ba nang aasar ang tingin. Alam ko tong mga tingin na ito eh.

Umalis na sa harapan namin ang bagong kasal. Inentertain ang ibang bisita.

"By the way Minnie This Jungkook my boyfriend. Jungkook this is Minnie my highschool friend." sabi ko sabay nilakihan ko ang mata ko kay Minnie.

"Nice to meet you Minnie" ani Jungkook.

"Nice to meet you too Jungkook"

"Kamusta ba si Jennie as a girlfriend?" napakagat labi si Minnie at ngumisi

"Sweet, maalaga maalalahanin lahat na nasa kanya" ani Jungkook sabay akbay sa akin. Ngumiwi naman ako sa sinabi nya.

Tumawa naman si MInnie. Napakunot noo ako what's wrong this Minnie huh.

"Perfect girlfriend ka talaga Jen" sabay tawa

"Tumigil ka nga Minnie. Hanggang ngayon di ka pa rin nagbabago noh" sabay kiliti ko sa kanya.

Medyo childish kasi tong si Minnie.

"Jungkook!"

Napalingon kami kahit si Jungkook lang ang tinawag. Si manager nila yon.

"Jungkook halika may sasabihin ako sa inyo" ani manager Nim

Sumulyap naman sa akin ang manager nila "Ay excuse ko lang muna itong si Jungkook ah"

Nagpigil ako ng tawa like wth? Bakit pa ipapaalam sa akin para tuloy nya akong nanay.

Umalis na nga sila sinundan ko sila ng tingin samantalang si Minnie kita ko sa gilid ng mata ko na tinititigan ako. Lumingon ako sa kanya at kumunot ang noo ko.

"Problema mo?" tanong ko

"Wala" pigil ang tawa nya

"Alam mo kanina ka pa ah."

Ewan ko ba dito kay Minnie kung bakit natatawa. Natatawa ba sya dahil sa sinabi ni Jungkook na malambing ako? Ay ewan!

Wala pa rin si Jungkook siguro dahil may pjnag uusapan pa tungkol sa banda. Sa gitna ng pag uusap at tawanan namin Minnie. Bigla akong natigilan, lumapit sa amin ang daddy ni Jungkook! Si Tito Alejandro! Maging si Minnie ay tumigil rin sa pagsasalita.

"Jennie? Hija? Can we talk?" tanong ni tito Alejandro.

"Okay po"

Tumayo ako at nag excuse muna kay Minnie. Damn! Kinakabahan ako baka pag uusapan na naman ay tungkol kay Jungkook.

Pumunta kami sa bandang gilid ng venue wala masyadong tao don. Nagulat ako ng naroon rin si Joy! Shit! Ano to!

"Hi Jen!" bati ni Joy

"Hello. Ah anong ginagawa mo dito?" pormal kong tanong.

Napatingin naman si Joy kay Tito Alejandro.

"Joy is here because of Jungkook" ani tito Alejandro

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi ni tito Alejandro. Teka, siya ba? siya ba yung nirereto niya sa anak niya? Damn it!

Hindi ako agad nakapagsalita ngumisi naman si Joy.

"Siya yung tinutukoy ko Jennie. I want her, I want her for my son. For Jungkook"

Nanlamig ako sa sinabi ni Tito. So totoo nga ang hula ko. Totoo ang pag iisip ko na si Joy nga. Wtf! Inagaw na nga niya sa akin Jackson pati ba naman si Jungkook aagawin nya sakin?

Nagtitimpi ako ng sama ng loob kay Joy pero tinatago ko lang yun. Alam ba toh ni Jungkook? Kung alam nya bakit hindi nya agad sinabi sa akin.

"Jennie ipaubaya mo na lang si Jungkook sa akin." ani Joy

Lalong nag alab ang galit ng puso ko sa sinabi niya. Ang kapal ng mukha niya para sabihin yun. Ano bagay si Jungkook para ipamigay na lang basta basta!

Napakagat labi ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko, gusto kong mag wala na parang bata kase ayaw kong iwan si Jungkook.

"Jennie" malamig na tono ni Tito Alejandro.

Ng bigla akong may naramdaman sa likod ko at umakabay ito sa akin. Paglingon ko ay si Jungkook iyon, madilim ang ekspresyon ng kanyang mukha. Kinakabahn tuloy ako.

"Jungkook" ani Joy na lumapit kay Jungkook at hahalikan ang pisngi pero umiwas si Jungkook. Nadisappoint ang ekspresyom ng mukha ni Joy.

"Leave us Joy" ani Jungkook na malalim ang tingin kay Joy

"Jungkook hijo wag mo syang tratuhin ng ganyan" ani tito Alejandro

Tinanggal ni Jungkook ang kamay nya sa pag kaka akbay sa akin at hinawakan ang kamay ko. Hindi ako makapagsalita dahil gulat ako sa mga nangyayari.

"Dad? Ano bang problema mo at pinipilit mo sakin si Joy?!" sigaw ni Jungkook

So alam nga nya. Hinawakan ko ang braso ni Jungkook para pigilan sya napalingon sya sakin at pumungay ang mata nya. I can't help but I smile at him pero tipid. Nilingon nya ulit sila Joy.

"Hijo I just want what's best for you---"

"Best? Talaga ba? Sa tingin mo ba dad magiging masaya ako sa BEST na sinasabi mo?" namumula ang tenga ni Jungkook kinakabahan tuloy ako lalo dahil yung ibang atensyon ng tao ay nasa amin na.

Napailing si tito Alejandro "Anak"

"Jungkook. Igalang mo ang daddy mo" ani Joy

"Igalang? Ginagalang ko naman sya ah. Sya lang hindi gumagalang sa akin hindi niya ginagalang yung gusto ko" nanghina ang boses ni Jungkook.

"Jungkook tama na" sabi ko

Bigla namang dumating ang mommy ni Jungkook "What's happening here?" tanong niya

"Si dad po kasi" ani Jungkook

"What's this Alejandro? Huwag mong pilitin ang anak mo sa ganyang bagay. He loves Jennie so much. Respetuhin na lang natin yon" sabi ni tita na pagod ang mukha.

"Tita tito tama na po" sabi ko

Napalingon sa akin sila.

"Naiintindihan ko naman si tito" sabi ko ulit.

Kumunot ang noo ni Jungkook napakagat labi naman ako dahil madilim at galit ang ekspresyon ng kanyang mukha.

"This is my final decision!" sabi ni Jungkook

Hinawakan ni Jungkook ng mahigpit ang kamay ko. Para bang kinukurot ang puso ko sa mga nangyayari. What's wrong with me ba? Hindi ba ako ideal wife para sa lalaki? Hindi naman ako nag bubulakbol sa pag aaral, matino akong babae! Then wtf!

I Love You Since 2014 || JenKook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon