Part 39

139 3 0
                                    

Kinaumagahan sabay kaming pumasok ni Jungkook. Malapit na rin ang foundation namin, kaya yung iba ay nag papractice na rin like sa cheering at kung ano ano pa.

Sinalubong kami nila Jihyo. "Wuuy! malapit na foundation ah!"

"Oo nga eh." sabi ko

"Hmm sino kaya ang pipiliin sa atin mag muse?" tanong ni Yuki

"Onga noh?" ani Sana

Nagkibit balikat na lang ako. Pumasok na kami sa classroom. Dumating na rin yung professor namin.

Ina announce na rin niya ang tungkol sa nalalapit na foundation day.

"Nga pala sino mag mumuse?" tanong ng Professor namin

Nagtuturuan pa sila kung sino. Ako naman tahimik lang ako, si Jungkook naman nakita ko sa gilid ng mga mata ko na sumusulyap sulyap sa akin.

"Jen?" panimula niya

Lumingon ako "Oh?"

"Ikaw? mag muse ka?"

"Ah? ayoko!"

"Bakit?"

"Eeh ayoko"

Nagkibit balikat siya "Tama yan baka dumugin ka lang ng mga lalaki e" aniya

Napalingon ako sa kanya. Kumunot ang noo ko "Luh?"

Nang aasar ang mga ngiti. Hays kainis talaga tong gwapo na to! Napansin ko wala pala si Joy? Absent sya? Siguro yung nangyari sa birthday celebration?

Tumingin sa akin ang professor namin "Hmm si Jennie na lang!" Nagulat ako sa sinabi ng prof namin. Sumang ayon ang mga kaklase ko "Oo nga! Maganda si Jennie!" sabi nung isa kong kaklase na lalaki.

"Ahh prof--- a- ayaw ko po hehe" sabi ko

Medyo na disappoint ang mukha niya. Napakagat labi ako. Damn! "Why? Pasok ka!"

"Pero ayoko po talaga" sabi ko ulit

Yung iba kong mga kaklase nagtatanong din.

"Jennie?" sabi ni Jihyo. Tinaasan ko sya ng kilay at umiling ako. Ayoko talaga sumali e.

"Hayaan na po natin. Kung ayaw sumali, wag ng ipilit" ani Jungkook. Wow ha! My king! Ahehehe

Asar naman ang inabot ko sa mga kaklase ko "AYIEEEE" pero yung ibang babae syempre naiinis alam ko namang mga may gusto rin to kay Jungkook e.

"O sya sige" ani prof.

"Ako na lang!" napalingon kami sa likod oh! Joy!

"You're late" ani prof

Umupo si Joy sa upuan niya. "I'm sorry prof"

Tumango lang si prof namin. "Oh ano? si Joy na?" tanong ng professor namin

Yung iba umangal pa ako kasi ang gusto nila maging muse. "Si Joy na lang" sabi ko

"Okay final na ito! Si Joy ang ating muse" ani prof

"Hmm? walang escort?" tanong ni Joy

Nagtawanan naman ang iba kong kaklase. "Escort?" sabi ng iba kong kaklase. Walang escort escort kasi dito, muse lang.

"Walang escort" sabi ni prof

Medyo kumunot ang noo ni Joy. Tila ba disappointed ano pag ba may escort si Jungkook pipiliin niya? Tsk

"Mamaya Joy, ipapakilala ang mga kasali sa  foundation day"

"Okay po" sabi ni Joy

Ganun na nga nangyari feeling ko ang awkward kasi diba kaklase ko si Joy. Nagturo na ang professor namin. Wala masyadong pinagawa sa amin. Buti na lang hays.

I Love You Since 2014 || JenKook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon