Part 24

200 3 0
                                    

Araw ngayon ng pageant ni Sana. Ngayon din ako ipapakilala ni Jungkook sa daddy nya medyo kinakabahan ako iniisip kung anong magiging reaksyon nya.

Jungkook:

Good morning my queen!

Ako:

Good morning too my king :)

Jungkook:

Susunduin kita dyan sa inyo mga 11:45 am :)

Ako:

Okay :)

Nag hanap na ako ng kung anong pwedeng susuutin ko. Kinalkal ko ang mga damit ko sa aparador para maghanap ng damit. Sinukat sukat pero wala akong mahanap na maganda. Halos pawisan na ako, tiningnan ko muna ang oras 10:15 na hindi parin ako nakakahanap ng damit.

Nang narinig kong bumukas ang pinto ng kwarto ko napalingon ako si mommy yun.

"Anong ginagawa mo at pawisan ka?" tanong ni mommy na nag aalala

"Naghahanap ako ng masusuot ko my" sabi ko sabay hinga ng malalim

"Para ba mamaya sa lunch nyo ni Jungkook?"

"Opo" bumagsak ang mga mata sa damit kong nagkalat.

Tiningnan ni mommy ang mga damit ko inisa isa nya ito ng tingin. Ako naman ay nakatingin lang kay mommy habang gingawa iyon.

Hanggang sa may napili na sya.

"Ito!" sabi ni mommy

Color red iyon na dress at naka off shoulder. Medyo hindi ko na rin nasusuut yun huli kong suot siguro'y nung nag new year.

"Oh maganda my ito na lang"

"Kaya nga. Matagal mo ring hindi nasuot yan ah" anya habang inaayos ang iba kong damit.

"Ay my ako na lang mag aayos nyan" napakamot ako sa ulo ko.

"No ako na dito iprepare mo na yang sarili mo"

Ganun nga ang ginawa ko. Pumunta na ako sa CR para makaligo, pagkatapos ay kumain muna ako.

It's already 11:15 am so nag bihis na ako at naglagay ng lip balm hindi naman kasi ako nag memake up. Lip balm okay na yun.

Ilang beses kong tinitingnan ang sarili ko sa salamin.

Lumapit sa akin si mommy at tiningnan ako. Tinaasan ako ng kilay ni mommy at napakunot ang noo.

"Bakit my? pangit bako?" tanong ko

"Hindi your so beautiful anak"

"Eh bakit ka ganyan makatingin sa akin?" tanong ka sabay nguso

"Eh kasi hindi ka na umaalis sa harap ng salamin kanina kapa nandyan." ani mommy na humagalpak ng tawa

"Mommy naman ih." napanguso na lang ako

Lumapit rin si daddy sa aming dalawa. Tiningnan ako ni daddy mula ulo hanggang paa.

"Wow naman nak! Ganda ah! Lalong magkakagusto sayo si Jungkook nan" humagalpak ng tawa si daddy

"Pero kinakabahan akoo"

"Bat naman" tanong ni daddy

"Ipapakilala ako ni Jungkook sa daddy nya"

Nagkatinginan naman si daddy at mommy hinawakan ni mommy ang kamay ko.

"Ano ka ba anak ayos lang yan" ani mommy

"Huwag kang kabahan" ani daddy

Niyakap ako nila daddy at mommy.

"Uh my baby is already a lady na" ani mommy

I Love You Since 2014 || JenKook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon