Part 17

175 3 0
                                    


Pwede bang manligaw

Kinabukasan wala na akong masyadong dahil sem break na. Nag bike na lang ako, sila mommy at daddy namasyal naman hindi na ako sumama dahil date nila yun ayokong umistorbo.

Alas dose ng tanghali umalis sila mommy sabi nila mga 1 week daw sila wala kase sa Cebu sila.

Ako na lang ang naiwan mag isa sa bahay wala akong magawa kaya nag luto ako ng makakain ko tapos ay binuksan ang tv nag movie marathon ako mag-isa.

"Tao po! Jennie!." isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa labas. Ng lumabas na ako ay nagulat ako si Jungkook ito.

Pagkalapit ko sa gate ay nakangiti sya akin. "Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Ikaw lang daw mag isa dito sa bahay?"

"Ha? oo paano mo nalaman?" gulat kong tanong

"Sinabi sa akin ni tita"

Nagulat ako bakit pa sinabi ni mama kay Jungkook. Ano si Jungkook mag babantay sa akin? Hindi ako agad nakapag salita non, ng bigla kong napansin hindi ko pa pala binuksan ang gate.

"Ay pasok ka pala" sabay bukas ng gate

"Salamat akala ko hindi mo ako papapasukin e" tumawa sya, tumawa na lang rin ako.

Pumasok kami sa loob ng bahay pinatuloy ko sya pinaupo ko sa sala. Tinignan ko sya ng napansin kong nilibot ng mga mata nya ang buong bahay. Napatingin sya sa akin kaya nag katinginan kami.

"Ang ganda talaga ng bahay nyo" ngitian nya ako.

Tumango lang ako hindi ko alam kung anong gagawin ko paano ko sya ientertain.

"Uhmm nag momoma ka?" tanong nya

"Oo" sagot ko

"Ikaw lang mag-isa?" tanong nya ulit

"Yup"

Umupo ako sa isang sofa may nakalagay na juice roon at ininom ko nakatingin sya sa tv.

"Oh! about love pala pinapanood mo" ngumisi sya

"Hmm punta lang akong kusina ah ipaghahanda kitang ng pagkain"

"Wag na nakakahiya naman" ani Jungkook

"Ano ka ba bisita kita rito"

Pumunta na ako sa kusina para magluto ulit, i cook carbonara. Buti na lang at maalam ako sa pagluluto. Ng maramdaman kung may naka tayo sa likod ko, sinubukan kong lumingon.

Pag lingon ko ay malapit masyado ang mukha ni Jungkook nakatingin sya sa akin makahulugan ang mga titig niya. Iniwas ko na ang tingin ko para tignan ang niluluto ko.

Nag init ang pisngi ko bumibilis ang tibok ng puso ko. Masyado syang malapit sa akin hindi ko alam kung bumibilis ba ang tibok ng puso ko dahil kinakabahan o dahil kinikilig ako.

"Are you good at cooking huh" ani Jungkook na ngayon ay nasa gilid ko na

"Hindi naman"

"Pa humble ka talaga" ngumisi sya habang nakatingin sya sa niluluto ko.

Feeling ko ang awkward hindi ko alam pero sanay naman ako ng may nanonood sa akin habang nagluluto siguro ay dahil may gusto ako kay Jungkook?

Luto na ang carbonara si Jungkook ang kumuha ng plato na paglalagyan ng carbonara. Pinlating ko ito, habang ginagawa ko yun ay kita ko sa gilid ng aking mga mata na nakatingin sya sa akin pilit kong hindi pinapansin yun para makapag focus ako sa ginagawa ko.

I Love You Since 2014 || JenKook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon