Part 38

123 1 0
                                    


Kinabukasan gumising ako ng masaya. Dahil tanggap na ako ni tito Alejandro. Akala ko ay kung anong mangyayari kagabi, pero si Joy. I'm sure hindi papayag yun?

Hindi ko pa nasasabi kila mommy at daddy. Tulog na kasi sila kagabi. Pero paano ko ito sasabihin sa kanila? Ang alam nila mommy nag date kami ni Jungkook.

Nakahiga pa rin ako sa kama at kung ano ano iniisip. Napatingin ako sa wall clock oh! 10 AM na pala. Hindi ko namalayan ang oras. Bumangon na ako, at bumaba nakakaramdam na rin ako ng gutom. Pag baba ko sa hagdan, oh my! Nandito sila Jungkook with his mom and dad.

Bigla tuloy akong naestatwa ano kayang itsura ko ngayon! The fuck! Kakagising ko lang!

Nakatingin silang lahat sa akin. Natutulala ako sa kanila ano ibig sabihin nito?

"Good morning anak!" bati ni mommy sa akin

"Good morning Jen!" sabi ni tito Alejandro. Malaki ang ngiti sa labi ni tito. Napatingin din ako kay Jungkook, nginitian niya ako at yayakapin "Wooy don't hug me" sabi ko

Napakunot noo sya "Huh? Why?" tanong niya

Napakagat labi ako, uminit ang pisngi hays nakakahiya! "Ehh kasi hindi pa ako naliligo" sabi ko na nahihiya

Napangisi sya "Jen. Kahit hindi ka pa naliligo, mabango kaparin" nag pacute pa sya.

Narinig kong nagtatawanan sila mommy sila tito sa likod. "Ang sweet" ani mommy

Niyakap ako ni Jungkook. Ang bango niya na coconcious tuloy ako kung ano amoy ko.

Pagkatapos namin magyakapan. Nag paalam lang ako saglit na pupunta akong banyo. Pagkapunta kung cr, naghilamos ako at nag toothbrush. Nag suklay din ako ng buhok para naman presentable. Naglagay din ako ng pabango.

Paglabas ko sa cr. Nakita ko agad sila may mga nakahain na pagkain, siguro dala ito nila Jungkook? Medyo malaim ata ang pinag uusapan.

Nang makarating na ako "Ano naman ang magagawa ko diba? My son loves Jennie" sakto pag dating ko doon ay nginitian ako ni tito Alejandro.

Umupo ako. Nasa tabi ko si Jungkook. Tiningnan ako ni Jungkook nilingon ko naman siya. Oh shit! Ang gwapo niya talaga! Nginitian niya ako at pinisil ang ilong ko.

"Ay"

"Cute cute mo" aniya

Inirapan ko lang siya. Hays stop it Jungkook kinikilig ako!

"So kamusta ka naman Jennie?" tanong ni tito.

"Okay naman po" sabi ko habang nakangiti

Nag usap usap pa. Tawanan. I'm so glad na okay na kami.

Ang saya lang talaga. Iba pala ang feeling kapag tanggap kayo ng pamilya nyo.

Bigla kung naalala si Joy. Paano sya? Nakita ko ang ekspresyon sa mukha niya ang nangyari kagabi. Galit na galit siya.

Pero pinilit ko na lang na wag na munang alalahanin yun.

I Love You Since 2014 || JenKook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon