Part 31

122 1 0
                                    

Buong klase nangigigil ako dahil kay Joy. Habang nasa klase ay hindi ako maka concentrate buti nalang at hindi nagkatabi si Jungkook at Joy. Magkahiwalay ang babae at lalake sa sitting arrangement sa kasamaang palad magkatabi kami ni Joy.

"Jennie ang cute ni Jungkook noh" ani Joy na nakangisi.

Nagulat naman ako sa sinabi nya, seriously sinabi niya yon? Sa akin mismo. Hindi ba niya na isip na baka kung anong maramdaman ko. Sabagay malandi naman nga pala sya.

"Ahh oo" sabi ko ng hindi ko sya nililingon.

Nagsusulat lang ako dahil may pinagawa sa amin ang prof namin. Si Joy naman e easy easy lang ewan ko ba dito.

"Jennie! tapos kana?" tanong ni Yuki

"Malapit na"

Kailangan kong galingan dito, lalo na't balita ko matalino itong si Joy ayokong malamangan nya ako.

Napatingin ako kay Joy na ngayon ay nagsusulat na akala ko e hindi na ito gagawa.

After 15 minutes pinasa na namin ang gawa namin. Nauna si Joy sa akin nasa unahan sya, ng lalapitan ko na si Jungkook biglang humarang sa akin si Joy. Damn! Problema nito!

"Jungkook are you done" tanong ni Joy

Kumunot ang noo ni Jungkook "Yes."

Tumingin naman si Jungkook sa likuran ni Joy at ako yung tiningnan nya. "How about you my queen" lumapit si Jungkook sa akin at hinaplos ang aking pisngi. Napatingin ako sa likuran ni Jungkook at kita ko sa mukha ni Joy ang dissapointment. Buti nga sa kanya!

Marami pa kaming ginawa grabe first day pero grabehan.

Lumabas na kami ng classroom dahil uwian na. Hindi ko pjnayagang makalapit si Joy kay Jungkook ni hindi ko na napansin sila Jihyo.

Ng papalapit ako kay Jungkook ay nakita ko si Joy na papalapit rin. Binilisan ko para hindi nya ako maunahan bitch!

"Jungkook!" sabi ko sabay nadangi ko si Joy kaya medyo muntik na syang matalisod

Napatingin sya sakin namula ang mukha nya sabay naka kunot ang noo tila naiinis ito.

"Ay sorry dikita napansin" sabi ko sabay deretso na kay Jungkook

Nakangisi si Jungkook habang papalapit ako. "My queen" niyakap ako ni Jungkook sabay halik sa noo.

Hindi ko nilingon si Joy at hindi na rin pinansin mamatay sya sa ingit!

I Love You Since 2014 || JenKook Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon